XII

15 0 2
                                        

Present Day

(Ace's POV)

"Ay anak ng tokwa't mani't popcorn!" Kung hindi ba naman isa't kalahating buang itong motor ko, bigla nalang namamatay. Buti nalang di pa ako nakakalayo sa bakanteng lote ng Fairview Terraces, yung sa tapat ng police station, doon ko muna ginarahe yung motor ko. Kanina pa namamatay tong motor ko, doon palang sa paglabas ng parking lot ng Fairview Terraces bigla nalang namamatay yung makina. Buti nga nadala ko pa hanggang dito sa bakanteng lote eh.

Galing kasi akong SM Fairview, actually, galing akong school tapos dumiretso ng SM Fairview, bumili ako ng ink ng printer ng faculty namin. Yes, tapos na ang bakasyon, January na, back to reality na ulit, teacher na ulit. Actually nga, Math Month celebration ng school namin kaya mas busy kami ngayon. Gandang bungad ng Bagong Taon. =_______=

Biyernes ngayon, bukas need kong pumunta ng EARIST para magbayad ng augmentation fee namin, di ako sure doon kay Jerson kung pupunta din sya bukas, nakita ko kasi yung announcement ng EARIST Grad school, wala silang face to face classes dahil kapanahunan ng ubo't sipon ngayon. Buti na nga lang di nahawaan anak ko eh. Mahirap magkasakit pag bata eh, buti sana kung ako nalang diba?

Chinat ko habang pinapa cooldown ko yung motor ko, kairita kesa habang daan ako mamatayan ng makina.

Pupunta ka bukas? Wala raw kayong f2f e

*croak croak*

Seeeeer ^u^

Di ko lang sure... Bukas ba yung registrar bukas?

Pinalitan ko na yung nickname niya sa messenger. Wala lang. Trip ko lang :D

Chat ko: Face to face classes lang naman yung sinuspend nila based sa post doon sa fb. Accounting at Registrar lang naman need ko actually. Kaso baka hanggang 3pm na naman ulit yung cut-off nila

Chat niya: Agahan nalang ng pagpunta if ever.

Chat ko: Tuloy ka? tutuloy kasi ako, wala na akong time sa mga susunod na incoming Saturdays eh. Math Month na kasi namin.

Chat niya: Sige, punta na nga din ako bukas, kuha na din ako ng ID.

Chat ko: Same here, tapos bayad augme, mamaya magastos ko pa ito.

Chat niya: mamaya ma scam ka na naman.

Chat ko: huuuuuuuuuuy wag na!

Chat niya: Sige, kita kits nalang bukas. Sabay tayo, gusto mo?

Chat ko: Sige, mga what time ba?

Chat niya: Kahit mga 10am siguro. Sa FT nalang tayo kita

Chat ko: Sige doon nalang

Binulsa ko na yung phone ko at binalikan ko na yung motor kong may topak. Buti naman nakisama na, umandar naman na siya ng dire diretso hanggang makauwi ako ng bahay. Pero kabado bente din ako. Wala na pa namang bukas na nag aayos ng motor at this hour.

So fast forward, Saturday na. Maaga akong umalis ng bahay, mga around 8:30 am, pinatingan ko muna sa Casa yung motor kong may saltik, buti nga naibyahe ko pa hanggang Casa ung motor ko kahit 700 meters ang layo mula sa bahay, at habang binabyahe ko yung motor eh namamatay matay na siya. Lakas maka haggard ng beauty. Ay wala pala ako nun. ¯⁠\⁠_⁠(⁠ツ⁠)⁠_⁠/⁠¯

Buti nalang pagdating ko sa Casa, wala pa masyadong pila so na accomodate agad ako, wiring lang daw yung problema sa motor ko. Buti nalang. Kala ko mapapagastos ako ng bongga, yung pera ko pa naman ditong dala, sakto nalang pambayad sa school. Hirap ng walang pera, kainis. Bakit kasi ako na scam? Baka nga tama yung ex-husband ko, shunga shunga talaga ako.

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon