IX

40 1 5
                                    


Present Day

(Jerson's POV)

"Saan ang sadya?" Tanong sa akin ng guard pagkarating ko sa EARIST. Alas dos y medya na ng hapon.

"Sa registrar po, kukuha po sana ng ID" sagot ko.

"Ay sarado na ang registrar, may christmas party daw sila eh." wika ng guard.

^_~

Ang tino. Sabi hanggang 3pm daw yung kuhaan ng ID, abot pa ako kung saka sakali, biglang nag cut-off.

=_________=

Kinuha ko yung cellphone ko at chinat si Aeizhel. Huling alam ko bumibyahe narin to.

Huy, asan ka na?

Nag pop up ang Notification ng Google Classroom ko. Nag send yung professor namin sa Set Theory ng Long Quiz though Google Forms. Until 5pm daw yung pasahan.

*messenger alert*

Aeizhel

Pa East Ave na. Bakit?

Luh, kalagitnaan palang sya ng byahe, anong oras na.

Chinat ko

Sarado na dito.

Binuksan ko na yung Google Forms kung saan nakalagay yung quiz namin sa Set Theory ng mag ring ang messenger ko.

Aeizhel Cabiente Esquivel

Audio call from Messenger

Wag niyo kong tanungin bakit ganyan ang name niya sa FB account niya, siya tanungin niyo. :D

Sinagot ko. "Hello?"

Ang tagal bago sya sumagot. Napatingin tuloy ako sa cellphone ko baka nawalan ako ng signal o data eh.

"Hello?" 

Natigilan ako. Pero bigla din akong nabalik sa huwisyo sa tanong niya.

"Anong sarado na dyan?"

"Kararating ko lang, around 5 minutes, wala, sarado na raw dahil may Christmas Party daw yung registrar's office" sagot ko.

"Ay jusmiyoooo"

"Tutuloy ka pa ba?" tanong ko. "Magkikita pa ba tayo?" Diba nga may usapan kami neto na magkikita nga kami dito sa EARIST dahil kukuha din siya ng ID niya.

"Oo, andito na ako eh, ang lapit ko na eh" Malapit na ba ang East Ave sa EARIST? (づ •. •)?

"Saan tayo magkikita?" Mapapalayo pa siya kapag pumunta pa siya dito. Di rin sure kung magkikita kami sa Araneta, ang lawak lawak ng lugar na yun.

"Dyan na sa EARIST, antayin mo ko dyan" sagot niya.

Sakto, habang aantayin siya, sasagutan ko yung long quiz namin.

"Sige, dito nalang ako sa gate, aantayin kita." sagot ko. Pinatay naman na nya yung tawag. Nakita ko na sinarado na ng tuluyan ng mga guwardya dito yung gate ng EARIST.

Pumuwesto ako sa gilid, yung makakasandal ako at sinumulan ko ng sagutan yung long quiz namin. Natapos ko naman agad. Basic lang eh, inaral ko naman na lahat yun way back college, enhancement nalang kumbaga sakin etong Masteral ko.

Yabang ko no? XD Pagbigyan niyo na, sa Math na nga lang ako magaling eh.

30 minutes na akong naghihintay ng makareceive ng chat ni Aeizhel. 

Aeizhel

Malapit na ako

Reply ko: Nasa gate lang ako.

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon