A week has passed since I awoke in this robotic year, 2085. Ngunit hanggang ngayon ay wala akong alam bakit ako nandito.
"Eat up Quera," my mother then said.
Nasa isang restaurant kami ngayon. It's a family dinner, I guess.
"Weirdo mo talaga ate ah!" Komento naman ng kapatid ko nang mapansing nakatulala lang ako't malalim ang iniisip.
Pinaikotan ko ito ng mata at malamyang kinakain itong steak na nasa lamesa.
Manghang-mangha naman ako sa natuklasan ngayon. Paano'y nasa harapan lamang namin ang isang robot na awtomatikong lumalabas mula sa tiyan nito ang kung anong pagkain ang sasabihin mo.
"Nga pala mom," pagtawag ni Ross kay mama na seryosong-seryoso ang mukha na tumingin sa kanya.
Napatingin din si papa rito.
"Well, isasabak na ang pangkat namin para sa AI enlistment."
I saw how my father paused for a bit.
"Oh, siya, galingan mo Ross. We're rooting for you."
Nagpasalamat naman ang kapatid ko.
Pero sa naguguluhang ako ay di ko napigilang maitanong sa kanila ano ang sinasabing AI enlistment ni Ross.
Then again, my brother gave me his mocking look, laughing at me, and my parents both furrowing their brows.
"Oh, nevermind!" Agad kong saad. Tatanungin ko na lang si Kyela.
Kinain na naman ng katahimikan ang pagitan namin nang biglang nagsalita si papa.
"How about you Quera? We've heard your batch will be train to activate the robots," my father stated.
Napalunok ako at sumagot lang ng oo.
"During our junior years ay ipapasabak tayo sa Artificial Intelligence Enlistment Quera wherein papapasukin tayo sa isang bayan na puro robot ang namumuhay. Isasabak tayo sa patalinuhan at giyera," Kyela stated.
Kagaya siguro ito ng military enlistment."Pero nasa estudyante na 'yun kung isasaulo't isasapuso nila ang mga kaalamang nakalap mula sa pagpapatala roon. Kaya kung siguro ay napansin mong hiniwalay ang silid ng mga nangungunang estudyante sa mga katamtaman lamang, diba? So, bali tayo 'yung mga estudyanteng hindi loyal sa nakukuhang kaalaman sa edukasyon," puna niya habang tumatawa sa naging huling linya nito.
Tumango lamang ako at isinubsob ang mukha sa mesa.
Hindi ko na talaga alam anong gagawin. Ano ba kasi ang nangyari?
"Good Morning propesor Goto!" Sa narinig na pagbati ay agad akong nag-ayos ng upo.
Perhaps, should I ask this professor?
"Sana nama'y nagsimula na kayong magsaliksik sa binigay kong aktibidad sa inyo," panimulang saad nito at nagbigay-leksyur sa asuntong, EPOCHS.
"Ang siyensiya at ang teknolohiya ang siyang nagpapatakbo sa mundo ngayon. Kaya kung napapansin niyo ay hinahasa kayo patungkol dito upang kayo naman ang hahawak sa mundo sa darating na panahon."
Napapansin kong walang pakialam ang mga estudyante rito sa mga pahayag ni Propesor Goto samantalang ako ay naguguluhan lalo. Anong hahawak sa mundo? Kaya siguro ay puro tungkol sa teknolohiya, robots at AI ang itinuturo rito?
"At isa lamang ang kinakailangan niyong pairalin sa paghawak sa mundo, ito ang inyong mga utak."
"Propesor Goto!" Tawag ko rito. Natapos na ang kanyang klase kaya nakahanap ako ng tiyempo para sa mga katanungan ko.
"Oh, Quera, ikaw pala. Anong kailangan mo?" tanong niya.
"Propesor, bakit wala akong mahanap na impormasyon tungkol sa taong dalawampung libo dalawampu't lima hanggang dalawampung libo limampu? Atat na atat na po akong malaman ang mga sakunang nangyayari sa bawat taon. Gusto ko pong malaman ang dahilan bakit ibang-iba ang mundo noon kumpara ngayon!" Pagmamadali kong pahayag.
Nakita ko naman ang malimit na ngisi nito na tila hindi makapaniwala sa mga tanong ko.
"Bakit po?" Mahinang usal ko at sumagot naman ito, "Natatawa lang ako iha sapagkat ay naiintriga ka sa asuntong ito. Kayo lang ata ni Reinen ang lumapit sakin para magtanong tungkol sa nakaraan."
Napatango naman ako at naiisip na naman kung sino talaga ang lalaking si Drupe nang kagaya rin ito sakin na gustong malaman ang nakaraan.
"Sa ngayon ay hindi ko muna sasagutin ang mga katanungan mo. Dahan-dahanin mo lang Quera at malalaman mo rin isang araw ang nais mong malaman," malumanay na sagot nito.
Nagpaalam naman si propesor Goto bago umalis sa silid.
Napansin ko ring umalis din si Kyela kaya nilisan ko na rin ang silid na ito.
I thought I'd find peace with my solitude, but the comments about me heated me up.
"Yes, that's her." / "Why did Drupe help her?" / " Maybe she's trying to get Drupe's attention." / " Masyadong Pabida. "
Tinignan ko ang kumpol ng mga babae at nilapitan kaagad ang mga ito.
Hindi ako makapaniwalang ang mga basurang ugali ay hanggang ngayon umiiral din sa taong ito.
"Come again?" I flatly asked.
Napansin ko naman kung paano umatras ang mga ito.
"Am I what? Ano nga ulit iyon?" muli kong tanong.
I'm about to add my questions but a sudden voice got me.
"Pabida ka raw, babae!" I knew the voice.
"How's the robot?" Hindi nga ako nagkamali, si Drupe nga ito kaya lumingon ako pero hindi ko inaasahang may apat itong kasama. Namumukhaan ko rin ang mga ito, sila iyong naglalaro ng basketball.
"Hi, Drupe!" Rinig kong bati ng mga babae sa likod ko.
I saw how Drupe gave them a nod.
Nang lumingon ako upang tignan ang mga babae ay siguro pinaalis ito ni Drupe dahil napagtanto kong umalis agad ang mga ito.
"So, how's the robot, woman?" Tanong niya ulit.
"Wala pang progress Drupe," walang gana kong sagot. At magpapaalam sana kaso ay may sinabi ito.
"I can help again if you want."
Tulong nga pero may kapalit kaya pabalang ko itong pinagsabihan, " Kung tutulong ka, sana ay iyong bukas sa kalooban at ni walang inaasahang kapalit o anumang bagay."
Agad naman itong humagikhik.
"Fine!" Huling sambat nito bago umalis.
Napansin ko ring ngumisi ang kanyang mga kasama at bago umalis ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. Strange."Quera! Quera! I knew it. Alam ko na kung paano mag-activate ng robot!" Masayang pahayag ni Kyela na patungo sakin, sa bodega kung saan nakahiga pa rin ang walang malay na higanteng robot.
"Paano?" Malimit kong tanong. I crossed my arms, waiting for her answer.
"Ito lang naman ang nakalap ko, ang utak at ang puso raw ay magkaisa, kumbaga, mag-asawa. Kailangan lamang nating i konekta ang kawad ng mga ito. Pero ang kailangan nating gawin ay tukuyin saan ito nakatago sapagkat hindi raw ito makikita Quera," seryoso niyang saad.
Pero ang tanong paano ulit? Nagmukha na talaga akong bata na walang kamuwang-muwang sa mundo.
"Come here. Hanapin natin Quera," at agad naman akong hinila nitong babaeng atat na atat sa nangyari.
At ito nga, naghahanap kami kaso may tanong na naman na nabuo sa utak ko. So I asked her.
"Saan mo nga pala nalaman ito Kyela?" at doon biglang nawala ang mga ngiti nito sa mukha at tila napalitan ng pagkabalisa.
Tumingin ito sa akin at umatras.
"Sorry Kyela pero galing iyan kay Drupe. Sinabi kong inutusan mo ako at ang kapalit ng pagbibigay impormasyon niya ay magpapaalipin ka sa kanya!" Tumakbo kaagad ito sa gunam-gunam na hahabol ako na hinahabol ko nga talaga habang tinatawag ito.
"KYELAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!! "
BINABASA MO ANG
2085: Navigating the Horizon of Wonders
Science FictionA captivating journey unfolds as Quera Trinado awakens to a surreal world-a symphony of muted skies, silverscapes, geese, aluminum, and platinum forming the palette of all things. Wondering about her unexpected arrival in this extraordinary place be...