Chloe's POV://Basang basa ako pagpasok ko ng bahay, buti nalang at walang may nakakita sakin. Ayoko rin kasi yung may nakakakita nang pag-iyak ko, hindi ko rin naman sa kanila kayang i-explain. Gusto ko lang talaga magpag-isa. "Oh, iha. Bakit ka nagpaulan? Magkakasakit ka nyan e. Hala, maligo ka na." Nasalubong ko kasi si Manag Fe nung paakyat na ako ng kwarto. Pag-akyat ko, nag shower agad ako. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan, hindi ko sana bubuksan kaso nagsalita sya. "Iha, ako 'to. Si Manang Fe mo, dinalhan kita ng gatas para mainit yang sikmura mo." Pinagbuksan ko naman sya. "Salamat po Manang Fe, sana ho e hindi na kayo nag-abala." "Hayaan mo na ko. Pinuntahan ka na ba ni ren ren? Pinapatanong nya kasi kung nakauwi kana." "Ren-ren?" Pag-uulit ko, wala naman kasi akong kilalang ren ren. "Ayy .. Pasensya na, nasanay kasi akong ren ren ang tawag." Napatawa naman sya saglit. "Si Terrence, iha." "Ahh .. Opo, nagkita na naman po kami. Pwede ho ba pag hinanap nya ko uli, pasabing tulog na? Medyo napagod po kasi ako." "Oo sige, inumin mo na yang gatas at magpahinga ka na." "Salamat po, good night po" Sinabi ko baka isara yung pintuan.
----------------------------------------
Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko lang .. Hindi na uli ako makatulog, huhu. 6am palang kasi, madalas na gising ko e 8am. Pero kahit na anong pikit ng mga mata ko, hindi na uli ako makatulog."Chloe, Di ka dapat nagpapaapekto. Bakit ka naman magseselos, ano mo ba yun? Aish!! Selos? Ako nagseselos?!!!!" Mukha na akong eng eng na kinakausap yung sarili dito sa kama. 2nd day palang namin dito sa Cavite pero ang dami na agad nangyari. Mamaya isipin ni Terrence sobrang arte ko, may pa "can you just leave me alone" pa akong nalalaman, anong sheyt ba yun Chloe!! Ngayon palang unti-unting nagsisink in sakin yung mga kaartehan ko kagabi. Ughhh!!
Mag sorry kaya ako? Paano kung magtanong sya? Anong sasabihin ko? psss. Wag na nga lang. Makakalimutan nya din naman yung nangyari e. Makalimutan nya kaya agad agad e kagabi lang yun? Huhuhu!! Mababaliw na ko.
Lalabas nalang ako, magpapahangin .. Tama, yan nga mabuting gawin. Nag-hilamos at tooth brush lang ako, di na muna ako nagpalit ng pajamas at lumabas na ng pintuan.
So sabay-sabay talaga dapat magsipag-bukas yung pintuan naming le gfs? hahaha, Nakatinginan kaming lima. Yung girls kasi, sa may 2nd floor yung kwarto, nasa 3rd floor naman yung boys maliban lang kay Terrence, katapat ko kasi room nya.
"Gosh!! Chloe, Bakit hindi ka pa ready?" Biglang sita ni Gelann, "Bakit? Ano bang meron?" Nagtatakang tanong ko, isa isa ko silang tinignan, aba at mga naka-powder na ang mga 'to. Gelann rolled her eyes at tuluyan ng lumabas mula sa kwarto nya. Naka bikini na kasi sya, may tapis lang. Isa isa na ding naglabasan sina Mae, Alexa, Ynnah at Kat. Aba at mga nakaswim wear na ang mga loka!
"Hahahahaha!! Girls, ano bang nakain nyo? Hahahaha!" Napapahawak na ako sa tiyan ko kakatawa, paano ba naman kasi. Kung makapag bikini, akala mo e kasesexy. "Makatawa 'to! Oy!! Alangan naman kasing mag-bestida kami habang nagsuswimming? Duh!!" Biglang sabat ni Alexa.
"Don't tell me, yan na susuotin mo?" Pagtutukoy ni Ynnah sa pajamas ko. Cutie naman 'to ah, Hello kitty kaya. "Pwede ba 'to? Wala naman kasi akong dalang swim suit e, actually, wala talaga akong swimsuit. Hahaha." Agad namang napa face palm si Alexa at Gelann.
"Girls! You know what to do" Binuksan ni Gelann ng mas malaki yung pintuan sa kwarto nya, at hinila na nila ako papasok. "Sabi ko na nga ba at tamang nagdala ako ng madaming extrang swim suit. So, what color do you like?" May halos isang dosenang swim suit lang naman ang nakalagay sa maleta nya. "Seriously?" Sobrang titipid naman kasi sa tela ng mga 'to. Pinalaki ho akong conservative ng parents ko, hohoho.
BINABASA MO ANG
Inlove with Mr. MVP (Complete)
FanficLove is like basketball... First, you learn the fundamentals. Second, you play by the rules. Lastly, you do it with your HEART! - Board of wisdom