BETRAYAL VIII : Fallen Knight

163 6 2
                                    

BETRAYAL VIII :
Fallen Knight

Bumukas ang pintuan ng mala-bartulina kong silid at nagdulot nang maliit na liwanag ang siwang nito, dahilan para masilaw ako. napansin ko ang anino ng isang tao na papasok sa loob hanggang sa tuluyan na itong nakapasok.

Laking gulat ko nang padabog niyang ibinaba ang bandehadong yari sa lata na nagsisilbing pinagkakainan ko. sa tuwing nakikita ko ito'y hindi ko mawaglit na isipan ko kung hayop na nga ba ang turing nila sa akin rito. kung sa bagay, halos hindi ko na nga rin maipaliwanag kung ano nga ba ang pagkaing ihinahain nila sa para sa akin sa bawat araw ko rito. ang mahalaga lamang sa akin ay mayroon akong mai-panglaman tiyan.

binasag ng boses ni Saichi ang katahimikan nitong silid nang magtaas siya ng boses, "gumising ka! pinapatawag ka ni Felix!"

Gano'n pa rin ang tono nang pananalita niya sa akin. Hindi ko alam bakit tila tuluyan na niya akong nakalimutan.

Sino ang narinig kong tinutukoy niya? pinilit kong iminulat ang mga mata ko kahit pa kulang nanaman ako sa tulog at parang mabibigat pa rin itong buksan para sa akin. hinarap ko siya at tiyaka tinanong ng, "sinong Felix?"

Halos hindi pa ako kinibo kaagad ni Saichi hanggang sa sumagot siya, "ang namamahala rito sa code of arc."

Felix pala ang pangalan ng demonyong 'yon. Hindi talaga ako naniniwala sa konsepto ng demonyo pero matapos ang naranasan ko sa mga kamay niya, tama lang na tawagin ko siyang gano'n.

Matapos itong sabihin ni Saichi sa akin ay naglakad na siya papalabas, "sandali Saichi," tawag ko agad bago pa siya tuluyang makalabas.

Napahinto naman siya ngunit hindi siya lumingon sa akin. Pinilit kong tumayo at hinila ko mula sa tagiliran niya ang isang maliit na patalim na madalas kong makitang nakasabit sa may gilid niya.

Nabigla siya sa nagawa ko't akmang aagawin ito sa akin, ngunit mabilis akong lumayo sa kanya sabay sabi ng buong tapang sa kanyang, "sige Saichi! Sa oras na makalapit ka't maagaw mo sa akin ang patalim na ito, nais kong kitilin mo ang buhay ko. Nais kong patayin mo na ako Saichi."

Buong tapang kong sinabi iyon kahit dama ko ang kaba na maaaring magawa nga niya sa akin ang sinabi ko o kaya naman ay wala lang kahihinatnan ang ginagawa ko. Subalit sa kabila nang sinabi ko, nakatingin lang siya sa akin at walang kibo.

"ano Saichi? hindi mo kaya? hanggang utusan ka na lang ba? akala ko ba gustong-gusto mo na akong mawala? here is your chance to do it." paghahamok ko naman sa kanya ngayon.

Habang patuloy ang panghahamon ko kanya'y mabilis siyang nakalapit sa akin at naagaw ang patalim mula sa kamay ko. Pinilipit niya ang kanang braso ko't sabay na inipit ito sa may likuran ko, ang kabilang kamay naman niya na may hawak ng patalim ay idinikit niya sa may leeg ko. Konting galaw ko lang ay siguradong magigilitan ako ni Saichi.

"huwag mo akong hinahamon!" Wala akong nasagot sa sinabi niya pagkabihag sa akin, at sigurado akong kanina niya pa nais na isagot ito sa mga pinagsasabi ko.

Napalunok nalang ako't napapikit sabay saad na, "sige Saichi, gawin mo na. Kung sa paraang ito mababawasan ang pagkamuhi mo sa akin. Mas gusto ko makatulong na hindi ka na mahirapan kapag nakikita mo akong humihinga."

Hindi ko mawari pero sa mga oras na ito, buong tapang ko pa rin na nasabi sa kanya ang mga katagang magpapasakit lang sa akin. Bakit kailangan humantong sa puntong, isang taong malapit sa puso ko ang kailangan kumitil sa buhay ko? Bakit kailangan ko mamamatay nang ganito nalang?

Nakakatakot ang kamatayan, pero may mas ikakatakot pa pala ito dahil ngayo'y mamamatay ako sa kamay ng isa sa mga taong pinahahalagahan ko.

"bakit?"

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon