(*Ace's POV)
*Insert Bullfrog tone of Nokia 1112*
"Guuuuuuuuuuuys!!!" tawag ni Nicey, nasa bleachers kasi kami nina Lala and Mich nung tinawag kami.
Pinindot ko muna ung "OK" button ng cp ko bago ko siya binati "Yow, wazzap?"
"May seminar daw sa NSTP bukas, 1pm daw, nagtext. Nabasa niyo na ba?"
Ah, kaya siguro tumunog cellphone ko kanina, yun na ata yun.
Dali dali kong tiningnan yung phone ko.
1 new message
1a_Jordan.ab
,guyZ, annoUnCemenT lNg po na mY semInar Po sa NSTP 2m, 1pm po, ab0ut RiSk manAgemEnt, attEndanCe iS A muSt kaYa baWal poNg hiNdi pumUnta.
-FoRwarDed fr0m SSC
Sina Lala at Mich, naglabasan narin ng cellphone. Jordan nga pala yung name ng Class President namin.
"Teka" wika ni Mich "Bukas? Linggo?"
*Insert Bullfrog tone of Nokia 1112*
Lumingon yung tatlo sa akin. Yung cellphone ko lang kasi yung tumunog. O di sige, sila na yung naka silent. Haha :D
1 new message
1a_Jordan.ab
AB MATH CHRISTMAS PARTY ON DECEMBER 20, 2010, 2PM AT RB308
-SMS from Ronie, AB Math Council Pres.
Binasa ko yun ng malakas para sa kanila.
"Well..." ngumiti lang si Lala. Galing talaga mag react ng babaeng ito.
"Pupunta kayo?" tanong ko.
"Eh kung required na pumunta tulad netong NSTP Seminar na to na kahit linggo may paganap, wala naman tayong choice eh" sabi ni Mich.
"Ako mukhang di pupunta ng Christmas Party" Sagot ni Nicey "May lakad ako sa 20. Scheduled na yun."
"Ay taray, may date to" asar ko
"Hindi, loka. May retreat kami neto sa church, kasama ako sa event organizer eh"
Nagkibit-balikat nalang ako. Sabagay, ako nga din, hindi sure. Katamad narin yun eh, bakasyon na kasi yun. Maliban na nga lang kung talagang required, o di kaya pag may pumunta sa isa sa mga to. Pero kung kilala niyo na mga kaibigan ko based sa mga naunang kwento ko dito, malamang alam niyo na kung gaano sila, well kasama ko, ka kill joy. HAHAHAHAHA.
"Classmates, NSTP or Org. Shirt bukas ah?" bilin ng president namin sa klase. "Saka pala guys, P5.00 daw ambagan para sa certificate."
"Epal na seminar naman yan, imbes na hayahay nalang bukas" Piksi ng kaklase kong babae, habang nag re-retouch
"Oo nga eh, last day na dapat ngayon." Singit pa ng isa, katabi lang ng pumiksi kanina.
Ano ba naman tong mga kaklase ko, mga reklamador din eh. Di nalang pagbigyan mga NSTP professors namin, sa ayaw pa nila ma miss ang mga estudyante nilang paboritong ibilad sa initan. :l
Fast Forward.
Sunday
NSTP Seminar.
Pasado ala una na ako nakarating sa school. Nagtricycle na nga ako sa pagmamadali ko pero nung dumating ako, hindi pa nagsisimula yung seminar. Kaso nga lang, puno na halos yung mga bleachers sa covered court. Doon nila gaganapin yung seminar e.
Hinanap ko agad yung mga ka coursemate ko sa tambak na mga tao sa court.
"Hoy Ace!"
Tawag yun ni Nicey, andoon pala karamihan ng mga Liberal Arts sa pinakasulok ng covered court. Yung iba nga mga nakatayo nalang.
"Hoy karin!" nilapitan ko sya sabay hampas ko sa braso niya, hindi naman malakas pero napa aray ang babaita. "Kanina ka pa rito?"
"Medyo"
"May pwesto ka na?"
"Wala eh, hindi man lang kasi nag reserve ng space yung dalawa dyan!" sinabi ni Nicey yun na parang nagpaparinig. Sabay lingon sa paligid, particularly sa bleachers.
Nakita ko sina Lala at Mich. Sitting pretty, ang ganda nga ng pwesto eh.
"Eh sa wala na ngang maiusod eh, sensya naman!" sigaw ni Mich pero parang normal na boses lang sa pandinig ko dahil sa dami ng tao. Nag hand gesture pa siya na 'wala na talaga'.
O well, kahit di naman sabihin ni Mich yun, talagang siksikan na sila sa bleachers, pero at least sila nakaupo. Unlike samin ni Nicey. Mukhang no choice kung hindi mag standing ovation hanggang matapos tong seminar na to.
"Yaan mo, dito nalang tayo tumayo."Napasimangot nalang ako at tinabihan si Nicey sa gilid, kasama ng mga kaklase naming lalaki.
"Akala ko late na ako! Wew! Buset na traffic yan!"
Bigla akong napalingon sa nagsalitang yon, lumapit kina Luke, doon nakiumpok. Di nga niya napansin na tiningnan ko siya eh. Bahala sya dyan. Hahahaha, napalingon lang ako, agaw pansin naman talaga yung pagsasalita niya eh. Out of the blue. :D
"All NSTP students, please pay attention now, we will start in 5 minutes." wika ng emcee, naka lapel, palakad lakad dito sa court. Akalain mong na manage niya pang rumampa sa napakakapal na tao.
"Kanina pa yang 5 minutes na yan" maktol ni Nicey.
"Parang di ka na nasanay"
"Kaya nga eh, kahit nung final wave filipino time din yun, nakakasawa na, buti nalang masaya yung event na yun. Nako kung di lang talaga required tong seminar na to eh"
Tumawa nalang ako. Totoo naman kasi. Apaka Filipino Time talaga ng school namin pag nag o organize ng events.
At yun, buti after 900 seconds, oo binilang ko talaga bored ako eh, nag start narin. And oo, hindi 5 minutes, taliwas sa sinabi ng emcee. Asar talo talaga.
So bago nag start yung mismong seminar, syempre umaatikabong ka echosan yung nangyare like doxology, national anthem, yung mga hymn na pinapakanta samin like NCR Hymn, yung hymn ng City namin, kulang nalang pati school namin may hymn e. tapos may tatlong tao pang nag welcome remarks at speech, nag roll call pa ng mga courses, yun yung pag tinawag eh kailangang sumigaw o pumalakpak ng course na nabanggit.
Ka echosan talaga :/
"Ace"
"O?" kinalabit ako ni Nicey. Eto parin kami, standing ovation sa gilid ng court.
"Si Balmonte yun diba?" turo sakin sa taong nakaupo sa may unahan ng stage, nakasalampak pa.
Tiningnan ko yung tinuro ni Nicey. Si Jerson nga.
"Nugagawen?" tanong ko
"Samahan mo" yung ngiti ni Nicey, nang aasar. Di pa yata to nakakamove on sa pang aasar sakin nung nakaraan eh.
"Yung ngiti mo Nicey, ang ganda" sarcastic kong wika sa kanya,
"Samahan mo na, at least doon makakaupo ka na, kasama mo pa sya. Ayiiiiieh."
"He" yun nalang nasabi ko. Pero honestly, nangangalay nadin akong tumayo. Ilang oras din yung kakainin ng seminar na ito. "Tara, samahan na natin!"
"Kaw nalang, moment niyo na yun, mang iistorbo pa ako eh. Dito nalang ako sa gilid, hehe"
"Dami mong alam"
"Sige na Ace, landi landi din. HAHAHAHAHA"
"Huy manahimik may makarinig sayo lokaret ka!"
"Go!" tinulak pa nga ako. Muntik pa nga akong madapa. Siraulong babaeng yun.
Naglakad na ako papunta sa unahan, kung nasaan si Jerson. Mas okay nadin tong makakaupo ako kahit sasalampak sa court kesa tumayo buong seminar.
"Excuse po, makikiraan" buti nalang din medyo petite lang ako, nakakalusot ako sa kumpol na mga tao. Yun nga lang, may iba na natatapakan ko. Ang dami talagang tao dito sa court susme. Tamang sorry po patawad nalang dialog ko sa mga naaapakan ko. Yung iba din kasi ayaw magpadaan kala mo binili yung court eh.
"Hey! Jerson, pwede bang makiupo?"
BINABASA MO ANG
Loving You Back In December
Teen FictionIs there a chance for two people who separated their lives after their major heartbreaks? What if there's already a hindrance to continuing their almost love story?