CHAPTER VI

6 3 0
                                    

Pagkatapos ng klase ni propesor Goto ay agad kaming pumunta sa bodega.

"Yayyyy, sabi ko sayo Quera, mapapayag mo si Drupe, my loves," usal ni Kyela.

Agad ko naman itong hinarap at pinagsabihan,
"Naku Kyela, kung ano-ano ang sinasabi mo. It's our safety that matters. Tsaka, huwag mong kakalimutan ang kasunduan natin."

Sa narinig na pahayag ko ay itinaas nito ang kanyang kanang kamay na tila'y nanunumpa.
"Di na mauulit, Quera at yes, hindi ko kakalimutan iyon."   And she even acted like zipping out her mouth but I noticed her eyes went round and gleamed. Lumingon ako at sinundan ang tinitingnan niya at doon ako napasimangot.

"Hi, Drupe!" masiglang bati ni Kyela. Kung makatingin pa ito, halatang-halata na patay na patay ito sa lalaking walang emosyon ang mukha.

"Tsk. Stop it Kyela. Huwag mong kalimutang ang kailangan nating magawa ay iyang mabigyang-buhay ang robot,"  bulong ko kaagad sa kaibigan ko. Tumingin naman ito sa akin at nag-pout.

"What do you want us to do, Drupe?" I asked him upon noticing he went near towards the robot's abdominal part deeply but there is no response.

I asked him again with the same question, adding the last part with 'hello?' But the heck, he's not responding.

"Malaki talaga ang ulo."       Bulong ko sa hangin. Napansin kong narinig ito ni Kyela kaya humagikhik ito.

"Sobrang gwapo naman," komento nito. I rolled my eyes.

Sa loob ng tatlumpong minuto ay wala kaming ibang nagawa ni Kyela kundi'y nanonood lamang sa bawat galaw ni Drupe.

Nakita ko kung paano niya binaklas ang may bandang ulo ng robot gamit ang isang malapad na matulis na kapareha sa falchion. Lumapit kami ng kaunti ni Kyela upang tignan ng maigi ang ginagawa niya.

"Fuck, the fuel cells and CPUs are totally damaged. Ano bang nangyari rito?" rinig na rinig naming saad ni Drupe.

Totoo ngang sirang-sira ang mga baterya nito at nadudurog at nasusunog ang maliliit na mga kahon ng memory module wires.

I'm about to ask him again what he wants us to do but a smirk displayed in his face.

Napatingin naman kami ni Kyela sa isa't-isa nang mapansing kalmadong inilabas ng lalaki ang mga kagamitan nito para sa pagkumpuni sa mga sira-sirang parte ng robot.

The air filled with the scent of solder and electronic components as Drupe hunched over the disassembled  robot's head, or should I say, the robot's brain.

Masigasig na tinatanggal nito ang nadurog at nasunog  na fuel cells. Mapapansin na ang dating buhay na bughaw na balot nito ay nangingitim at nadudurog. 

"Step back!" Biglaan niyang sabi na agad naming sinunod ni Kyela. Nakasuot na rin ito ng isang salamin na nakatakip sa buong mukha.

Doon namin nakuhang may inilabas itong manipis na kutsilyo na may maliliit na butas sa bawat gilid na ibinanaklas ang bawat malilit na sirang kawad at ang maririnig lamang sa buong silid ay kung paano matinis na umiingay ang mga metals.

As he replaced the damaged fuel cells with precision, connecting the intricate wiring,  Drupe's hands moved like a symphony of technical expertise.

My amazement arouse as the new fuel cells hummed to life, emitting a soft glow, signifying a restored power source for the robot.

"Ang hot naman ng Drupe ko!" Narinig ko namang komento nitong babae sa tabi ko.

Next, he turned his attention to the memory module wires. He carefully detached the malfunctioning ones- ruined and blackened,  slotted for replacements.

"Ay, gagong palaka!!"   Kagaya ni Kyela ay nagulat din ako ng lumitaw sa harap namin ang napakalaking imahe ng mga kakaibang simbolo at termino na may kinalaman sa ginagawa niya.

"Ano ito Drupe?" Agaran kong tanong nang mapansing tinanggal nito pansamantala ang salaming nakatakip sa buong mukha.

"Regaining its life," sagot nito habang may pinindot sa monitor. Lumitaw naman ang mga kakaibang letra.

"Paano ba 'yan basahin?" Nagtatakang saad ni Kyela't gaya nito ay nagtataka at naguguluhan rin ako. Maigi ko itong tinitignan at nangunot ang aking nuo nang may nakuha akong isang linya. 'Project 345.' 

"Databases ba 'yan?" Naririnig kong aliw-iw ni Kyela.

We just keep on watching Drupe's works, then,  the optic sensors sparked to life, capturing the surroundings anew. The holographic display stabilized, showing a cascade of data indicating a successful neural reboot.

"It's done, woman," bulong ni Drupe habang humaharap sa akin.  Kahit lumilitaw sa mukha ko ang pagkamangha ay agad ko itong tinanong kung "Paano gayong sirang-sira pa nga ang mga katawan nito."

Napangisi naman ito.

"Wala ka ngang alam,"  komento niya. Sasagot sana ako ng pabalang nang mapansing nabalik sa ayos ang robot. Kitang-kita ko kung paano dahan-dahang sumara ang mga gasgas ng kawad at bumabalik kanya-kanya sa bawat parte ang mga nasisira't putol-putol na mga aluminyo. Kuminang pa ito lalo at hindi na naging mapurol kung tignan. Nagbago ang pisikal na anyo nito.

"Wow!"  Manghang saad ni Kyela.

"What did you've done Drupe?" I asked immediately.

Ngumisi naman ang lalaki. Magsasalita na sana ito kaya lang ay biglaang sumabat itong si Kyela.

"Aha, I knew it. Sinabi noon ni propesor Tirako na ang kailangang pahalagahan sa robot ay ang memory wires ng isang robot, ang utak nito. Kasi awtomatikong pag-iisahin nito ang programa't ang katawan!"  Kyela stated firmly.

So, ibig sabihin, may alam siya tungkol dito?

"May alam ka naman pala Kyela kaya bakit sinabi mong wala kang alam tungkol dito?" Singhal ko.

Tumawa naman ito at nagpahayag.

"Luh, kaunti lang  naman Quera tsaka impormasyon lang ang alam ko hindi ang paraan kung paano ayusin ang sirang kawad, ang mabigyang-buhay ang robot!"   She defended then faced Drupe with amusement.

"Salamat Drupe."

Tumango lamang si Drupe at akala ko ay aalis na ito kaya lang napansin kong humakbang ito patungo sa kinaroroonan ko.

"What?" I hissed.

Then, he mouthed, Your year, 2023.

Agad ko namang nakuha na patungkol ito sa kasunduan naming sasabihin ko ang istorya sa taong 2023 sa kanya.

"Yeah, I'm a man of my words Drupe," mungkahi ko sa kanya.

He was about to leave when, once again, I noticed that the robot is still in it's shutdown phase. Kung naayos niya na ito ay bakit hindi ito gumagalaw?

"Drupe, wait, bakit hindi ito gumagalaw o nagbalik-huwisyo?" 

Agad naman itong tumawa.

"I'm not kidding!" Matigas kong saad.

" Know that I still want your story. When I say I'm done, I mean the other way – halfway done. Find your knowledge and do the rest, woman. Isang hakbang lang naman ang kailangan niyo. I'm not here to feed you."     

Fuck him.

"Quera?" / " Kyela? " sabay-sabay na tawag namin ni Kyela sa isa't-isa at alam ko na iniisip niya ang iniisip ko.

"Paano Drupe?"    Kyela and I asked in chorused.  

Alam kong ang punto niya ay kailangan naming may maambag sa espesyal na proyektong ito kaya lang ay wala talaga kaming alam.

Akala ko ay sasagot ito pero wala. Nagpaalam lang ito at umalis na.

"Patay na!"   Then, Kyela uttered. 

2085: Navigating the Horizon of WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon