II

40 4 11
                                    


(Ace's POV)

13 years ago

December 15, 2010

First Year College

Katatapos lang Biological Science namin, PE na ang next subject namin.

"Woah!"

Napalingon ako sa sumigaw na yun.

Si Lala. Close Friend ko. Actually tatlo yan sila, Si Lala, si Nicey at si Mich. Makikilala niyo din yang tatlong yan as time goes by. Hehehehe.

So medyo nagulat ako dahil bihira lang sumigaw tong kaibigan kong to. Sa aming magkakaibigan, eto ang introvert. Eto yung basta nakapasak na ang earphone sa tenga, goodbye earth and hello to Mars na ang peg. Siguro may nakita tong super nag-pa-amaze.

"Nyare?" sita ko kay Lala. Pababa na kami ng Recom Building, papunta na kami sa PE Class namin.

"Nakita na niya yung manga na nabili niya kanina sa National" si Mich yung sumagot. Sa aming magkakaibigan, eto yung laging may field trip sa CR. HAHAHHAHA.

O___O?

"Uy, anong manga yan? Pabasa!" wika ko, napukaw ang aking kuryusetiii

"Doraemon?"

"HOOOOOOOOOY!!!" Lumaki na lalo yung mga mata ko, pwede na nga yatang lumabas ung mga pupil. "WAAAAAAAAAAAH!!! Pabasa, Please, please please!!!"

"Wait lang naman, di ko pa nga nababasa eh" wika ni Lala, ngumiting nakakaloko

"Edi pag tapos mo, ako na sunod, sige naaaaaaaaa!!!" pangungilit ko, at kukulitin ko talaga tong babaeng to dahil kung meron man isang tao akong kilala na adik sa blue na pusang robot na yun, eh ako na yun. Huehue

"Sige, kung matapos ko agad, haha"

"Grabe syaaaa"

"Oo na, basta pagtapos ko na basahin"

"Bakit, makapal ba yan?"

Hinablot ni Mich yung manga mula sa bag ni Lala, at pinakita sakin "Ang nipis lang neto eh. HAHAHAH"

"WAAAAAAAAAAAAAAH!!!" hahablutin ko sana yung manga pero naiwas agad sa akin ni Mich at binalik na sa bag ni Lala

"Ang daya niyooooooo" >3<

"Better luck next time Ace, bilis bilisan din kasi yung hablot" wika ni Lala at binelatan pa ako

"Ang bad, nambelat pa talaga, saan mo natutunan yan?" piksi ko. Wala na, wala na akong chance mabasa agad yung manga na yun. Huhuhu

"Sayo" nagkibit balikat nalang si Lala sabay tawa.

"Luh, bait kong to?"

"Ge" si Mich yung sumagot sabay tawa na din. 

"Teka, saan tayo? Covered court?" tanong ko, nakababa na kami ng Recom Building.

"Sa NR5 muna daw sabi nila, maglelecture lang naman daw muna eh" sagot ni Mich. 

Naglakad na kami papuntang NR5. May mga classmates na kaming naroon nung dumating kami. Andoon na si Nicey, kumakaway, pinagreserve na kami ng upuan para tabi tabi kaming apat. 

So kung si Lala ang Introvert, si Mich ang best tambayan ang CR, si Nicey naman yung pinakamaganda. Bakit kanyo? Di nawawalan ng jowa eh. May jowa na, may ka MU pa. Naol. XD Tapos ako? Ako ang emo. Jowk. Sabi nila, ako daw yung clown na medyo childish (in a good way). Well, bahala na kayo kung paano niyo ko i judge, kung ano tingin niyo sakin yun na yun. Hehe

Loving You Back In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon