Present Day
(Ace's POV)
One day before the big event of my baby, medyo busy din ako dahil nagpa finalize ako ng mga gagawin, ng mga contacts para smooth ang event bukas. Although Jollibee Kids Party naman ang hahawak ng event, wala lang, syempre gusto ko din maging hands on sa ibang bagay like the souvenirs, yung picture coverage during the event, and other kemes. Actually dapat November pa itong event na ito ng anak ko dahil November naman talaga ang birthday niya, eh kaso may talk shit akong kausap which is yung tatay ng bata na sabi December ko na daw gawin yung birthday party/dedication dahil daw uuwi siya.
Eh kaso talk shit nga.
=______=
Chinat ko si Annabelle, (remember her?) sya kasi yung kinuha kong official photographer para sa event. Mas okay na yung kumuha ng kakilala bukod sa kilala mo na nga, eh makakatulong ka pa sa business chemeloo.
Chat ko: Be, 2pm bukas ah, Jollibee Vicas
Mabilis namang nag reply yung kausap ko
Annabelle
Cge, noted, kita kits
Nilapag ko na yung phone ko at humarap sa laptop. May di pa kasi ako nabibigyan ng invitation so nag edit muna ako. Nakalimutan ko din siyang tanungin kahapon, sa dami naming dinaldal kahapon, nakalimutan ko pa to.
Mom brain -_____-
Chatting Jerson
Pwede ka bukas?
Nagreply naman agad yung kausap ko
Jerson
Yes, bakit?
Reply ko: Nakalimutan ko kasi sabihing punta ka sa birthday ng anak ko :D
Reply niya: Ah.. sure sige, what time ba?
Sinend ko na agad yung customized invitation sa kanya. Nakalagay narin kung saan gaganapin, pati petsa at oras para wala ng tanong tanong.
Reply niya: Sige punta ako.
Reply ko: Salamat. Kita Kits ^_^
Reply niya: Cge, gudnyt na, antok na ako
Ano ba namang tong taong ito, hanggang ngayon antukin parin.
Reply ko: Sana ol, irerebond pa raw ng Ate ko buhok ko eh.
Reply niya: Naks, haha.
Antukin na, ang tipid pa kausap. Buset.
Di ko na din alam anong irereply ko sa chat niya nung
*croak croak*
Jerson
Gabi na ah, 10pm na. Ngayon ka palang irerebond?
Ay buti naman nag initiate ng sasabihin. HAHAHAHAHA.
Reply ko: Oo, nocturnal Ate ko eh, sa gabi masipag
Reply niya: Parang ikaw. :D
=______=
Well, totoo naman. Ewan ko din, mas gumagana utak ko sa gabi. Kaya nga mas prefer ko ang afternoon class dahil lagi akong puyat, lagi akong naghihikab sa klase.
Reply ko: Oo na, apaka mo eh XD
Matulog ka na nga
Medyo matagal na siya mag reply. Sakto tinawag na ako ng Ate ko, simulan na daw niyang i rebond buhok ko, pagtitripan niya daw. -_-
Pero tiwala naman ako kahit mukhang pagtitripan nga ako, dahil nagtrabaho ito as hairdresser sa Makati.
*croak croak*
BINABASA MO ANG
Loving You Back In December
Teen FictionIs there a chance for two people who separated their lives after their major heartbreaks? What if there's already a hindrance to continuing their almost love story?