I

54 4 30
                                        



(Ace's POV)

Busy ako sa panonood ng FB Reels ng may mag pop up na notification sa FB ko.

Jerson Arsola Balmonte sent you a friend request.

Huh?

Alam ko friend ko sa FB tong kolokoy na to ah?

Bakit may pag friend request?

Actually, I'm a type of person na di basta basta nag a add ng friends sa FB. Naka lock nga profile ko eh. 

Pero dahil kilala ko itong nag add na to, edi confirm.

Hindi ko lang kilala to.

Kilalang kilala.

At dahil medyo stalker (medyo lang naman, hindi naman yung delulu mode wahaahhaha), eh nag scroll na din ako sa profile niya.

Uy, tekaaaaa.

o_o

O_O

OoO

YANG TATAA???

He's taking Masters Degree in the Same State College where I'm also taking my Master's Degree??

We We Weeeeeyt...

Gandang bungad ba ng kwento? 

So bago pa kayo mahilo, magpapakilala muna ako ano?

Well, I'm Aeizhel Cabiente Esquivel , also known as Ace for those people who know me dahil daw acronym daw yun ng name ko. I'm 29, living in Caloocan City, currently working as a public school teacher, teaching Junior High School Mathematics at naniniwala sa kasabihang "Regret is always at the end". Bakit kamo? Eh eto na ngaaaaaaa.

I'm married. With one year old son.

Parang lalo kayong naguluhan no? Wahahahhaha. 

Parang mapapaisip kayo, anong sense pa ng kwentong ito, may asawa naman na ako, sino ba si Jerson sa buhay ko and eme eme emeroooooot.

The truth is, my marriage is failing, almost half a year na. 

Insert na kayo violin, madrama na to eh. (Now Playing, Kiss the Rain by Yiruma)

I'm Married, two years ago, after one month, nag decide yung asawa ko na mangibang bansa para bayaran yung pagkakautang ng family niya dahil naaksidente yung tatay niya (na biyenan ko) sa motor, malaki yung nagastos sa ospital na need niyang mag sacrifice bayaran dahil sya yung mas may maayos na trabaho kumpara sa mga kapatid nun.

Actually walang problema sa mga unang buwan na mag asawa kami kahit LDR kami, lalo pa nung nalaman niya na buntis na pala ako, nakapag iwan pa nga ng souvenir.

But our marriage was tested pretty and really really hard.

Dahil nga nagbabayad pa sya ng utang niya, he was focused on his family than me and my son. Buti nalang at may work ako, kahit paano di ako nakaasa sa kanya para sa pagpapa pre-natal check up ko, sa mga vitamins na need i take. I understand him at first kasi nga naman siya lang inasahan ng family niya, saka kaya ko naman.

Kaso, after naman niya makapagbayad ng utang, there comes another problem. Nakulong siya sa ibang bansa dahil nasangkot sya sa gulo ng kaibigan niya, nakitaan sila ng ipinagbabawal na likido ng mga pulis. At that time, kabuwanan ko na. So wala na naman siyang binigay sakin financially. Nakalabas naman siya sa kulungan, kaso need niyang bayaran yung pinampyansa sa kanya.

Saya no? -_-

Fast forward, umokey na sya financially, nakakapagpadala naman na, but not the usual and typical na pinapadala ng isang OFW sa pamilya. 

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon