VII

41 3 38
                                        


(Ace's POV)

December, Present Year.

"Ace, nalagyan mo na ba ng sign yung mga upuan sa upper box?" tanong ng ICT Coor namin. Saktong kabababa ko lang din galing upper box, nasalubong ako.

"Oo, katatapos lang, isusunod ko na tong mga nasa lower box" andito kami ngayon sa Caloocan City Sports Complex, yung school kasi namin yung na assign na maging Technical Working Group para sa Ulat sa Guro 2023 Secondary Level. Kung tatanungin niyo ko kung ano yun, para syang Christmas Party ng mga teachers sa buong Caloocan, with matching PPT presentation ng City Mayor namin kung ano bang nagawa niya sa Caloocan with related to DepEd-School Division Office of Caloocan City.

So ang trabaho namin as TWG (paikliin ko na yung tawag sa Technical Working Group, tamad yung author mag type eh ahhahaha), is need naming mapagkasya yung mahigit 4k secondary teachers dito sa sports complex ng hindi sila ma a agrabyado sa pwesto nila, like makakapanood pa sila ng maayos, makakaupo pa sila sa upuan and such. 

At ang trabaho ko ay mag print ng signage at ipaskil sa kada boundaries ng mga uupuang per schools.

Medyo madali pakinggan pero nakakahilo dahil bukod sa malaki yung lugar, eh need ko ding alamin yung mga boundaries, para sure na hindi magkakaroon ng agawan sa pwesto yung mga schools. Pero masaya ako sa ganitong trabaho, kesa sa mag usherette ako. Mahiyain ako, di ako uubra doon. WHAHAHAHAHAH.

So balik sa trabaho ko as TWG, nag start narin akong maglagay ng mga signage sa lower box. Call time namin kanina ay 7am, at mamayang 1pm, start na yung program so medyo need bilisan ang kilos, may mga nakikita na din kasi akong nagdaratingang mga teachers galing sa South Caloocan, may mga ilang teachers narin ang nagtatanong sa akin, nilalapitan ako, kung saan sila pupwesto mamaya sa program. May mga ilang teachers din na mga nagpapractice sa stage, mga sasayaw yata sa intermission number.

Busy ako sa trabaho ko dito ng may mahagip ang mata ko na pamilyar na mukha sa akin.

Napangiti ako. Saktong nakatambay lang doon sa gilid eh, parang nag aantay ng cue.

Nilapitan ko sabay kalabit.

"Huy" tawag ko.

Nilingon naman ako.

"Ace!!! Ui!!" mukhang nagulat pa yung itsura ni Nicey ng makita ako.






Kala niyo si ano no? Sinong umasa? WHAHAHAHAAH

"Taray, dancerist na tayo ah" pang aasar ko. Yes, kasama siya doon sa mga sasayaw para sa intermission mamaya sa program.

"Hehe, tumakas ako sa workload sa school" wika niya sabay ngiti. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Ah? Eto, TWG. Hahahaha. Panggap moments" itinaas ko yung papel na hawak ko. "Kakakabit ko pa nga lang ng school niyo kung saan kayo uupo mamaya eh"

"Sipag ah"

"Napilitan. De jowk." 

"Picture ulit tayong tatlo mamaya ah? Wala ka kasi nung Ulat sa Guro last year, dalawa lang tuloy kami"

Napahinto ako saglit pero di ko pinahalata kay Nicey.

"Naka maternity leave ako nun eh"

"Kaya nga daw, hinanap ka nga ni Jerson nun"

O ayan na. To make it clear. Tatlo kaming nakapasok sa public school na magkaka close. Ako, si Nicey, at si Jerson. Tuwing ulat sa guro, ritual na naming tatlo yung lalabas kami ng sports complex in the middle of the program para mag catch up tapos papicture narin para may remembrance. Nagstart tong ritual namin nung 2019, dahil 2019 parehas nakapasok sa public school sina Nicey at Jerson, pero different school. Nauna ako sa kanila ng buwan, October 2018 ako nakapasok.

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon