CHAPTER 3

11.5K 142 2
                                    

Chapter 3: Little cat & big tiger

“YOU wanna ride my car, Blaise?” she asked me and I nodded. Dahil excited akong mag-drive nito but— Naalala ko lang ang overprotective kong mga kuya. Ayokong biguin sila sa walang sawang pagpapaalala nila sa akin.

“On second thought huwag na pala. Baka kasi kapag nalaman ito ng mga kuya ko ay pagagalitan nila ako. Kaya huwag na lang. But thanks to that, Jaelly,” ani ko sabay iling sa kanya. Tumango lamang siya at ngumiti.

“Sumakay ka na lang para makaalis na tayo bago pa lang malaman ng parents ko. Dadalhin kita sa house namin at ipapakilala ko sa ’yo ang pusa namin,” sabi niya. Pusa na naman? Iyong pusa niyang nagsasalita ba?

“Pero hindi ako mahilig sa pusa, Jaelly,” sabi ko lang. To be honest ay wala naman akong hilig sa mga pusa, eh. Kahit nga aso ay hindi rin.

“What about tigre? Gusto mo?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. W-What? T-Tiger ba iyon? May ganoon sila?! In that way, ano’ng klaseng house ang mayroon sila? A zoo house?!

“May tiger kayong inaalagaan?!” gulat na tanong ko sa kanya at natawa na naman siya ng malakas.

“You’re so innocent, Blaise! Bakit kung mayroon kaming tigre? Gusto mong makita?” nakataas ang kilay na tanong niya. Ha?

Isang tigre gusto kong makita? Do I look excited when she uttered that name? I know that animal ay harmful. Sino ang magkakagusto na makita ang tigre kung nangangagat naman pala ito, ’di ba? Gusto ko pa namang mabuhay nang matagal dahil marami pa akong pangarap sa life ko. So my answer is no.

“No, thanks,” tanggi ko na sinabayan ko pa nang pag-iling at aalis na sana ako sa pintuan ng car niya nang hinila niya ulit ako. This time ay binuksan na niya ang pinto at saka niya ako itinulak para lamang makapasok na. “Jaelly, be careful naman, oh!” reklamo ko dahil masyado naman siyang marahas talaga.

Humagikhik lamang siya and I don’t like the idea na makakita pa ng tiger nila. Ayoko nang sumama pa sa house nila.

“I’m just kidding, Blaise. Masyado ka naman palang matakutin, eh,” komento niya na hindi nawala ang pagpatawa niya.

“My life is so precious to me, Jaelly. Gusto ko pa naman ang mabuhay nang super tagal,” I reasoned out but she shook her head. Kahit na joke lang iyon, gusto ko pa ring ipaalala sa kanya.

“Life is very-very short, Blaise. Dapat nga ngayon ay nagpapakasaya ka na sa life mo dahil hindi natin alam kung kailan tayo rito sa mundo. You know that already na maraming surprise ang buhay natin. Isa na roon ang death,” seryosong sabi niya na ikinatikom ng aking bibig.

May punto naman siya sa kanyang sinabi. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip but—

“As long as naman na happy ka. That in-enjoy mo lang ang life mo ay sapat naman na iyon sa atin,” ani ko.

“Yeah? But...gusto ko pa ring mag-explore sa life ko, eh. It seems boring pa talaga. May gusto pa akong abutin pero hindi ko alam kung ano iyon or kung paano ko ba abutin ang isang bagay na iyon. I don’t have any idea,” she said flatly and shrugged.

Hindi lang pala malayo ang house nila mula rito, eh. Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Tapos isang malawak na subdivision pala ang tinutuluyan nila. Sa amin naman ay ganoon. Malaki rin like this.

“Nasa house ba ninyo ang parents mo, Jaelly? Hindi ba takot kang malaman ng parents mo na lumabas ka from university? Especially first day of class pa natin?” I asked her and she nodded again.

“Vacation nina Mommy at Dad ngayon kaya wala ang parents ko. Kasama ko lang sa house namin ang pusang tinutukoy ko at ang ama niyang tigre,” sabi niya. Hayon na naman ang alien language niya.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon