Chapter 2: Terrence Romeo

13.1K 195 10
                                    




Terrence Romeo --->

"miss, okay ka lang?" He asked smilingly.

Kita na nyang nandito ako sa sahig, tatanungin pa kung okay ako? like DUH!! Ikaw kaya banggain ko ng ganun kalakas, tapos tatanungin ko sya if okay lang ba sya.

Kyaaaaah! Bwisit!!! Nakakagigil 'tong loko na 'to.

"Do i look like i'm OKAY?" I said, emphasizing the last word. Lumalabas na naman yung maldita side ko. Wala akong paki kahit na sabihing cute pa sya.

"Sorry naman, e ikaw kasi e. Ano bang ginagawa mo sa harap ng CR ng boys? wag mong sabihing bakla ka? o baka may sinisilipan ka dito?" He said provocatively, trying to tease me.

then he smirked.

Lecheng lalaking 'to. ako na nga nasaktan tapos ako pa pagdududahan nyang naninilip? Mukha ba akong may kuliti? Punyemas naman pag minamalas ka oh.

He offered me his hand, nakaupo pa din kasi ako dito sa may sahig. Sakit kaya ng bewang ko.

Pero tinabig ko lang, bwisit kasi sya. Kung makapag-asar, akala mo e close kami. Ngayon nya lang naisipang mag alok na itayo ako kung kailan marami ng tao.

Nag-ring na yung bell, kaya nag-labasan na din ibang estudyante. I can see some people gossiping and laughing. As if naman alam nila buong kwento. Nakakainis dba? Ang daming mga chismosa talaga sa Pilipinas. And to make things worse, mukhang ako pa ang lumalabas na masama.

"No thanks, i can stand up by myself. And pwede ba? WAG MO NA NGANG HIRAMIN YUNG FOUNDATION KO. INUUBOS MO E. GAYSH*T !!"

I can see some people (from my peripheral view) na nanlaki ang mga mata. I don't really care, i just want to take back my revenge sakto pa naman kasing nahulog yung bag ko at nagkalat yung mga gamit ko sa floor.

"HAHAHHAHAHAHA" the crowd laughed like they're watching a comedy vine.

And that made his face changed from the boy-next-door image to a gangster quickly. He gripped his fist, ang pikunin naman nito.

Tumayo na ko, sabay talikod sa kanya. Mamaya pumapatol pala 'to sa mga babae, kawawa naman ako dba? And ayokong magka-record sa school.

"Hey! we're not yet done Ms. tourism girl." He said as i walk away from him.

-----------
"Oh tagal mo ah, naligaw ka ba? mukhang hinihinggal ka pa ata." - ynnah
Sino ba namang hindi hihingalin? Nung nakaliko na kasi ako from the hallway, sabay takbo ko na papuntang room. Natatakot kasi ako sa hunghang na yun, huhuhu.

"Huhuhu!! Alam nyo bang may hinayupak na sobrang hanging bakilaw na bumunggo sakin. Nakakainis!!!! Ugh!!"

"NAKAKALOKA! Mag kwento ka!! dali!!!" - Gelann

"Gelann, kalma ka lang. Mukhang hinihinggal pa nga 'tong si Chloe oh."- Mae

"Ayy naku, gutom na ko. Sa TAMbayan mo na ikwento yan." - Kath

(Tambayan : cafeteria sa ilalim ng R.papa gym kung san madalas nagprapractice yung mga basketball players)

"OMG!!!!! si RR!!! <3 <3 <3 " - Kath

"Owshems. onga! bat si papa romeo waleyy?!?!?!" - Ynnah

"I scream, you scream for ice cream!!!!" Nakikisali lang ako sa tilian nila.

"Baka nasa taas pa kasi nagprapractice?!?!?" - Gelann

"ALAM NA THIS! LET'S GO GIRLS" - Alexa said enthusiastically, naka - enervon ba sila? Di ko mareach mga energy nila e.

Inlove with Mr. MVP (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon