Chapter 6

2.2K 19 0
                                    

Violet’s Pov

DUTY ko na naman sa bar at tamad na tamad akong kumilos para maligo. Dapat kasi  ay mag re-relax ako sa Spa na pupuntahan ko ngunit hindi na natuloy dahil sa biglang pagsulpot ng manyak na lalaki. 

Inis na inis ako dahil ako pa talaga ang sinabihan niya na sinusundan ko daw siya kahit saan daw siya magpunta. Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na yun. Nag walk out nalang ako at hindi na tumuloy pa sa inis ko. 

Stress tuloy ako lalo dahil sakanya. Sana nga hindi na kami magkita ng lalaking yun dahil parang gusto ko na siyang balatan ng buhay. Baka sa susunod na pagkikita namin ay mabato ko na talaga siya nga alak.

Isa din sa dahilan kung bakit ako tinatamad ay sigurado ako na pupunta na naman ang gagong yun para sairain ang gabi ko. Wala na talagang magawang matino ang lokong yun. 

Kahit tamad na tamad ako ay bumangon parin ako para maligo. Dapat nga ay una akong naliligo sa mga kasamahan ko eh, pero ngayon ay ako nag panghuli na naligo. Parang gusto ko pa mag day off at matulog ulit. 

Pumasok nalang ako sa banyo at agad na hinubad ang saplot ko sa katawan. Dali-dali akong nagbuhos ng tubig kaya nagising na talaga ang diwa ko. Bumalik sa isipan ko na kailangan ko pala mag sipag dahil gusto ko magka bahay. Sa tuwing naiisip ko talaga ang goal ko sa buhay ay bigla akong sinasapian ng kasipagan.

Mabilis lang ako naligo at agad na pinunasan ng tuyong twalya ang katawan ko. Sa loob na din ako ng banyo nag bihis. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo para mag ayos ng sarili. Nakita ko pa mga kasamahan ko na malapit na sila matapos. 

Dali-dali kong inayusan ang sarili ko at nagsusuklay ng buhok. Basa pa ang buhok ko kaya naisipan ko na do'n nalang ako sa magtatali ng buhok kapag nasa bar na ako. 

Nang matapos kami ay sabay- sabay na kami lumabas ng apartment. Ang kasama ko na ang nag lock ng pinto at nauna na akong bumaba sa hagdan pababa. Sumunod naman si Chim     sa 'kin saka sumunod ang mga kasamahan namin.

Kasabay kong maglakad si Chim na panay ang tingin sa loob ng dala niyang bag. Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya. “Anong hinahanap mo?” Tanong ko sakanya dahil kanina pa niya kasi ginagawa yun habang bumababa kami ng hagdan.

“Yung pera ko kasi, Violet eh,  nawawala. Tinignan ko na kanina sa lagayan ko sa apartment natin pero wala talaga. Pangatlong beses ko na nga hinahalughog ang kong ‘to eh pero wala talaga.” Sagot niya habang malungkot na nakatingin sa ‘kin.

“Saan mo ba kasi nilagay? Baka naman nahulog mo?” Tanong ko pa. 

“Sumasakit na talaga ulo ko sa kakahanap kung saan ang perang yun. Ipapadala ko pa naman sana yun sa mama ko dapat kanina pero wala talaga sa bag ko eh,” malungkot na sabi ni Chim at itinigil na ang paghahanap sa bag niya. 

“Mahirap kumita ng pera kaya dapat nag iingat ka kung saan mo ilalagay ang pera mo.” Payo ko sakanya dahil totoo naman talaga. Lalo na siya na todo kayod magtrabaho para madagdagan lang ang sinasahod niya. 

“Ang sakit ng singit ko dahil sa pagbukaka ko tapos mawawala lang na parang bula ang pera ko. Putragis talaga!” Inis niyang sabi. 

Ako kasi ay hindi ko nilalagay ang pera ko sa bag. Hindi ko masyadong kilala ang background ng mga kasamahan ko. Baka kasi nagkukunwari lang sila pero may tinatago pala. Kaya ang pera ko talaga ay nasa atm. Maglalabas lang ako ng pang budget ko. 

Bahala na kung tawagin akong judgemental sa mga kasama ko pero talagang nag iingat lang talaga ako dahil ang hirap kumita ng pera. 

Nakarating kami sa harap ng bar at halos may mga lalaki na naman na naka abang sa labas at naghihintay na magbukas ang bar namin. 

Pumasok na ang mga kasama ko pati na din si Chim pero ako ay nasa labas parin dahil may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko yun at nakita ang isang waiter na kilala ko. Nasa kabilang bar lang siya at matagal ko na siyang kilala. Naging magkaibigan kami sa hindi ko malamang dahilan. 

“Work na?” Tanong pa sa 'kin ni Mario ng makalapit siya sa 'kin. 

“Oo eh. Papasok kahit nakakatamad.” Sagot ko habang nakanguso. 

“Nag day off ka pala kagabi?” Tanong niya kaya tumango ako. 

“Oo. Nagpahinga ako at mag re-relax sana pero hindi natuloy dahil may asungot.” Sagot ko at talagang nalukot pa ang mukha ko ng maalala ko na naman ang mukha ng feeling pogi.

“Ahh kaya pala. Pumunta kasi ako kagabi sa bar niyo. Dumating kasi ate ko galing abroad at may ibibigay sana ako sayong chocolate. Pero dahil wala ka naman hindi ko na pinaabot sa kasama mo at baka hindi dumating sayo. Kay heto.. para sa’yo.” Mahaba niyang sabi sabay abot sa 'kin ng hawak niyang paper bag. 

Inabot ko naman yun habang may ngiti sa labi. Syempre, chocolate na yun eh. 

“Uyy salamat, Mario ha! Hindi mo talaga ako kinalimutan sa chocolate.” Nakangiti kong pasasalamat. 

“Syempre, ikaw pa ba. Enjoy ka sa chocolate m—”

“Mas mahal pa ang chocolate ko diyan eh!” 

Sabay kaming napalingon ni Mario ng marinig namin ang nagsalitang lalaki. Sa boses palang niya ay kilala ko na kung sino yun. 

Napapikit nalang ako dahil hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho ay nakita ko na naman ang pagmumukha niya. 

“Abroad chocolate? Tsk.” Sabi pa niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin saka ko ibinalik ang tingin ko kay Mario.

“Salamat dito ha! Kakainin ko talaga ‘to, Mario. Hayaan mo ba yang isa diyan na kulang sa aruga kaya papansin.” Nakangiti kong sabi sa kaibigan ko. 

Ngumiti lang sa 'kin si Mario saka ginulo ang buhok ko. Narinig ko pa ang mura ng pangit na lalaki slash papansin pero hindi ko siya papansin. Bahala siya sa buhay niya. Masyado siyang epal. 

Nagpaalam lang ako kay Mario at agad ba pumasok sa loob ng bar. Hindi pa naman pinapapasok ang mga customer dahil mag-aayos pa kasi kami sa loob. 

Nang makapasok ako ay inilagay ko muna ang bag ko sa lagayan ng mga gamit namin. Yung chocolate naman ay inilagay ko na din sa bag ko, mahirap na baka mabawasan pa. 

Lumabas na din ako sa room at tumulong na ako sa mga kasamahan ko. Hindi ako naka pwesto sa counter ngayon kaya alak girl na naman ako mamaya. Goodluck na naman sa paa ko na lakad ng lakad. 

Habang inaayos ko ang mga tray na gagamitin at pinupunasan isa-isa ay nakita ko na pinapasok na ang mga customer na uhaw sa alak. Pumasok din ang lalaking kinaiinisan ko, ito talaga ay hindi uhaw sa alak pero uhaw sa atensyon dahil papansin. Makirat sana mata niya dahil panay ang kindat sa 'kin. Maihipan sana ng masamang elemento. Tatawanan ko talaga siya kapag nangyari yun.




A/N: Good morning po!❤️

Wild Addiction Series 1: Diego Sanderson (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon