CHAPTER 36

10.5K 117 4
                                    

Chapter 36: Milkaine Irick

HINDI lahat ng pamilya mo ay kakampi mo. Iilan lang ang pipiliin ang side mo. Iilan lang sa kanila ang maniniwala sa 'yo at ang inakala mo na mga taong magtatanggol sa 'yo ay sila talaga ang gagawa ng isang bagay na ikasasakit ng damdamin mo.

Kung sino pa ang mga taong pinagkakatiwalaan mo na maiintindihan ka ay sila pa ang huhusga sa 'yo. Sila pa ang magiging masaya na mawawala ka na lang bigla.

Pero ganoon talaga ang buhay, walang perpekto at hindi mo inaasahan ang mangyayari sa iyo isang umaga. Magigising ka na nga lang sa isang masakit na situation.

Si Mommy at Daddy, hindi nga sila naging strict sa akin. Binigyan nila ako ng isang pakpak upang abutin ang mga gusto ko at ang mga pangarap ko. But still, binigo ko sila.

Isa sila sa parents ko na ginawa kong role model ko, dahil mabubuti sila, maalalahanin at mapagmahal sa kanilang mga anak. Pero dahil lang sa isang pagkakamali ng anak nila ay nagbago sila bigla.

Hindi nila matanggap ang nagawa kong kasalanan kahit hindi ko naman sinasadya na mangyari ang lahat ng iyon. Kahit masasabing biktima lang din talaga ako sa panloloko sa akin ni Jaive.  Because if I had known he was married to Irish's Mom, I would have never let him courting me and something happened to us because I thought he was single.

Hindi ko lang alam kung ganito rin ba ang nangyayari sa mga babaeng katulad ko na naging kabit lang sila sa inakala nilang boyfriend nila at lalaking mahal na mahal nila. Dahil kung katulad ko na nangyari din iyon ay masasabi kong higit kaming masasaktan sa katotohanan na ginawa lang kaming kabit.

"Ma'am, are you okay? Wait—you have a fever." Hindi ko na namalayan pa ang paglapit sa akin ng isang flight attendant at nag-aalala niya akong tiningnan. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking kamay.

"I'm fine, Miss, and—" I didn't finish what I was going to say when I suddenly threw up and it seems to burn my belly from so much pain.

"Ma'am!" Nandilim agad ang paningin ko at tila mabibiyak na ang ulo ko sa super sakit nito. Nakararamdam din ako ng hilo pero hindi ko rin naman nakayanan iyon dahil agad akong nawalan nang malay.

Nagising ako na pinapaypayan ako ng mga flight attendant at may suot na rin akong oxygen mask.

"Finally you're awake, Ma'am!" masayang bulalas ng flight attendant sa akin nang makitang gising na nga ako.

"Uhm..." Napasapo ako sa noo ko.

"We arrived safely in Spain, Ma'am," she announced.

"What has happened to me?" I asked her.

"You have a fever, Ma'am and because you drank alcohol you vomited all of that. You lost consciousness because you are dehydration. That's why you need to drink lots of water," she stated and I just nodded.

May sumundo sa akin na mga tauhan ni Dad at sila mismo ang nagdala sa akin sa Madrid. Sa condominium na tutuluyan ko.

Hanggang sa naiwan na nga akong mag-isa at doon ko lang talaga naramdaman ang pag-iisa ko sa place na ito.

Umupo ako sa isang sulok at kahit gusto kong umiyak ay hindi na kaya pa ng mga mata ko. Masyado na itong masakit dahil sa pamumugto.

May isang babae ang palaging nag-c-check sa akin at pinapaalala nito na kailangan kong alagaan ang sarili ko at kumain sa tamang oras. Pero tulala lang ako sa mga nakalipas na mga araw. Hindi pa rin kasi mag-sink in sa akin ang mga nangyari.

It seems like I prefer it all just a dream but I'm just fooling myself because it really happened to me. I took a deep breath.

Hanggang sa nilapitan na nga ako ng babae dahil hindi na niya kaya pang makita akong ganito.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon