CHAPTER X

8 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas matapos tinapos ng isang hindi namin nakilalang tao ang aktibidad na ipinapagawa sa amin ni propesor Tirako at isang linggong sunod-sunod na gabi na rin ang aking pagpupuyat dahil sa maraming  bagay na iniisip at hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang dahilan at ano nga ba ang nakalinya sa katotohanan.

"Ate!"        Ika-limang beses na pagtawag sa akin ni Ross pero kagaya kanina ay hindi ko ito pinansin at nakatunganga sa kompyuter na iba ang anyo at ang pinaka-hindi ko matantiya ay kung bakit lumilitaw sa tabing ang litrato ni Drupe na nakangisi nang nakakaloko. Ni wala pa itong damit pang-itaas.

Nakakonekta ba sa computer na ito ang nasa isip ko? Pero papano at hindi naman ang lalaki ang iniisip ko kundi ang mga nangyari sa loob ng linggong ito? Una, kung paano may kumuha sa robot namin at sa ngalan namin ni Kyela ay siya itong nag-presenta, pangalawa, ang sinabi ni propesor Goto na igihan ko lang ang pagsasaliksik at malalaman ko rin ang lahat nang tanungin ko ito tungkol sa aktibidad niya, pangatlo, ang sinasabi nilang magsisimula na ang pagsasanay paano hahasain at paglalaban-labanin ang mga  robot sa asignatura ni miss Uno, at ang huli ay ang mga sabi-sabing nakabalik na ang mga estudyanteng binigyan-pagkakataon ng gobyerno na lumabas sa mundo at makipagsapalaran sa ibang mga nilalang.

Then, a beep snatched my attention, and I saw my indescribable phone light up.

'Kyela Hobu sent you a message.'   A robotic voice announced.

Agad lumitaw sa liwanag ng selpon ang mensahe niya. 'Hoy, Quera!'

I ought to send her a message, but I'm not sure how, so I choose not to. Papaturo na lang ako sa kanya bukas.

Humiga na lamang ako sa kama at nakatungaga sa kisame.

Pero sunod-sunod na umingay ang selpon at panay 'Kyela Hobu sent you a message.' At nang mabasa ang mga mensahe niya ay wala naman itong mga kwenta.

'Sige, huwag ka mamansin.'

'May sasabihin pa naman akong nakakagulantang na balita.'

'Ay, sige, hindi ka talaga mamamansin? Edi 'wag!'

If only I knew how to send a reply, Kyela, I would.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pag-iisip ng kung ano-ano pero ang huling mensahe niya ang gumulantang sa akin, napabalikwas pa ako ng bangon.

'Ikaw sana pambato ko para kay Drupe pero huwag na lang at doon na lang ako sa bumalik.'

I know her message doesn't make sense, but now the image of Drupe smirking and giving me a teasing look has completely captured my mind.

Kung kanina ang kompyuter ang hindi ko maintindihan, ngayon naman ay itong mensahe ni Kyela.

What on earth possessed her to send me this?

Wala akong pakialam kay Drupe, at lalong wala akong pakialam sa kung sino ang magiging babae nito.

Pero mas dumoble ang kulo ng aking dugo sa nasaksihan sa ibabaw ng aking lamesa at hindi ko maintindihan anong nangyari rito. Biglaan ba  naman nag-iba ang nasa tabing at lumitaw ang bidyo na ang nilalaman ay puro Drupe kaya dali-dali ko itong inanplag para mamatay.

Kung na-aanplag lang ang tao para patahimikin ay madalas ko sana itong magagawa kay Kyela.

"Ang galing niya at ang ganda talaga."

"Everything about her is enticing, no wonder why he's into her."

"I'm wishing for their another story. Sana magkaroon ng part two. "

"Shut up, girl! Narinig ko mula sa Class A na may nang-aakit kay Drupe."

"Narinig ko rin yan. Nakapagtataka rin at bakit pumangit ang taste ni Drupe."

2085: Navigating the Horizon of WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon