CHAPTER 44

10.6K 105 0
                                    

Chapter 44: Closure 2

NAGSIUWIAN na rin naman sila after that at may regalo pa silang ibinigay sa amin. Sina Jaive at Irish ay nasa room ko pa. Nakikipag-bonding kay Milkaine.

"Mommy Blaise, bakit po Milkaine ang first name ng baby brother ko?" curious na tanong ni Irish.

"Siguro dahil matakaw rin ang kapatid mo sa milk," sagot naman ni Jaive at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Naisip ko lang naman iyon at huwag sanang lumaki ang ulo ng iba riyan dahil nakuha ko ang Milkaine sa pangalan niya," ani ko at nang tiningnan naman ako nito ay nanlaki pa ang mga mata niya.

"Eltaine, Milkaine... Ah... Kaya naman pala pamilyar ang pangalan, katunog pala no'n sa akin," nakangising sabi niya at napanguso naman si Irish.

Napatingin ako sa labas ng bintana ko dahil nakabukas pa ito. Sinasayaw na nga ng hangin ang puting kurtina ko.

"Pagabi na, Jaive. Umuwi ka na," ani ko.

"Yeah. Gusto ko pa kayong makasama," aniya at nang akma na niyang bubuhatin si Irish ng pinigilan ko siya.

"Ikaw lang ang uuwi, Jaive. Si Irish lang ang mag-stay rito," ani ko at napa-yes si Irish saka siya lumapit sa akin. Humiga siya at yumakap. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at masuyong hinalikan ang pisngi niya. "Sleep ka na, Irish." Agad siyang pumikit at may ngiti na sa labi niya.

"Rish, hindi puwede. Uuwi ka kasama ni Dada," pamimilit niya pero hindi siya nito pinansin. "Rish, naman. Walang kasama si Dada sa house natin."

"Dada, marami po tayong servant there. So, may kasama ka naman po sa house natin."

"No, get up hon. Uuwi na tayo," pamimilit pa niya at nang tatanggalin na sana ni Jaive ang kumot kay Irish ay idinantay ko ang binti ko sa maliit nitong hita.

"Jaive, sige na umuwi ka na," pagtataboy ko at bumuntong-hininga siya. Napakamot siya sa batok niya at saka tumikhim.

"Sige na nga," pagsuko niya. Sinilip na muna niya si Milkaine sa crib nito. Nagpaalam pa siya kahit hindi naman siya kayang sagutin dahil baby pa nga ito. "I'll go ahead, Blaise, Rish."

"Okay po. Ingat Dada," sabi lang ni Irish pero nag-flying kiss naman siya. Lumabas na nga si Jaive at binigyan ko na lamang ng pansin ang cute na bata sa tabi ko.

Hindi siya agad nakatulog at dinaldal pa niya ako nang dinaldal. Nagkuwento siya sa akin tungkol sa mga nangyari raw sa kanya noong wala na ako sa tabi niya. Nakinig lamang ako sa kanya. Hanggang sa nauwi ang topic niya sa breastfeeding.

"What does it taste po ba ng milk ng isang mommy, Mommy Blaise?" tanong niya sa akin at napakainosente pa niya.

Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Jaive. Newborn pa lang si Irish ay ayaw na siyang hawakan ng Mommy niya at nagreklamo pa raw ito noong nanganak na. Eh, ako na walang kasamang mag-c-comfort sa akin ay hindi naman ako nagreklamo.

Nasabi ko na lamang na worth it ang lahat ng sakit dahil kay Milkaine. Unang kita ko pa nga lang sa baby ko kahit na ultrasound lang ay naiyak na ako. Excited ako sa paglabas niya at nasa tummy ko pa lamang siya ay love na love ko na. Kaya noong nakita ko na talaga siya for real ay naglaho ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Parang nabigyan pa nga ako nang lakas ng loob upang mas bumangon para sa life namin.

Sadyang may mga ina talaga na katulad ni Csianel na wala ng pagmamahal sa mga anak nila. Na wala na silang pakialam pa sa bata.

"Gusto mong i-breastfeed din kita, like your baby brother, Irish?" tanong ko sa kanya na may lambing sa voice ko. Tumulis ang labi niya pero hindi naman siya tumanggi.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon