XIII

4 0 0
                                    

(Jerson's POV)

"You give me your time, the most expensive one"

I can't help myself but to smile. Oo na, kinikilig ako. Nayupak naman o

I just want her to be happy, because she deserved it. Pero bakit pati yata ako nagiging masaya nadin?
?_?

Wait, bawal ba akong maging masaya?

Ay hatdog. @_@

Wala akong naisagot sa sinabing iyon ni Aeizhel, parang umurong yung dila ko.

Masanay na kayo, alam niyo namang si Jerson, tahimik lang.

:D

Pero hinawakan ko yung pulso niya saka pinisil. Hindi naman siya pumalag. Ganun lang senaryo namin habang naglalakad papunta sa istasyon ng LRT.

"Dalawang ticket ba?" Tanong ko sa kanya nung pipila na ako sa bilihan ng ticket.

"Di na, may beep card ako" sagot niya

"Naol, hahaha"

"Suki na ako ng MRT at LRT eh"

"Gala ka kasi"

"Sorry na" tumawa sya tapos tinuro niya yung side kung saan paakyat ng platform. "Antayin nalang kita doon"

Tumango nalang ako at pumila na. Mabilis lang naman ang usad ng pila dahil hindi naman peak hours.

Wala pang 20 minutes, nasa Pureza na kami. Nagdesisyon nalang kami na lakarin nalang hanggang EARIST, sayang pamasahe, hahahaha.

Saka sanay naman kaming dalawa maglakad eh. Gawain na namin ito, college palang kami.

"Saan po kayo?" Harang ng guard sa amin nung nasa gate na kami ng EARIST.

"Magbabayad po ng Augmentation Fee" si Aeizhel yung sumagot. Tumango lang yung guard at pina fill up kami ng log book.

"Sinong mauuna?" Tanong niya. Magkaiba kasi kami ng sadya dito. Siya sa Augmentation, ako sa Registrar, kukuha ng ID.

"Ikaw na, samahan na kita" sagot ko. Sinamahan ko na siya papunta doon sa Cashier para magbayad ng Augmentation Fee. Saglit lang din naman siya doon, wala namang pila eh.

Sinamahan narin niya ako papuntang registrar. Kaso pagdating namin doon, di daw nag a accommodate para sa magpapagawa ng ID. Every weekdays lang daw.

Kapangit kabonding EARIST.

"Anong sabi?" Tanong niya nung bumalik na ako sa mga bleachers.

"Wala daw, di daw sila gumagawa ng ID tuwing weekends" sagot ko at tinabihan siya.

"Ay abaw!" Bulalas niya. "Awit, sayang punta mo"

"Hayaan mo na, at least makakagala nadin" nagkibit balikat nalang ako.

"Anong oras pala pasok mo?" Nasa harap lang siya ng phone niya, nag ba browse lang ng Facebook.

"2pm pa"

Tumingin siya sa relo "Kain muna kaya tayo?" Malapit nading mag alas dose.

"Sige, saan ba?" Tanong ko.

"Pili ka, Jollibee o KFC? Yun lang yung malapit dito eh"

"Jollibee nalang, nag KFC na tayo last time eh" remember yung nag open up siya sa akin noon about sa naging problema niya sa asawa niya?

"Okiidokiii, mix and match" nakangiting wika niya tapos nag open ng camera app sa phone niya. "Selfie muna tayo, hehehe"

Pumayag naman ako. Mga dalawang shots din ata tapos ngingiti ngiti siya habang tinitingnan niya yung kuha namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon