"Quera, dali na!!!" Aya sakin ni Kyela. Lakad-takbo ang ginagawa namin nang mapagtantong malapit na magsisimula ang klase ni propesor Tirako't hindi pupuwedeng mahuli sapagkat ngayon ang araw na napagkasunduang ipepresenta namin ang nabigyang-buhay na robot.
Nang makarating ay agad kaming dumiretso sa bodega ngunit laging gulat na lang namin nang matuklasang wala ang robot sa inuukupang lugar nito.
"Quera? Patay, nasaan na ang robot? Hindi pwedeng hindi tayo makapresenta ngayon, ayaw kong mapasali sa larong iyon!" Natatarantang usal ni Kyela.
Pilit kong kinakalma ang sarili sa narinig mula sa kaibigan ko kaya lang ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kung ano ang kahihinatnan namin kung totoo nga'y isasalang kami sa laro.
"Kailangan natin ng tulong Kyela," mahinahong saad ko.
Nakita ko namang hinarap ako ng babaeng naiiyak at tila'y naguguluhan sa anong ibig kong sabihin.
"Isa lang ang maaaring makakatulong sa atin," puna ko.
Nang matantiya kung ano ang ibig kong sabihin ay agad itong yumakap sa akin sabay sabing, "Go na Quera, puntahan mo na si Drupe."
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito?"
"Napakakulang talaga sa pansin, halatang ang ipinunta rito ay si Drupe."
"Huwag mong sabihing si Drupe talaga ang ipinunta niyan dito?"I ignored everyone's voices.
'Kalma, Quera, ngayon lang ito.' Paalala ko sa sarili.
Tinahak ko ang daan papunta sa silid ng mga nangunguna sa klase. Kailangan namin si Drupe upang mahanap ang robot. Alam kong alam niya kung saan maaaring mahanap ang mga robotics na kagaya sa robot na binigyan namin ng buhay.
Kahit maraming mga mata ang nakamasid na tila naiinis, nanunukso, nagagalit, at naguguluhan ay hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagpunta sa lalaki.
Nang makita ang kabuuan nito ay agad ko itong nilapitan. Nakaupo ito sa upuan.
"Drupe," mahina kong tawag. Nag-angat naman ito ng tingin at bigla namang rumehistro sa mukha nito ang inis.
He even raised his eyebrows.
"What now, woman?" Malamig pa na tanong nito bago ibinaba ang tingin pabalik sa librong binabasa nito.
His classmates' attentions are on us. I tried to composed myself properly.
"Drupe," I called him again. Mabuti at unti-unti naman nitong ibinalik ang atensiyon at tingin sa akin. Kahit nakaupo ay hindi maipagkakailang pinagpala ito sa taas.
"What?" He mouthed.
Alam kong naiinis ito dahil tinaguan at tinakbuhan ko ito nang nagkita kami noong nakaraang araw pero bahala na, kailangan kong magpakapal ng mukha.
"I'm asking you, what?" Kuha niya ulit sa atensiyon ko.
"Drupe," muli kong tawag dito. Lalo naman itong nainis. Hindi ko rin malaman at bakit hindi ko mailabas ang dalawang salitang, 'kailangan kita.'
"What? Fuck it!" Bigla akong nagulat sa biglaang pagmura nito at sa hindi malamang dahilan ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay at walang-pasabing hinila ito para sana dadalhin ko na lang ang lalaki sa bodega nang diretso ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana nang imbes siya ang nahihila ay ako ito ang nahila palapit sa kanya. Nakaupo pa naman ito kaya dumiretso ako sa dibdib niya at ang mga braso nito ay awtomatiko namang pumulupot sa aking beywang.
I heard everyone's gasps and murmurs.
"Ang kati niya talaga."
"Sabi na ngang gusto niyang makaranas kay Drupe."
"Sino ba siya at ang kapal niya?"
BINABASA MO ANG
2085: Navigating the Horizon of Wonders
FantascienzaA captivating journey unfolds as Quera Trinado awakens to a surreal world-a symphony of muted skies, silverscapes, geese, aluminum, and platinum forming the palette of all things. Wondering about her unexpected arrival in this extraordinary place be...