VI

41 3 58
                                        



(Jerson's POV)

"Jed, bangon na"

"Uuh" may tumatapik sa hita ko, nang-i-istorbo sa tulog ko, asar, sarap ng tulog ko eh, namumulabog.

"Jed, bangon na, akala ko ba may lakad ka?"

Tuluyan na akong nagising dahil sa sinabi ni Mama. Alam kong siya yun dahil sya lang naman ang nag-iisang babae sa bahay namin. Wala akong kapatid na babae, puro lalaki yung dalawang nakababata kong kapatid, ako ang panganay.

At dahil panganay ako, kapag wala yung parents ko, I take the responsibility, kaso yung problema, mas matigas pa sa bato ang ulo ng mga kapatid ko, ang kukulit. Buti nalang mabait akong Kuya. Whhehehehe.

Serious speaking, maraming nagsasabi na mabait ako, kaso sa sobrang bait, naaabuso na, hinahayaan ko nalang din, nasanay na ako eh.

"Jed"

"Opo Ma, babangon na." sagot ko sa pangungulit ni Mama. Narinig ko nalang na sumara yung pinto ng kwarto ko.

Bumangon na ako pagkalabas ng kwarto ni Mama.

Kung magtataka kayo bakit Jed ang tawag sakin, tanungin niyo Mama ko, palayaw ko yan dito sa bahay eh.

Christmas Party ngayon ng course namin. First time itong ma-e-experience ng mga tulad kong first year kaya pupuntahan ko na. Wala naman akong gagawin dito sa bahay, mababagot lang ako.

Sinulyapan ko ang cellphone ko. Alas otso na ng umaga. Alas dos pa naman ang Christmas party namin eh. Mama ko talaga panira ng tulog.

Jowk.

Pero lumabas narin ako ng kwarto. Nakahanda na ang almusal na pansit bihon at dalawang pandesal sa lamesa namin, nakatakip gamit yung mga ginagamit panakip ng ulam.

"Kumain ka muna bago umalis, magtimpla ka nalang ng tsokolate dyan" nakita pala ako ng nanay ko. Nasa balkonahe sya, naghihimay ng malunggay. "Anong oras ka ba aalis?"

"Mga alas dose siguro" sagot ko pagkatapos kong maghilamos.

"Sakto pala, mananghalian ka muna dito, tulungan mo ko dito maghimay, tapusin ko lang yung labahan sa likod." at pagkatapos sabihin yung ng nanay ko, iniwan niya yung hinihimay niyang malunggay at pumunta sa likod ng bahay namin dahil nandoon yung lugar kung saan yung laundry area ng nanay ko.

Gara no, di pa ako nag aalmusal nautusan na ako. :D

Pero dahil nga mabait ako, habang nag aalmusal ako, naghihimay ako ng malunggay. XD

So fast forward. 

Asa school na ako.

Pero di muna ako pumasok sa loob ng campus, nag computer muna ako.

Nasa kalagitnaan ako ng laban ko sa Tetris Battle ng mag pop up yung notification.

Aeizhel Cabiente Esquivel accepted your friend request.

Napangiti ako. Kahapon kasi in-add ko na sya, after ng seminar namin. Ngayon palang siguro to nag-online.

New Message

Aeizhel

Asa skul kna?

Tinapos ko muna yung laban ko sa tetris battle tutal patapos naman na ako doon bago ko siya nireplyan.

Yup.

HAHAHAHAHAHA ang tipid no? Sabi ko nga sa inyo, masanay na kayo.

San ka? Sabay na tau pasok. Asa comshop lang ako sa tapat ng school mismo.

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon