VIII

30 2 10
                                    


(Ace's POV)

February 14, 2011

AB Mathematics Fair 2011.

"HAPPY INDEPENDENCE DAY!!!" Mula sa ikatlong baitang ng bleachers, tumalon ako para salubungin sina Mich at Lala na kararating lang. Ang lungkot ng umaga dito sa covered court eh, kokonti palang kasi yung tao, alas sais y medya palang kasi.

Math Fair kasi namin ngayon. Di nga namin dama. Wala pa kasing pa decoration dito sa court, di ko rin alam kung bakit. Basta sabi nila, pumunta daw kami ng 7am ngayong araw, may pasok daw kami o wala. Well, may schedule naman kami kapag Monday, kaso 2pm pa, kaya di kami sanay pumasok ng Monday at 7am. -___-

?_? itsura ni Mich

:D itsura ni Lala

"Happy single awareness day kamo" wika ni Lala, nag apiran pa nga kami.

Hindi parin nagbabago yung reaksyon ni Mich kaya hinampas ko na "Ui Mich, galaw galaw at baka ma stroke!"

"ARAY HA!? AKO NA NGA ITONG DI MAKARELATE SA BATIAN NIYO NI LALA!"

^_^V sabay :P ayan reaksyon ko kay Mich. Bahala ka dyan, at least si Lala na gets ako. MWAHHAHAHAHA

Dumating na rin si Nicey, kay Lala siya tumabi. May ichichika yata. Kaya si Mich na yung kinulit ko.

"Tara, doon tayo kina Rudolph, may magic trick sila doon!" hinila ko si Mich papunta doon sa  pinanggalingan ko kanina. Andoon yung ibang classmates din namin na nakikiusyoso sa magic card trick ni Rudolph.

Nag e enjoy pa kaming manood ng...

"Hoy, bumaba kayo at pumila, mag uumpisa na raw yung flag ceremony!!!" biglang may sumigaw, mukhang taga ibang section, pero sure akong kapareho namin ng course dahil same kami ng suot na batch shirt.

"Hala? Pati tayo makikisali sa flag ceremony?" takang tanong ng isang kaklase ko na nasa gilid ko. "May Math Fair tayo di ba?"

"Makisali na tayo, namiss ko na rin kumanta ng Kabataan ng Caloocan eh." sagot ko tapos hinila ko ulit si Mich. "Tara na, pumila na tayo!"

"Ace naman, dahan dahan, braso ko yata yung hinihila mo!" angal ni Mich sa akin, mukhang nakahalata na syang kanina ko pa siya hinihila. Sorry na aken. :DV

"Arms forward... blah... blah..."

"Umayos nga kayo ng pila, mapapagalitan pa tayo niyan eh"

"Ingay niyo!"

"Wala na kasing magsasaway!!"

Kunwari hindi maingay dito sa court no? 

Medyo napaigtad ako ng may naramdaman akong kalabit sa likod ko.

"Mich?" lumingon ako sa likod.

"O bakit?" takang tanong ni Mich.

"Tawag mo ko?"

^o^? ayan yung itsura niya

"Hindi ah? Bakit kita tatawagin?"

"Eh bakit ka nangangalabit?" tanong ko

"Ako nangalabit?" kumunot yung noo ni Mich.

Eh?

"Ikaw lang naman nasa likod ko eh"

"Ha? Kapipila ko lang sa likod mo" sagot neto.

"Eh, sinong nangalabit sa akin?" takang tanong ko. Eto na naman tayo sa kalabitan portion. Hindi ko naman mapagbintangan si Jerson, di ko pa siya nakikita dito sa court. Sya lang naman yung alam kong mahilig mangalabit ng likod. Remember the comshop thingy?

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon