CHAPTER 30

11.1K 107 4
                                    

Chapter 30: Heartbreak

TRIGGER WARNING: SELF-HARM

“PÚNYETA! Bakit naging anak pa kita?!” malakas na sigaw sa akin ni Daddy at dahil sa nararamdaman niyang galit sa akin ay pulang-pula na ang mukha niya pero pati ang eyes niya parang maiiyak na rin siya. That’s because of frustration and ako rin ang nag-cause no’n.

Ni minsan talaga ay hindi ko nakita ang ganitong side ni Daddy. Ni minsan din ay hindi niya ako pinagalitan at mas lalong hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay, na kahit ang mosquito ay takot sila ni Mommy na madapuan ako. Pero hindi lang naman iyon naman ang ginawa niya.

Nagsisisi pa siya na naging anak niya ako. Iyon na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Ang sabihan niya ako ng ganoon. Samantala, si Mommy ay puro iyak lang ang ginawa niya at ni hindi man lang niya ako pinagtanggol kay Daddy kahit kasalanan ko naman. Kahit kasalanan ko naman kung bakit ako nagkaganito. Na kung bakit nagulo ang family namin.

“I’m so sorry, Daddy...” hinging paumanhin ko na sinabayan ko pa nang paghikbi dahil hindi lang ang mga katagang lumabas sa bibig ng aking ama ang mas masakit.

Dahil din sa ginawa sa akin ng inakala kong boyfriend ko na hindi kasal sa Mommy ni Irish. Sa isipin kong ginawa niya lamang ako isang kabit ay sobrang sakit na. Nasaktan ako sa revelation dahil ibinigay ko nga ang sarili ko, ang pagmamahal ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya pero ito lang pala ang ginawa niya sa akin. Niloko niya ako.

Mahigpit ang paghawak ko sa coat ni Kuya Blaize dahil wala akong ibang suot kundi ang longsleeve ni Jaive na napunit pa kanina.

“Blaise, wala ka talagang utang na loob sa amin ng Mommy mo, ’no? Ang laki ng tiwala namin sa ’yo, anak... Pero ito lang ang isusukli mo sa amin? Ito lang na isang kahihiyan sa pamilya natin?! Bakit nakisampid ka sa pamilyang iyon?! Nakakahiya ang ginawa mo! Ang pamilyang sinira mo ay sa kapatid ng asawa ng Kuya Blaike mo! Nakakahiya dahil pareho nating kilala ang mga pamilyang binigyan natin ng kahihiyan! Nagsisisi talaga ako na naging anak pa kita dahil wala kang kuwenta! Sakit ng ulo ka lamang!”  Halos mapugto ang hininga ni Dad sa lakas ng kanyang boses at ang mga ugat niya sa leeg ay nagsisilabasan na rin.

“Dad!” sabay na sigaw namin nang bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Mabilis siyang inalalayan ni Mommy.

“Hon...”

“Daddy...” tawag ko kay Daddy at hahawakan ko na sana siya nang tinabig ni Mommy ang kamay ko.

Wala sa sariling napahawak ako roon at bumigat lang ang dibdib ko. May kung ano’ng kirot ang nararamdaman ko.

“Ialis ninyo na iyang kapatid ninyo bago pa may mangyari sa Daddy ninyo!”

“M-Mom... Huwag naman po kayang ganyan sa kapatid ko,” pagtatanggol sa akin ni Kuya Blaike. “Blaize, dalhin mo na sa kuwarto niya si Blaize,” utos pa ni kuya.

Hinawakan ako ni Kuya Blaize sa magkabilang balikat ko at inilayo na niya ako roon.

Dinala ako ni Kuya sa room ko at iyak nang iyak lang ako. Maingat pa niya akong pinaupo sa kama ko at nakasunod na si Jaelly na may dalang baso na may laman na tubig.

“Uminom ka na muna ng tubig, Blaise. Kanina ka pa umiiyak at baka ma-dehydrate ka.” Umupo sa tabi ko si Jaelly at ibinigay sa akin ang basong tubig. Nanginginig pa ang mga kamay ko na kinuha iyon at uminom na rin. Si Kuya ang kinuha ng basong wala ng laman at ibinaba niya iyon sa bedside table.

“Maiwan ko na muna kayo. Sa baba muna ako,” paalam ni Kuya at masuyo pa niyang hinalikan ang noo ko. “Everything is gonna be fine, baby girl. Jaelly, babe.”

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon