Chapter 14: Spelunking

5.3K 110 3
                                    

Ynnah's POV://

"Kamusta na kaya yung dalawa?" Pagtatanong ni Mae habang nasa byahe kami. Sa coaster na kami sumakay since maluwag naman. Nasa 19 lang kami (including si Manong driver) 25 pax naman kasing capacity nung coaster. May tig dadalawang seats per sides. Ako at si Alexa ang magkatabi, sa kabila naman sina Kat at Mae .. Si Gelann? Ayun .. Katabi ni Mark, halos hindi mapaghiwalay yang dalawa.

"Halaaaa... naiwan si Terrence at Chloe na magkasama! LAM NA THIS" mapilyang pagkakasabi ni Alexa. "Hay naku Lex. Yang utak mo talaga!" Pagdedepensa ko. "Suss. Inggit much ka naman kasi hindi ka kasama ni Papa Romeo." Gustong gusto ko nang aminin sa kanila yung deal namin ni Terrence. Ayaw kasi maniwala ng mga 'to. Crush lang yun no, nawawala din. Hmp!

"Wag nyo na alalahanin yung dalawang yun. Matatanda na yun. Magenjoy nalang tayo dito!" Biglang nagsalita si Gelann sa likod. Nasa likurang seats lang kasi namin sila. "Palibhasa may Chinito kana. Penge nga ko" at kinuha ko ang cheetos na kinakain nila, hindi man lang nag-aya.

Well, may percent pa din naman pero very very light na naiingit nga ako na magkasama sina Terrence at Chloe. Pero kasi, nagiging parang kuya ko na din si Terrence. Parehas kasi sila ni Kuyang overprotective lalo na sa akin. Kaya nga siguro medyo isip bata ako kasi binababy ako sa bahay. Haha, halos 11 years kasi bago ako nasundan ni Nicole, yung nakababata kong kapatid.

"HOOOY!" Bigla bigla namang nang-gugulat 'tong si Kat. "Share share din ha?" - Mae. Bigla ba namang hinablot yung kinakain ko. Haha.

"Welcome to Karst Cave!" Sabi ni Kuya Carl, sya kasi yung nasa harapan. Nag-stop na din naman yung sasakyan at isa isa nang kaming nagbabaan.
"Girls! Kita kits nalang mamaya ah? Sabay daw ako kay Carl e. Ciao!" Dali dali namang pumunta si Alexa kay Kuya Carl, natapilok pa nga e. Haha.

"Landi landi din pag may time" buwelta naman ni Gelann habang ka-holding hands si Mark. "Nagsalita .. Isa ka pa e. Haha" Mae.  "Mga to! gayahin nyo nga kami ni Mae! Mababa---" bago ko pa man matapos sinasabi ko, aba at etong si Mae, kausap at halatang nagpapacute na kay Russel. So iwanan na ganern? Huhu poor Ynnah.

"Hey! Ynnah right?" "Hi!" May isang napakatangkad kasi na lalaki yung nasa harapan ko ngayon. Hanggang kili-kili nya lang ako, huhu. 6ft 3 kasi sya, lalo akong nanliit. Haha, alam kong basketball player din sya, kaso di ko alam pangalan nya. Haha, bihira ko lang din kasi syang makita. "Sorry ha, ano nga palang pangalan mo?" Pagtatanong ko. "Ayy .. Sorry, di pa pala ako nagpapakilala haha. Call me Bryan." Iniabot naman nya ang kamay nya at nakipag shake hands naman ako.

"Mukhang malungkot ka ah, loner?" Aba at ipamukha ba naman daw. Haha, "Wow, thank you ah. Haha, hindi naman, Iniwan lang kasi ako ng mga bruha" sabay turo sa kanila isa-isa.

Bigla ba naman ako inakbayan .."Sorry na. I feel you kasi. Sana nga ako nalang laging kasama nung kaibigan mong yan e." "Ha? Sino sa kanila?" "Secret." Aba, at kung ngumiti akala mo naman close na close na kami, FC din 'to e. Eme, haha.

"Bryan .. Umamin kana. Ako crush mo no? Tsk tsk .. Sabi na nga ba e. Kakakilala lang natin pero may lihim ka na, na pagtingin sakin." Pa-iling iling pa ako para may effect. Bigla ba namang may naramdaman ako nanambunot sa akin.

"Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko, sadyang makapal lang talaga ang mukha." Out of nowhere ay bigla ba namang nagpakita itong si Alexa. "Mana sayooo!" Pagbabalik ko.

"Hi Lex." "Magkakilala kayo?" Nagulat ako, haha. Kasi kung hindi sya familiar sa akin, paano magiging familiar dito kay Alexa. Sya pa naman yung tipo ng tao na walang naaalalang pangalan. Ngingiti lang yan sabay bubulong "Sino nga uli 'to?" But this time, alam nya yung name.

"Uy Bryan. Hello!" Halos ilabas na ang lahat ng ngipin pati gilagid smile ni Alexa. Hahaha .. Confirmed! Kilala ko na agad yung tinutukoy ni Bryan. Ako pa ba? Idol ko ata si Sherlock Holmes. Haha.

"Ynnnnnaaaaah!! Halika dito." Pagsisigaw nina Mae at Kat sabay taas ng Indian Mango. Yum! Nangangasim tuloy ako, madali naman akong pumunta sa kanila ng makapagusap privately ang dalawang nagkakahiyaan na 'to.

~~~
Alexa's POV://

"Uy!" At winave nya ba ang mga kamay nya sa mukha ko, bulag lang ganun? Haha. "Ay sorry sorry!" napatulala kasi ako bigla, naaalala ko na naman ang nangyari kanina samin ni Carl.

Flashback:

Binuksan kasi ni Carl yung speaker nya na connected sa Ipod nya, ako naman feel na feel yung long hair ko since ang sarap ng hangin, binaba ko kasi yung bintana ng kotse. Nasayo na ang lahat kasi yung tinugtog. Ililipat pa sana ni Carl kaso sumabay ako bigla sa kanta. "Neseye ne eng lehet. minemehel kita pegket" with matching head bang at turo dito turo doon dance moves. Haha, napatitig lang sya sakin. Akala ko nga na-turn off na e. Haha. Kaso tumawa sya ng sobrang lakas, yung mag pahampas hampas pa sa knees nyang tawa. Haha.

Nahiya naman ako, pero napapatawa na din kasi ako sa mga tawa nya kaha halos buong byahe, paulit ulit nyang pinapatugtog yun.
"Hahaha .. Isa pa? Nakakatuwa ka kasi e. Ang cute cute mo." Tapos pinisil nya yung pisngi ko.

ow sh*t cute daw ako. Kung pwede lang tumalon dito sa kotse at tumambling sa daanan, nagawa ko na siguro hahaha.

Buti nalang at medyo traffic dito sa may toll gate, mahaba kasi pila. So yun, tawanan lang kami hanggang sa nagkatitigan. Nakakatunaw yung mga tingin ni Carl, i swear! Unti unti nang palapit yung mukha nya, syempre ako din. Alangan namang umusog ako at magpachicks diba? Grab lang ng grab ng opportunities!

Nung halos 1 inch nalang pagitan namin, napapikit ako tapos

"ARAY!"

At halos magtata-talon na mula sa kinauupuan si Carl. Kainis namang insekto yan ha! Hinubad naman nya yung top nya. Yummy!! "Lex! Patignan nga .." Tapos tumalikod sya. Lintik na hantik 'to. Sinira moment namin. "Wait. Wag kang gagalaw" dahan dahan ko namang kinuha ang hantik sa may likuran nya. Pulang pula na yung likuran nya.

*beep beep*

Binusinahan naman kami nung nasa likuran, umandar na pala yung pila. Pagtingin ko naman sa kotse sa kabila, aba ang sama ng tingin samin. Akala siguro .. Pagtingin ko kay Carl, ow shems .. Naka-topless nga pala sya, tapos pulang pula. Tapos muntik na kaming mag-kiss kanina, kaya pala ang sama ng tingin ni Lolong driver. Huhu.

(End of flashback)

"Wag mo nang isipin yun, mahal ka nun." - Bryan "Talaga lang ha?" Mahal daw ako, i wish!! "Hehe, oo. Pero mas mahal ka nun pag nag promise kang, sakin ka sasabay pabalik ng Manila?" "May dala ka ding sasakyan?" "Wala nga e. Pero sa coaster! Maluwag pa naman e, wala din kasi akong katabi." Pagpapaawa nya pa, sus. "Oo na, sige na." "Deal yan ha?" "Yup! Pinky swear" ang cute lang, ang liit kasi nung pinky fingers ko compared sa kanya. Times two ata laki ng kamay nya sa mga kamay ko.

Gelann's POV://
Magkasama sina Mae, Ynnah at Kath sa ilalim ng puno ng mangga at kumakain ng mangga, maiingit na sana ako kaso wala namang bagoong, at tsaka solve na din naman ako dito sa katabi ko e. Walang katumbas kahit ilang manggang may bagoong pa yan!! Haha.

Hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwala. Ang gwapo gwapo naman nitong boyfie ko. "Gelann, Can i ask you something?" "Sure what is it?" Magkaholding hands kami, nagtatago sa lilim nang malaking puno. Hinihintay pa kasi namin yung guy na mag-guguide sa amin sa loob nung cave, may pipirmahan pa daw na waiver kasi medyo delikado yung mag-spelunking.

"I was wondering, Would you like to go to the beach tomorrow night? Just .. The two of us?" He looked at me straight in the eyes. "s-SURE! I'd love that." I'm stuttering! Paano ba naman kasi, mga tingin palang nya, inlove na inlove na ako.

"It's a date then." sabay wink nya sa akin. Syempre, super kilig naman ako! Pero may something strange akong nafeel ako sa may paanan ko.

Inlove with Mr. MVP (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon