CHAPTER I

30 5 0
                                    

Ako lang ata ngayon ang okupado ang isip patungkol sa gustong ipasaliksik ng propesor Goto.

'Explore the captivating journey of our global evolution from 2021 to 2050 in 'Timeline: The World's Different Faces.' Immerse yourself in the diverse narratives shaping our future, as we navigate through the dynamic shifts, breakthroughs, and challenges that define the next three decades.'

The World's Different Faces. Global Evolution from 2021 to 2050.

Sa pagkakaalam ko, sa taong 2021, unang sumiklab ang nakakahawang sakit at nagkaroon ng pandemya. Sa taong 2022 naman ay ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine tsaka sa taong 2023 ay ang Israel-Hamas War. If this what Propesor Goto means then all I need is to search for the other year's catastrophe. Perhaps, those catastrophic events turned the world fervently.

I massaged my temple as my head suddenly ached. Why did I even care?

Kailangan ko munang maklaro ang lahat kung bakit ako nandito. Alam kong ako si Quera Trinado at ang taon sana ngayon ay 2023, hindi 2085. Hindi rin naman siguro totoo ang mag time-travel at isa pa, wala namang machine para doon.

I'm in my deep thoughts when again, this lady earlier exclaimed.

"Ahhhhh, Quera. Tignan mo. Magkakaroon na naman ng laban ngayon. Makikita ko ulit si Drupe."

I just gave her my plain look and follow her gaze. Lumingon ako sa likod at doon ko lang nalaman kung bakit parang atat na atat ito sa napanood.

Mga estudyanteng nakalutang gamit ang sasakyang kapsula na may kanya-kanyang desinyo. Mayroong desinyo ng dragon ngunit kulay pilak at matutulis ang bawat gilid sa
pundasyon ng kanyang sasakyan. Mayroong motorsiklo na may napakalaking gulong at sa bawat gilid ay malaking pakpak na umuusok.
Pero namangha ako sa natuklasan. Himala at may bagong kulay ako na nakita, kulay luntian na may kaunting rosas na ang desinyo ay bulaklak na rosas na may apat na talutot lamang. Nakita kong sa bawat talutot ay doon nakapuwesto ang mga estudyante. Apat na babaeng kumikinang sa suot na tanso't aluminyo.

Binalik ko ang atensiyon kay Kyela, iyong babaeng nagpakilalang matalik ko raw na kaibigan.

Natawa ako sa mukha nito at literal na napanganga ito ng malapad.

"Kyela," Kuha ko sa atensiyon nito kaya lang ay bigla na naman itong napatili. "Oh my! Oh my! Sa wakas narinig ko na naman ang pangalan kong mula sa dila mo Quera. I'm ecstatic."

Sa ikinilos nito'y kinurot ko ang pisngi nito na siya namang ikinatigil niya.

"Aray, para san yun?" ani Kyela.

"Masyado ka kasing maarte at sumosobra na," Puna ko sa tanong niya tsaka diretsong nagtanong. "Pero ano bang sinasabi mong labanan ngayon? Ano bang tawag sa mga sasakyan na lumulutang na iyon?" Sabi ko sabay turo sa mga kakaibang sasakyan.

Nakuha siguro niya ang gusto kong malaman kaya seryoso itong sumagot.

"Hay Quera, ano bang nasinghot mo at naitanong mo ang mga 'yan? Ganyan talaga ang mga sasakyan natin. Tsaka, muli na namang magkakaroon ng paligsahan na tinatawag na 'The Clash of the Perils'. Isang death car race. Labanan iyan kung saan buhay ang kapalit," She paused for a bit kaya ginawa ko itong tyansa para magtanong muli.

"Kung buhay ang kapalit, ibig sabihin kamatayan?" Tumango naman ito bilang sagot. "What the! Hindi ba nila alam na isang krimen ang pumatay? Illegal ang larong iyan!"
I strongly added. But this lady in front of me just bursting out her laugh.

"I'm not joking around,"  I mouthed her.

"Naku Quera, ano ba talagang nangyari sayo? Anong illegal? Hindi kaya. Tsaka anong krimen? Ngayon ko lang narinig ang salitang iyan. Walang ganyan dito kung ano man ang pinagsasabi mo. Para ka namang batang walang kaalam-alam sa mundo. Isa pa, nakasali na tayo sa larong iyan no?!"
Katahimikan muli ang yumanig sa aming pagitan. Ni wala akong mapuna sa sinagot ni Kyela.

2085: Navigating the Horizon of WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon