Kabanata 15
"We're here." Ani Rafael, nakita ko pang sinilip niya ako sa side mirror niya kaya inirapan ko siya.
"Paano ako bababa, hindi naman kasi ako sumasakay sa motor." Nahihilo pa ata ako! Excited ako kanina pero nahilo ako sa byahe!
Halakhak niya lang ang narinig ko bago siga naunang bumaba para tulungan ako.
"Ikaw pala ang puro car lang alam eh," Aniya.
"Nakakahilo ka magdrive!" Utas ko.
"Let's eat, baka kaya ka nahihilo." Tinalikuran na niya ako, dala ang pagkain na binili namin, saka ang sapin na mauupuan naming dalwa.
"Omg," Natanaw ko na ang ilog, malaki ito kaya mababaw at sapat na para makapag tampisaw. May malalim din namang parte sa palagay ko, sakto lang ang flow ng tubig, sakto para hindi magkaroon ng linta.
"Have you been here before?" Sinabayan ko ang paglakad niya dahil panay na lamang likod niya ang nakikita ko.
"Few times, with friends."
"Not with Riguel? Riguel loves activities like this as well." Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Of course not with him. Bakit? Nakapag-river ka na with him? Kayo lang dalawa?" Aniya, without even looking at me, at naglatag na matapos ibaba ang food namin sa batuhan.
Pakiramdam ko nainis siya dahil nabanggit ko si Riguel.
"You know sa Tanato?" Tanong ko.
"Hmm?"
"Doon kami pumasyal, we weren't supposed to like, you know maligo. Galing kami viewdeck for a shoot, nadaan lang doon then we got mesmerized lang. edi we took a dip." Tumango lang siya sa sinabi ko.
"Inis ka ba?" Dineretsa ko siya.
"No."
"Ok." Nag proceed na ako sa pagtulong sa kaniya sa pag-aayos ng foods. I prepared our meal, niready ko na dahil inayos niya naman lahat ng dala namin.
I took out my camera to take pictures, ang maaliwalas na paligid ang subject ko, ang river at si Rafael na sobrang gwapo.
Pinapanuod ko sya ngayon sa aking camera na sa kanya nakatutok. This lovely man captivated my stray heart, napapangiti na ako sa thought nang bigla siyang lumingon sa akin at halos maibalibag ko ang camera ko sa gulat.
Napansin ko ang bahagyang pag tawa niya. "Coffee pa," Aniya, umirap ako at lumapit na doon para kumain.
"Are we in a rush?" Tanong ko kay Rafael sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"No, it's okay kung ayaw mo pa umalis." Napangiti ako sa sinagot niya, I'm gonna take a dip!
"Okay sabi mo eh, anyway, coffee naman tayo later pauwi," Pag yaya ko sa kanya.
"Starbucks?" Aniya.
"Anything, basta gusto ko kape."
Nang matapos kami kumain, tiningnan ko ang oras at napansin kong 2:45 na pala!
"Huy 2:45 na, ok lang ba if magtampisaw pa ako?"
Sinilip niya ang watch niya. "Take your time, may dala naman tayong sasakyan, what are you worrying about?"
Dumeretso na ako sa maagos na tubig na hanggang tuhod ko lang nang una, at nang makalayo akong kaunti ay nasa bewang ko na.
"Malalim sa dulo, don't go there." Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Rafael, humawak siya sa palapulsuan ko at bahagya akong hinila sa kanya.
