Chapter 37: The comeback

3K 68 5
                                    

Ynnah's POV://

Kaka-labas lang ng hospital ni Harry. Nakakapagsalita na din sya, kaso medyo naapektuhan yung sa pagkanta nya. Hindi kasi sya pwedeng bumirit lalo na ang sumigaw, under observation pa din kasi sya. Baka yung medical assistance ay ituloy nya nalang sa UK. Timing naman kasi nasa year long break sila. Maipapahinga nya yung boses nya.

Kasama ko pala yung girls dito sa PAL Ticketing office. Kukuha kami ng ticket pabalik ng Manila. Back to work na din kasi kami. Sina Liam, Harry at Louis balik UK na din. Kinuhang judges ng X Factor sina Liam at Louis. Si Harry naman, baka ipa-opera yung throat nya. Saglit lang din naman yung recovery phase, sabi ng doctor, at least 3 months. Gagamitin nya din daw ang oras na yun para makapag-aral ng ibang music instrument katulad ng violin at makapag-sulat uli ng mga kanta. Si Niall, mag-iistay rin muna sa Philippines, gusto nya kasing makilala pa sya ng family ko at ganun din yung family ko sa kanya. After nun, balak ko ding mag-spend ng Christmas sa Ireland para makilala na din personally yung family nya.

"So what flight time to you gals like?" Tanong ni Alexa. Kausap nya na kasi yung ticketing agent. "Basta not too early." Bilin ni Gelann. "What about 9am? Yung next flight kasi ay 2pm pa." "How long is the flight ba?" Pagtatanong ko. "19 hours and 30 mins." Nasa magkaduluhang lugar kasi ang Manila at Bahamas. "Let's go for the 2pm flight!! Para mga 9am the next day, nasa Manila na tayo." Suggestion ni Mayo and we all agreed to it naman. "For how many person ma'am?" Tanong nung agent. Agad namang binilang sa kamay ni Alexa ang mga uuwi ng Pinas. "Tayong lima plus si Niall. 6." .. "Alright ma'am, do you have any other request?" "None" mabilis na sagot ni Alexa.

"Here's your tickets ma'am. Thank you for flying with us .. Have a safe trip!"

-------------
Terrence POV://

"Terrence? Don't you have work? What are you -- OH MY GOD, WHERE ARE YOU GOING?" Fille said, panicking.

I'm packing my things. Lahat ng damit at gamit ko ay inilagay ko na sa maleta. Nakakuha na ako ng ticket pauwing Manila. I'm going back home.

"Terrence, please .. Kausapin mo naman ako." She's crying .. Begging. Pero nanatili pa ding tikim ang mga bibig ko. "Meron ba tayong problema? Please pag-usapan naman natin oh." She kneeled down.

Itinayo ko sya mula sa pagkakaluhod .. "Why do you have to lie?" Agad naman syang nagulat sa sinabi ko. "Nakaka-alala ka na?" Tumango ako. Paunti-unti, naaalala ko na ang lahat .. Lalo na siya. Siya ang babaeng laging laman ng panaginip ko. Kaya pala, kaya pala ganun nalang kalakas yung tibok nung puso ko noong unang beses ko syang makita. Kaya pala ganun nalang yung pag-aalala ko nung bigla syang tumakbo at muntik ng mabangga. Kahit na hindi pa bumabalik ang memorya ko noon, handa ko ng itaya ang buhay ko mailigtas lang sya. Naunahan lang ako.

"Pero .. Ako naman yung unang babaeng minahal mo diba? Masaya naman tayo diba? Please .. Please don't go. Don't leave me." She hugged me .. So tightly. "Thank you Fille. Thank you for everything. For the love, for the care .. Pero hindi ko kasi kayang mabuhay sa kasinungalingan. Nilayo mo ko sa mga taong mahal ko. Gusto kong magalit sayo .. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo kailangang gawin yun. Bakit mo ko niloko? Ang tagal kong nabuhay sa kasinungalingan." Umalis ako mula sa pagkakayakap nya. Bumalik ako sa mga bags ko, isinara ko at hinila ko na palabas ng kwarto.

"Terrence .. Pag-umalis ka, MAGPAPAKAMATAY AKO." Pagbabanta nya. Agad namang bumalik ang tingin ko sa kanya. "Hindi ka pa ba nahihiya? Ako ba, ilang beses mong pinatay? At pilit na ipinapatay?" Tumakbo sya palapit sa akin. She hug me from behind. "Terrence .. I'm sorry. Sobrang .. Mahal lang talaga kita." Iyak lang sya nag-iyak sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mga balikat nya. "Fille. You're a very lovely person. Kaya nga minahal kita dati diba? But a mistake cannot be corrected by another mistake. I have to find myself. Please .. Please let me live. Let me go."

Lumabas na ako bitbit ang mga gamit ko at pumara nang taxi .. "Sir, to the airport please."

-----------------------------------
*NAIA INTERNATIONAL AIRPORT*

Right after take-off, tumayo kami at nag-stretch. Halos isang araw din kaming nag-stay sa eroplano e. Welcome home ang nasabi ko sa isip pagkababa ng eroplano. "Namiss ko 'to!" Sabi ni Alexa sabay turo sa matinding sikat ng araw. "OMG! So hot!!" Pagrereklamo ni Gelann. "Wow! Wala pang isang buwan bakasyon natin sa Bahamas ah. Don't tell me, na-culture shock agad kayo?" - Mae. "Hay naku babe. Magkakaroon na ng world war 3, alis na tayo." Pagbibiro ko sabay hila kay Niall my loves.

Medyo mahaba yung pila dito sa may Immigration. Kailangan kasing ipakita yung passport at emigration certificate clearance (For filipino) and visa naman para sa mga foreigners. Hindi na din naman nagulat si Niall kasi inexplain ko na din sa kanya yung rules and regulation sa airport.

"Finally!!" Ang nasabi ko nung clinear na kami, pumunta na kami sa may luggage area para hintayin yung mga maleta namin.

"Ynnah!! Tignan mo yun, hawig ni Terrence kaso medyo payat. Haha" sabi ni Mae at tinuro ang lalaking naka red polo shirt, Jeans at cap. "Hindi ba sya yan?" Ang nasabi ni Alexa. "Ano namang gagawin nun sa Pilipinas? Eh diba may trabaho na sya sa Bahamas?" Ang sinagot ni Gelann sa tila mga tanong nina Mae at Alexa. Kahit ako mismo ay halos hindi makapaniwala kung si Terrence nga ba yan o hindi. "Lapitan kaya natin para makasigurado?" Sabi ko. "Ikaw nakaisip, edi ikaw lumapit." Magmamatigas ni Alexa. Nasa C.R. si Niall kaya naman naglakas loob na din akong lumapit. Wala namang mawawala pag sinigurado ko, diba?

Dahan dahan akong pumunta sa pinaroroonan nya. Nakakahiya naman kasi kung hindi pala sya dba? Kunwari naghihintay lang din ako ng maleta ko. Hahaha. "Umm.. Excuse me." Sinabi ko at tumabi sa kinatatayuan nya. Napatingin naman sya sakin saglit, ngingiti na sana ako kaso bumalik na naman yung atensyon nya sa mga maleta. "Ayy false alarm, hindi nga sya." Tumalikod ako para bumalik sa pwesto namin kaso bigla syang nagsalita. "Ynnah? Ynnah!!" Hawak-hawak na nya yung maleta nya.

"Te-terrence? Ikaw ba talaga yan?"
"Oo!" Nakangiti nyang sinabi.
"Anong ginagawa mo dito? .. Nakakaalala ka na?"
"Oo .. Kaso hindi pa lahat. Kaya nga ako bumalik para tuluyan ng bumalik ang lahat. Para maitama na din lahat ng mali." Aba, at mukhang humu-hugot pa 'to.

May bigla akong naramdamang umakbay sakin. "Hey, we meet again." May nararamdaman akong tensyon sa mga boses nya. "OH MY GOD! Terrence, ikaw na ba yan?" Ang halos magkakasabay na sabi ng girls. Ngayon palang din kasi nila natitigan uli ng malapitan si Terrence. Medyo malaki nga ang pinagbago nito kumpara dati, dati kasi medyo chubby chubby pa sya, may braces, tapos ang taba ng mga pisngi. Ngayon kasi, pumayat sya pero nag-tone naman ang mga muscles nya. Ngayon ko lang din, nag-iba na din pala ang style ng buhok nya. Hinubad nya kasi yung cap nya at ginulo-gulo yung pagkaka-ayos ng buhok nya. Halos hindi na din makita ang maliit nyang dimple sapagkat pumayat talaga ang mukha nya.

"Hello girls. Kulang ata kayo, nasaan si .. Chloe?"
"Change of plans." Ang sinabi ni Alexa, napatingin naman sya sakin na tila humihingi ng mas malalim
na eksplanasyon.
"Sumama sya kay Harry. Sa U.K." At halos pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nya.

A/N:

As promised!! Here's the UD! Excited na ba kayo sa mga susunod na kabanata? Ems. Haha. Next Update will be on Wednesday !!!!!!! #IWMMTheComeback

Inlove with Mr. MVP (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon