CHAPTER 7

10.2K 125 1
                                    

Chapter 7: First kiss

“FVCK!” Nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang malutong niyang pagmura. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon kasi sa mansion namin ay walang nagsasalita ng ganoon, eh. Tapos kahit may bata pa kaming kasama ay nagawa pa rin niya ang mag-talk ng bad words.

I thought kasi ay pagagalitan niya ako pero hindi iyon ang inaasahan kong ginawa niya. Mabilis niya akong pinangko at wala sa sariling pumulupot lang ang mga braso ko sa leeg niya. Napahikbi ako nang maramdaman ko ang pagkirot sa binti ko at mas lalo lang akong natakot dahil may dugo na ang umaagos doon.

Pinaupo niya ako sa island counter na katabi lang nakaupo si Irish. “M-Momma...” Dahil siguro sa takot na nabasag ko ang dalawang cup, ang pagsigaw ng daddy niya at ang paghikbi ko ay natakot doon si Irish.

“I’m...fine, Irish. Don’t cry,” pag-aalo ko sa kanya at hinalikan ko pa ang tuktok ng ulo niya para lang talaga tumahan na siya pag-iyak pero humahaba ang nguso niya.

“Manang, please, clean these molds on the floor.” Napalingon ako kay Jaive at may servant na pala ang lumapit sa amin.

“Opo, Sir.”

Una niyang ibinaba si Irish at akala ko ay iyon din ang gagawin niya sa akin pero hindi naman pala. Binuhat pa rin niya ako at bumaba tuloy ang tingin ko sa baby niya na nakatayo lang. Inosente pa nga niya kami tinititigan.

“Si... Si Irish,” ani ko at bahagya pa siyang lumuhod. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sumampa nga si Irish sa akin.

Walang kahirap-hirap niya kaming binuhat ni Irish. Oh, my God... Ano’ng klase siyang lalaki at wala lang sa kanya ang bigat namin? Porket malaki ang muscles niya?!

Mahigpit ko na ngang niyakap ito dahil natatakot akong mahulog siya. Naririnig ko pa ang mahina niyang pagbungisngis kahit na parang kanina lang ay umiiyak siya dahil sa takot niya.

Nagtungo kami sa living room at doon ko lang nakita si Jaelly na may dalang bouquet of flowers and a box of chocolates. Alam ko na galing iyon kay Kuya Blaize. Dahil nanliligaw na nga ito sa kanya. I’m not sure if nabigyan na rin ba siya ng permission ng kuya nito. Hindi rin naman kasi nagtatanong pa, kahit kay Jaelly lang ay hindi ko binubuksan ang topic na iyon.

Maingat na ibinaba ako ni Jaive sa couch—ey, first name basis na me agad.

“What happened to her, Kuya?” worried na tanong ni Jaelly at sinilip pa niya ang binti kong dumudugo na. Inilipat ni Jaive ang anak niya sa tabi ko.

“Kumuha ka ng medicine kit sa itaas, Jaelly.” Kumaripas naman nang takbo si Jaelly para kumuha ng medicine kit. Pero yakap-yakap pa rin niya ang dala niya na tila ba ayaw niya itong bitawan.

Lumuhod sa harapan ko ang daddy ni Irish at nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Hinawakan niya ang binti ko kung kaya’t nararamdaman ko na naman ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan. Mainit at magaspang ang palad niya.

“Bakit hindi ka man lang nag-iingat? What were you thinking and the tray slipped out your hands?” may bahid na inis na tanong niya. Sa akin ba siya nagagalit?

“This is because of you! Palagi mo akong pinapanood!” wala sa sariling sigaw ko. Huli na para ma-realize kung ano ba ang lumabas sa aking bibig. Dapat ay sa isip ko lang iyon sasabihin pero naisa-boses ko pa rin siya.

“What did I do?!” gulat na sigaw niya at umiyak naman nang malakas si Irish dahil sa pagsigaw namin ng daddy niya. Napakagat ako sa lower lip ko nang hagurin ng mahahaba niyang daliri ang buhok niya at umigting ang panga. Saka siya nag-angat nang tingin sa akin. Mag-iiwas na sana ako pero malamig na nagsalita na naman siya. “Look at me. Ano ba ang ginawa ko para mawala ka sa sarili mo?” tanong niya.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon