BETRAYAL XI: Broken Oath

134 5 5
                                    

BETRAYAL XI:
Broken Oath

Buhay si CARLISLE.

paulit-ulit itong pinapaalala at sinasabi ng utak ko. Buhay siya at matagal na itong tinatago sa akin ni Sky. Sa mga sandaling ito'y hindi ko na napansin na inakay na ako ni Sky papalayo ng mansion. papalabas hanggang sa dumaan kami sa isang sekretong tunnel papalabas sa may makitid na pampang. Dito ay may nag-aabang na maliit na bangka.

Nang makasagwan na si Sky at bahagya ng nakalayo ang bangka, "Bakit ka umalis ng isla ng walang kasama?" tanong niya sa akin.

"Bakit? kung nagpasama ba ako ngayon sa'yo dito sasamahan mo ako?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Alam mong mapanganib doon para sa yo mag-isa."

"Wala na atang mas mapanganib pa sa makasama mo ang mga taong akala mong kakampi mo pero sa huli'y tratraydorin ka rin." panutsada ko at hindi agad nakasagot si Sky kung kaya'y hinayaan ko nalang na magsagwan siya.

Pagkalayo namin ng konti pa mula sa isla ay pinaandar na niya ang motor ng bangka at mas bumilis na ang byahe namin. hindi nagtagal ay nakabalik na din kami ni Sky sa maliit na tagong isla nila Sky.

mabilis akong bumaba ng bangka at iniwan si Sky. hindi pa man ako nakalalayo ay hinila ako pabalik ni Sky, "Papano ka nakarating doon? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Wala ka na doon." padabog kong tugon. Mabilis ako naglakad papalayo kay Sky matapos ko siyang itulak paalis sa harap ko.

Kung gaano ako kabilis tumakbo ay siya ding bilis ni Sky na hinabol ako at pagkahigit niya sa akin ay humawak siya sa magkabilang braso ko at inilapit sa katawan niya. halos mag-umpugan mga mukha namin sa pagkakahila niya sa akin.

"'wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita." saad niya.

At this moment, I have completely forgotten that Sky is a notorious fraternity leader. I think I fueled too much on his fire.

hindi ko maipaliwanag ang expression ng mukha niya. Hindi ganun kahigpit ang hawak niya sa mga braso ko pero dama ko ang pagpipigil ng galit niya.

"Bakit? Ano gagawin mo kapag hindi ko sinabi sayo? sasaktan mo ako?" sigaw ko sa kanya.

Bigla nanlaki ang mga mata ni Sky. Sumunod ay napabitaw siya sa braso ko at napayuko.

hindi niya ako kinikibo kaya naman muli ako nagsalita, "Ako dapat ang nagtatanong sayo. Bakit mo ako kinukulong sa isla na ito? buhay pala si Carlisle at mukang may alam ka. kailangan ako ni Carlisle. Pero pinagkait mo iyon sa akin, Sky."

Napatingin siya sa akin at bigla kumabog ang puso ko sa tingin sa akin ni Sky. Hindi sa takot o kaba pero parang nakonsensya ako sa tingin niya na hindi ko mawari.

"Kung Dinala kita kay Carlisle, babalik ka pa rin ba sa 'kin?" halos bulong na saad ni Sky.

Napatulala lang ako sa narinig ko. Bakit Bigla nalang naging ganito si Sky. Hindi ko rin siya nasagot agaran. Napansin ko nalang na iba nanaman ang aura ng mukha niya. Para itong may hinihintay and at the same time, para din itong suko na ang itsura niya.

sinubukan ko ipush ang sarili ko na sumagot ng, "Sky--" sasabihin ko palang sana ngunit biglang sumingit ang isang lalaking papalapit. Laking gulat ko nang makita na yung mamangkero kanina ang papalapit sa amin.

"Master Sky, naririnig ko po kasi kayo mula doon. pasensya na po, ako po kasi ang nagdala kanya sa isla." nanginginig na tugon ng mamangkero.

Dala ng inis ni Sky sa narinig niya ay hinigit niya ang kwelyo ng damit nung mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon