BETRAYAL V: Code of Arc

134 4 0
                                    

BETRAYAL V:
CODE OF ARC

Muli akong nagising sa isang nakakakilabot na panaginip.

Kaibahan lamang ay ngayon napakalinaw pa sa memorya ko ng napanaginipan ko. Muli kong napanaginip ang nangyaring pagkikita namin ng aking apat na sentries. Kitang-kita ko sa kanila ang determinasyon nilang masaktan ako. Nakakatakot ngunit mas umiigting sakin ang lungkot higit sa lahat. Sapagkat naniniwala pa rin akong hindi pa tuluyang nawawala ang samahan namin kung kaya umaasa ako subalit nagkamali ako nang bigla akong saktan nilang apat. Higit sa lahat, sina Axel, Saichi, Sky at Carlisle nais nila akong patayin.

Why does it have to be them of all people? Why does it have to be my sentries?

Binantas ng mga palad ko ang pisngi ko't matapos ay bumangon ako upang kumuha nang maiinom na tubig.

Papunta na sana ako sa may kusina nang mapansin ko si Carlisle na mahimbing ang tulog sa may mahabang Cleopatra sa labas ng kwarto ko. Napukaw niya ang atensyon ko kung kaya naman nilapitan ko siya.

Napaupo ako sa may tabi niya at pinagmasdan ko ang payapang pagtulog niya. Napansin ko ang mga marka ng sugat sa may kamay niya at agad na may kirot sa pakiramdam ko ang mabilis kong nadama.

Ano bang paghihirap ang dinanas niyo nang malayo kayo sakin? Napakasakim ko namang isipin na iniwan niyo lang ako, wala akong kaalam-alam sa mga pinagdaanan niyong paghihirap.

Kinuha ko ang isang kamay niya at hinaplos ito. Hindi ko naman lubos akalaing magigising ko siya sa nagawa ko kaya agad kong tinakpan ng palad ko mga mata niya. "Wag mo muna akong tignan Napahamak kayo ng dahil sa akin kaya wala akong mukhang maihaharap sayo." Sabi ko.

Inalis ni Carlisle ang kamay ko sa mata niya at napaupo siya dahilan para mas makapaglapit ang mga mukha namin sa isat-isa. "Ipagdadamot mo ba sa nakakaawang sentry na itong masilayan ang prinsesang ilang taon niyang di nakita?" tanong niya sa akin.

Namula ata ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bigla din akong nawalan ng sasabihin. Napansin ko na lamang na parang mas malapit pa ang mukha namin ngayon sa isa't-isa. Dahil diya'y agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi naman sa gano'n. ah...eh...wag mo nalang isipin 'yong sinabi ko." sagot ko na lamang.

Hindi naman na kumontra si Carlisle. Hindi pa rin ako nakarecover kaagad. 'wag ko daw ipagdamot sa isang nakakaawang sentry na tulad niya. Pilyo rin tong si Carlisle. Kaso teka! Nakakaawang sentry ba ang sinabi niya? Sentry? Ibig sabihin talagang naalala na niya kung sino siya.

Agad akong nagkaroon ng ideya na tanungin siya, "Umayos na ba pakiramdam mo? Naalala mo na talagang isa kitang sentry?" tanong ko.

Napangiti siya sabay sagot ng, "Ako ata dapat magtanong niyan sayo diba? Pero Oo, maayos lang ako. At tungkol naman sa pagiging sentry ko, wala naman nagbago ako parin tong isang magiting at matapat na sentry mo."

"Kung gayon, pupwede mo bang sabihin sa akin ang lahat ng nangyari?"

Napayuko si Carlisle na para bang gustong iwasan ang tanong.

"Sorry, Carlisle. Nangyari ang lahat ng ito sa inyo. Wala man lang akong nagawa after all this time. I'm even selfish na isipin talagang kinalimutan niyo lang ako at iniwan."

"Alam mong hinding-hindi mangyayari 'yon."

Natahimik nanaman ako sa biglaang lungkot na nadama ko.

Napansin ko na napahinga ng malalim si Carlisle, matapos ay nagsalita na siya, "isang grupo na kung tawagin nila ay code of Arc ang nasa likod ng lahat nang nangyari sa amin. Hangarin ng grupo na 'yon ang hanapin at pagtagpitagpiin ang mga artifacts patungkol sa sinumpang nayon. Nais nilang patotohanan ang existence ng mga sinaunang diyos at diyosa sa sinumpang nayon. Kasama na rin sa kanilang paghahanap ay ang possibleng pagtugis nila sayo Anise." Saglit na napatingin sa akin si Carlisle at dama ko na parang ayaw niyang ituloy pa ang kwento, ngunit hinawakan ko ang braso niya na ipinapahiwatig kong nais kong magpatuloy siya.

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon