III

44 4 14
                                        


(Ace's POV)

Tamang antay lang ng next subject. So ang eksena ng classroom namin, kwentuhan, pinoy henyo na epic yung mga words na pinapahulaan like anit, circuit breaker, pasas, bota, at kung anu-ano pang words na mahirap ipahula. Minsan nga sa category ng tao, pangalan mismo ng huhula ang ipapahula nila. Minsan naman, iyong crush ng huhula. :D

Hanggang...

"Ace, anong oras na?" tanong ng katabi ko sakin habang ako tamang laro lang ng snake sa cellphone kong Nokia 1112.

"Ahmmm..." tiningnan ko yung relo ko. "5:43pm"

"Uy, 1 hour late na prof natin!" sigaw ng katabi ko, muntik pa nga akong mabingi buti medyo malayo sya sa tenga ko nung sumigaw sya.

"UWIAN NA!!!" Hiyawan na yung mga kaklase ko. Yun kasi yung tinatawag na 'One Hour Policy'. Wag ka na umasang darating pa yung prof niyo pag lumipas na ang isang oras na paghihintay.

Napakunot-noo nalang ako. Bukod sa naistorbo yung paglalaro ko ng snake eh ganito ba talaga kapag malapit na ang Christmas break? Early vacation na agad yung mga prof? If I am not mistaken, last meeting na namin ngayong week na ito and after it, Christmas break na.

Inunahan na kami magbakasyon ^_~

"Ace, samahan mo ko!" wika ni Nicey sa akin, nagpupunas ng mukha dahil kahihingi lang ng pulbo kay Mich.

"Saan?" sabay baling kay Mich "Uy Mich, Pengeng pulbo"

At hinagisan naman ako ni Mich. Nakabukas pa nga yung lagayan kaya ang ending, nakakain pa nga ako ng pulbo na lasang eucalyptus. :/

"Ano ba naman to, ihahagis nalang yung pulbo, nakabukas pa! Pwe!" panay tanggal ko ng pulbo sa dila.

"Sorry, sorry, nabuksan ko pala yan" ^_^V

"Baliw" Yun nalang ang nasabi ko at ibinalik ko na ang pulbo matapos akong makakuha ng sapat para ipahid sa mukha kong nagmamantika na. Sinarado ko na para wala ng mabiktima ng free meal eucalyptus -_-

"Huy Ace, samahan mo ko"

Eto na naman ang batang makulit na nangungulit.

"Saan nga?"

"Sa Com shop, bubuksan ko lang FB ko, nag upload na daw sila ng pictures nung final wave eh"

"Ayoko, uuwi na ako." lumabas na ako ng room

"Wow, tumatanggi ka na sa com shop ngayon Ace?" sinundan ako ni Nicey palabas ng room. Kaya niya nasabi yan dahil dakilang tambay ako ng com shop, walang araw na hindi ako nagbubukas ng facebook dahil baka mangamatay na yung alaga ko sa Pet society pag di ako nakapagbukas ng isang araw man lang. HAHAHAHHAHA.

"Kabubukas ko lang kanina eh"

"Sasamahan mo lang naman ako eh, hindi ko naman sinabi na mag-oopen ka ng FB mo"

"Ah, basta, ayoko" Nakita ko si Lala sa sulok ng covered court, nakapasak na naman ang earphones. Kinawayan ko yung mukha para mapansin ako, o kami, nasa likod ko lang pala si Nicey nakabuntot.

"Ang bilis mo, nakalabas ka kaagad ng room?" tanong ko kay Lala, after kong tanggalin ung left side ng earphone para marinig kami.

"Wala na daw klase eh, lumabas na agad ako, ang ingay sa room eh" apaka talaga ng babaeng to eh. Hindi ko nga siya napansing lumabas agad matapos ang hiyawan session ng mga kaklase ko kanina. Allergy talaga sa ingay tong si Lala. Buti nga di pa ako nilalayuan neto, ang ingay ko kaya.

"Eh bakit ka nandito sa court?" tanong ko

"Tahimik eh" pakli niya. "Nakita niyo si Mich? Siya nalang naman inaantay ko."

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon