CHAPTER II

23 5 0
                                    

"Ang gwapo talaga ng Drupe ko Quera!!"
Tili ni Kyela.

I ignore her excited words and just intently watch how that Drupe man face the crowd. Tingin na wari'y nakakalusaw at nakakamatay. Wala man lang itong kibo habang kinukunan siya ng litrato ng mga estudyante sa paligid. Pero papano't sasakyan niya ay kapareha sa sikat na sikat na uri ng motorsiklo sa taong 2020?

"Quera, punta tayo do'n. Magpapapicture lang ako kay labidabi Drupe ko," aya bigla nitong babaeng si Kyela. Hindi pa man ako nakasagot ay agaran niya akong hinila at wala naman akong nagawa at sumunod na lamang sa kanya.

Nang makalapit ay napakunot ang aking noo. Namukhaan ko na kung sino itong Drupe na pinagkakaguluhan ng mga babae at tinaguriang 'Hari ng Laro'. Ito lang naman pala ang lalaking nakabangga sa'kin kanina na may bastos na dila at tinawag akong mahinang nilalang. Why the hell did I even take his side earlier? Now, I'm honestly regretting myself. I shake my head trying to get over it. I just tried watching everyone peeved, disgusted at the students who were dead set over Drupe's heels.

Pero nawala agad ang inip ko nang mayroon na namang mapansin. Natatawa ako sa nakitang ang selpon ng mga tao dito ay ang layo sa estilo kung ikukumpara sa selpon noon. Sobrang liit nito at nagmistulang bilog na salamin na walang ni isang letra at bagay sa kabuuan nito. Napansin ko kung paano binuksan ni Kyela ang selpon na pag-aari niya. Pinindot niya ang maliit na button na kulay ginto at kinausap, 'Hey, open the cam'. At awtomatikong lumabas ang pormang kodak sa ibabaw ng selpon nito.

"Quera, kuhanan mo kami." Ang kanina inip ko ay dumoble nang walang pasabing ibinigay nitong babae ang selpon niya habang nakikisiksik sa kumpulan ng mga babae. 'Paano kaya ito gamitin? '

"Quera! Quera! Dito dali!" Hinayaan ko na lamang ang kagustuhan ng babaeng ito pero hindi sinunod ang kanyang pagtawag. 'Bahala siya. '

I crossed my arms while trying to be patient waiting for her but a strong hold caught me.

"Bakit hindi mo kami pinicturean?" Kahit hindi pa ako tumingin ay alam kong si Kyela ito.

"Ayan tuloy, umalis na si Drupe,"  puna niya.

Isang salita lamang ang isinagot ko sa dalawang sinabi niya. "Deserve."

Nakita ko naman kung paano ito humalinghing kaya dali-dali ko itong hinila't pinagsabihan.

"Kyela, halata namang hindi interesado iyong lalaki kung paano nababaliw ang mga babae sa kanya. Masama ang ugali noon. Huwag kang magpadala sa mukha. Nakuha mo?"

"Mabait na tao si Drupe Quera. Idolo ko lang naman iyon. Isang litrato lang sana ang hinihingi ko ngunit hanggang ngayon ay ni maski isa, wala ako."

Napa 'okay' na lamang ako sa pahayag ni Kyela at inisip na kaawa-awa ang mga babaeng nababaliw sa isang lalaki.

NANG MATAPOS ang oras ng edukasyon ay hinatid ako ni Kyela sa tahanan ko 'raw' na hanggang ngayon ay di ko mawari kung bakit nag-iba ang mukha nito. Kaya lang ay pagtapak pa lang sa tarangkahan ay agad kong namukhaan ang tatlong nakaupo sa salas.

"MOM? DAD? ROSS?" I hysterically called in amusement. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na sila.

I saw how my brother's face turned into a frown while stating, "O. A mo ate."

Imbes na mainis ay napatawa lamang ako at agaran silang niyakap isa-isa. Nakita ko kung paano nalukot ang mga noo nito.

"What's with the act Quera?" My mom suddenly asked. Sa hindi malamang dahilan ay pinaalam ko sa kanila ba't naging ganoon ang akto ko.

"Mom, I thought I might not be able to see you again guys. Tinawag ko kayo kaninang umaga pero hindi kayo sumagot. Akala ko naiwan ko kayo sa taong 2023. Tell me why are we here mom? Bakit bigla na lamang tayong nabuhay sa taong ito?" But with my words and actions, I noticed how my parents furrowed their brows, and how my little brother laugh his loud laugh.

"Hey, answer me. Alam kong nagtataka rin kayo bakit nagbago bigla ang mundo at ang taon. Mom! Dad! Ross!" I get their attention. Ngunit ako naman ngayon ang kumunot ang noo nang narinig ko ang sinagot ni papa.

"Iha, wala kaming alam sa sinasabi mo. Ito talaga ang mundo at ang taon. Ni halos pitong dekada ang nakaraan sa sinasabi mong taon. Maghunusdili ka."

"Pa, namumuhay tayo sa taong 2023. Ano bang nagyari sa inyo at hindi niyo alam iyon?" Sa pahayag ko'y umalis sa salas ang mga magulang ko. Ang naiwan ay si Ross. But he only gave me his mocking look.

Nanghina akong nagtungo sa kakaiba kong kuwarto. Hindi ko na alam anong gagawin. Nagmumukha siguro akong tanga sa mga nangyayari. Pano't ang pamilya ko sa taong 2023 ay ang pamilya na kasama ko ngayon sa taong 2085? A baffling mystery I need to solve.

Kaya lang ay may napansin na naman ako.
Isang kumikinang na parisukat na nakapatong sa lamesa. Isang malapad na screen na may malilit na kahon sa ilalim. Pinuntahan ko kaagad ang nakababata kong kapatid at hinila papunta sa aking kuwarto at tinanong paano gamitin ang bagay na natuklasan ko.

"Ang weirdo mo ate. Ang husay mo ngang gumamit sa computer na iyan. Ewan ko sayo." Habang binubuksan ang makina ay mahina naman ako nitong pinagsabihan. Tinuruan niya ako na pindutin ang kulay aluminyo na bilog na boton. Kailangan ko lamang sabihin ang app na gusto kong gamitin kaya sinabi ko itong google, bigla namang umilaw ang malapad na screen at lumitaw ang isang robot. Puna pa ng kapatid ko ay kailangan ko lamang kausapin ang nakalitaw na robot sa screen. Nang makaalis ang aking kapatid ay agad ko itong tinanong patungkol sa kung ano ang pinamalaking nangyari sa taong 2024 na bumago sa takbo ng mundo. Mabilis na sumagot ang robot na hindi ko maintindihan. Ang unang pagbati lamang ang narinig ko.

'Ba't hindi ko maintindihan. Wala bang article na pu-puwede ko lang basahin? ' Bulong ko sa hangin. Kaya lang ay nagulat ako nang magsalita ang robot na ngayon ay naiintindihan ko. "Oh, apologies, Quera Trinado. Let me just print out the whole article."

At lumabas mula sa screen ang isang mataas na papel na laman ang nangyari sa taong 2024.

"The Harrowing Tale of World War III in 2024"

In the tumultuous year of 2024, the world witnessed an unprecedented turning point as the flames of World War III were ignited. The stage was set with a "serious escalation" of Chinese aggression, revealing a desire to escalate tensions. The pivotal moment unfolded when China detonated the nuclear bomb known as Project 596, a menacing warning aimed at the Philippines as Navy Forces encroached upon the West Philippine Sea.

Echoing the sentiments of Bongbong Marcos, he emphasized the enduring partnership with the United States, citing it as the Philippines' oldest and most traditional ally, spanning over a century. Marcos adamantly declared, "The Philippines will not yield a single square inch of our territory to any foreign power." These words further fueled the already tense atmosphere.

Enraged by this stance, the President of China declared war, plunging the world into the chaos of World War III. The conflict unfolded over nearly two years, leaving devastation in its wake, with nearly half of the Philippines lost, and irreversibly altering the lives of millions. The war became a battleground of alliances, where nations fought fiercely for their interests, and peace seemed like a distant memory.

The rivers of blood flowed, overshadowing any hopes for peace. World War III, an ominous chapter in history, reshaped the geopolitical landscape and left an indelible mark on the collective consciousness of those who lived through its harrowing events.

My hope suddenly crumbled, and tears welled up as I read what happened.

Kung gayon ay patay na ako?

2085: Navigating the Horizon of WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon