BETRAYAL I: Blank Dreams

636 15 25
                                    


BETRAYAL I:
Blank Dreams


Isang bangungot ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog.

Ilang gabi na rin akong ginugulo ng mga panaginip ko na kung saan pinagtatakahan kong sa t'wing gigising ako'y hindi ko talaga matandaan. Blanko. Talagang wala akong maalala, pero alam ko na nanaginip ako.

Sinubukan ko na rin magpakunsulta sa psychiatrist pero ni isa wala namang makapagbigay ng ikakakampante ko, pare-pareho lang kasi ang sinasabi nila na dahil sa sobrang pagod, over-fatigue, sobrang stressed. Alam kong na mayroon pang ibang rason bukod sa napakababaw na over-fatigue. Pero sa ngayon, wala naman akong ibang choice kung hindi ang magrerely sa sinasabi nila, kailangan ko rin ito kaysa naman magcollapse pa ako.

Hanggang ngayon kasi'y abala pa rin ako sa pagtatapos ng research proposal ko nang sa gano'n ay makapagtapos na ako.

It has been almost eight years that had passed.

Walong taon mula ng huli kong makaharap si Arcanus na kung saan ay di ko na namalayan na ganito na rin pala katagal nang huli ko ring nakasama ang apat na sentries ko.

Maraming nagbago, marami rin naglaho.

Matapas ang ingkwentro kay Arcanus ay nanumbalik lahat sa normal. Binura ni Arcana lahat ng memorya ng mga taong nakasaksi sa paglalaban naming ni Arcanus maliban sa akin. Maganda na pakikisama ng mga kaibigan ko sa akin, kahit na binabagabag pa rin ako hanggang ngayon ng choker ni Sol na sobrang hawig ng choker ko. Pareho kaming nanatili sa probinsya ni Sol, 'di tulad ni Mayumi na nagdesisdong magmaynila.

And as for the four boys, like I said, I haven't heard anything from them.

Si Saichi na kilalang heartthrob chef noon eh malamang baka 'yon na rin ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Axel, huli ko siyang nakita noong graduation nila matapos noon wala na akong balita pa sa kanya. Si Sky naman, naglaho ng araw ng graduation ceremony namin at wala ni isang nakakaalam kung saan siya nagpunta. At si Carlisle naman na sinasabing never niya ako ibebetray, heto at hindi ko rin alam saan ko siya hahagilapin.

Hindi ko alam papano ko ba sasabihin pero nakakapagtaka lang na matapos naming grumaduate ng high school ay nagsipagwalaan sila. Wala rin akong alam na paraan papano sila makocontact dahil maski sa mga social media hindi ko sila mahagilap. Daig pa naming ang nakatira sa sinaunang panahon na maski yata sa pamamaraan ng telegrama ay pahirapan. Nakakapagtakang pati mga residential records nila ay nabura sa local map, kaya nga hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip na baka may kung sino talagang may pakana ng lahat nitong nangyayari. Isa ring bagay bakit pursigido ako sa research paper na ginagawa ko ngayon ay dahil gusto ko rin malaman kung makakahanap ako ng kasagutan sa mga tanong kong ito. Kung bakit nagsipagwalaan silang apat ng gano'n nalang.

Sa pagkakatanda ko, hindi pa rin natatapos ang sumpa sa akin at ang nakatakdang propesiya patungkol sa aking kamatayan. Hanggang ngayon ako pa rin ang Arcana Princess, sumakatuwid, sila pa rin ang mga sentries ko kaya hindi dapat sila malayo ng ganito katagal sa akin. Nakakalungkot lang din talaga dahil nasanay na ako na nakakasama sila kaya malaki talagang pagbabago sa akin na mawala sila sa tabi ko.

Habang pinapakalma ko ang sarili ko mula sa blankong bangungot ay bigla nalang nagring ang cellphone ko.

Mabilis ko itong sinagot pagkakitang si Zen ang tumatawag, "Hello Anise? Sorry kung nagising kita. May magandang balita ako sayo." Ang agad niyang bungad sa akin.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Gising na siya."Sagot ni Zen.

"Talaga?" nakangiting sagot ko naman.

"Oo. Nagulat nalang kami nang bigla siyang napaupo pagkagising."

"Sige, magpreprepare lang ako, pupunta na ako diyan." Saad ko.

"Sige." Sagot lang ni Zen sabay baba ng telepono.

Saglit kong chineck si Papa na mahimbing na natutulog sa kwarto bago umalis.

Di nagtagal ay dumako na nga ako sa lumang clinic nila Carlisle. Dito kasi pansamantalang lumagi sina Meena at Zen nang inuwi na naming mula sa hospital ang pasyente namin. Palitan sila Zen at Meena sa pag-aasikaso sa binatilyo upang may maiwang kasama ko pa rin sa bahay.

Pagkarating ko'y mabilis naman akong binati ni Meena ng isang napakahigpit na yakap. Si Meena at Zen nalang ang natitira tinuturing kong pamilya ngayon. Hinihiling ko lang na sana naman ay hindi na sila umalis na kagaya ng iba. Marami kasing nangyari, matapos ang laban mula sa paggitan naming ni Arcanus, inaya ni Zen na magpakasal si Meena at piniling manirahan sa siyudad kasama namin nila papa.

Hindi naman sila naging pabigat kahit nakikitira lamang sila, may sariling panustos si Zen para sa kanila ni Meena at ni minsan hindi siya humingi ng kahit ano, tumutulong pa nga sila sa bayarin ko sa bahay na sobrang pinagkakautangan ko ng loob dahil nagmistula na silang mga pangalawang magulang ko kung tratutihan nila ako.

"Mabuti't narito ka na. Sobrang alalang-alala kami kung papano namin siya kakausapin, ayaw kasi niyang tumahan kahit na anong gawin namin." Saad ni Zen pagkalapit niya sa amin. Gaya nga ng sabi ni Zen ay hindi nga halos tumigil sa kakaiyak ang lalaki na animo'y parang galing ito sa matinding unos ng kanyang buhay.

"Seryoso ba ito?" Biglang tanong ko kila Meena na agad naman niyang sinagot ng, "Bigla nalang siyang umiyak pagkagising niya tapos may pangalan pa siyang binabanggit." Saad ni Meena.

Dahil dito'y naisipan kong umupo sa tabi ng binatilyo para subukang patahanin siya ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya, bigla nalang niya akong niyakap sabay sabing, "Mhira? sa wakas! Nagkita na ulit tayo! Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay! Pangako yan Mhira!" Ang sobrang sigla niyang pinagsasabi sa akin.

Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam ba't ako nangilabot sa mga pinagsasabi niya na bigla nalang akong nakaranas ng pagtaas ng mga balahibo sa katawan. Bakit niya ako tinawag na Mhira? Sino nga ba si Mhira? Anong koneksyon niya sa binatilyong ito, na minsang ginamit ni Arcanus bilang kanyang human vessel laban sa akin walong taon na ang nakararaan?

◎◎◎◎◎

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon