BETRAYAL IX:
Soul IslandTotoo nga ba ang nakikita ko?
Nakatayo ngayon sa harap ko si Sky habang nakalahad ang palad niya sa harap ko.
Muli ko tinignan ang kanyang mga mata, nagbalik na nga ito sa normal nitong kulay. Ngunit papano nangyaring—
Naputol sandali ang pagmumuni ko nang biglang magsalita si Sky, "Mahuhuli nila tayo kung hindi mo kakayaning tumayo. Sasayangin mo ba sakripisyo ni Sai para sayo?"
Dahil sa sinabi niya ay natauhan ako, kung kaya ay kahit na masakit ang pagkakatapilok ko ay pinilit kong tumayo. Hinanapan lang ako nang tungkod ni Sky upang magamit kong pansamantalang saklay.
Sa halip na maghanap kami ng daan patungong kalsada upang makalayo, isang tagong daanan na natatakpan ng mabababa't mayayabong na damo patungo sa may dalampasigan ang aming tinahak. Sa dulo nito'y mayroong nakadaong na bangkang de sagwan.
"Sakay." Utos niya.
Laking gulat ko na tila ba sa pagkakautos niya ay sakanya ang bangka.
Dapat ko nga bang ikatuwa na nagbalik na siya? Parang ang lamig pa rin nang pakikitungo sa akin ni Sky. Ganito naman na siya noon pero tila ba mas lalong kumapal ang pader sa paggitan naming dalawa.
Sinunod ko nalang ang utos niya't sumakay na ako sa bangka kahit na hirap ako't, hindi man lang niya magawang alalayan. Umangkas na din siya at mabilis na nagsagwan hanggang sa makarating kami sa may kalapit na isla, Malayo mula sa teritoryo na tinutuluyan ng code of arc.
Pagbaba mula sa bangka ay isang matanda at dalagang babae ang sumalubong sa amin. Iika-ika pa rin ako ngunit mabuti't tinulungan ako ng dalagang babae.
"Maligayang pagbabalik, master sky." Bati kay sky nung matanda.
Nagmano si Sky sa kanya kahit na master ang turing ng matanda sa kanya. "Maaari niyo po ba ipaghanda ang bisita ko ng makakain? Malayo rin ang pinanggalingan namin, paniguradong gutom na siya." Saad ni Sky.
Bigla nanaman akong nanibago, parang bigla naman siyang naging mabait ngayon. Sabagay, noon pa man hindi na maiexplina ang ugali na mayroon si sky.
Hindi ko tuloy maalis isiping matakot dahil sa kung ano-ano na ang naiisip kpng dahilan bakit nagkakaganito si sky.Isang mainit na sabaw at ilang pirasong nilagang patatas ang ipinaghanda ng matanda, na inilapag naman ng dalaga sa harapan ko.
"Inumin mo na itong sabaw habang mainit pa. Masarap ang luto ni Nana sa pinakuluang buto-buto ng baka." Paliwanag niya.
Ilang segundo ko pa tinitigan ang pagkain nang bigla nalang naglabas ng kutsarita ang dalaga, kumuha siya mula sa mangkop ng isang kutsarang sabaw ay ininom ito. Kumurit din siya sa may patatas at agad itong nilunok sabay sabing, "wag ka mag-alala, ligtas ka sa islang ito. Hindi ka namin lalasunin." Nakangiti niyang sinabi. Hindi ito sarkastiko at mukha namang mabait ang dalagang ito kung kaya napangiti nalang ako na nagsimulang kumain.
Matapos kong kumain ay pinapunta nila ako sa may likod bahay kung saan ay punong-puno ng mga samu't-saring halamang gulay. Naabutan ko doon ang matanda na namimitas ng sitaw.
"Maraming salamat po sa pagkain." Pagbati ko nang makalapit sa kanya.
Nangiti naman siya sa akin. "Natutuwa ako't nagustuhan mo." Tugon niya.
"Nasaan po si Sky?" Biglang tanong ko.
"Hindi ba siya nagpaalam sayo? Sabagay, hindi naman talaga siya mahilig magpaalam kahit kanino." Turing ng matanda. "Ano nga ba pangalan mo hija?" Biglang tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...