BETRAYAL VI: Retrieval

129 3 0
                                    

BETRAYAL VI:
RETRIEVAL

Kaharap ko ngayon si Axel at gustong-gusto ko siya lapitan at hagkan ngunit bukod sa nakagapos ako'y, nababalot siya ng nakakapangilabot na awra.

Huling pagkakatanda ko ay kaharap ko si Laito nang may bigla siyang tinurok na likido sa akin, dahilan upang manghina ako at tuluyang mawalan ng malay.

"Axel, natatandaan mo pa ba ako?" Tanong ko sa kanya ngunit tinignan lamang niya ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa kwartong kinalalagyan ko at di ko na siya nakausap pa.

Natatakot ako at kinakabahan. Papatayin na ba nila ako kaya ba dinukot nila ako ngayon?

Sa muling pagkakataon ipinikit ko ang mga mata ko dala ng pagod kong kaiiyak ay tuluyan akong naidlip. At nang pagkamulat ko'y nasa harapan ko nanaman so Axel, may dala siyang tray ng pagkain at inilapag ito sa tapat ko.

"Kunin mo na yan. Wala rin lang akong ganang kumain. Masasayang lang yan." Walang kabuhay-buhay kong sinabi sa kanya.

Napalingon si Axel sa akin sabay sabing, "kailangan mo kumain." Saad niya. Ang tagal ko di narinig boses ni Axel.

Malalapit ako sa mga sentries ko pero si Axel ang tinuturing kong pinakamadaling pakisamahan dahil sa amo ng kanyang pagkatao.

Bakit ngayon ay tila hindi na siya ang Axel na kilala ko? Malamig ang trato niya sa akin at halatang iritang irita siya sa akin. Tuluyan na nga ba talagang nilamon si Axel ng kung anong sumpang pumapaloob sa kanya ngayon?

"Para ano pa? Para ba masigla ako pag papatayin niyo na ako? Bakit di niyo nalang kaya ako gutomin hanggang sa mamatay ako?" Bulyaw ko sa kanya.

Nilingon niya akong muli at sa pagkakataong ito para bang nagalit ko siya ng matindi, dahilan upang sipain niya ang tray ng pagkain.

Lumuhod siya sa may harapan ko at iniangat ang mukha ko upang pantayan ang tingin niya. "Magpasalamat ka na lang at sa ganitong paraan napapahaba pa ang walang kwenta mong buhay. Ngayon, kung ayaw mong kumain wala ng mamimilit sayo." Saad niya bago siya tumayo at muling lumabas ng kwarto.

Bumaha nanaman ng luha mula sa mga mata ko pagkalabas ni Axel. Hindi na talaga siya ang Axel na kilala ko.

Hindi ko na alam kung ano na ang oras. Nakakulong ako sa silid na may isang bintilador lang at dilaw na bumbilya sa kisame.

Ilang oras na dadaan ay babalik si Axel upang palitan ang tray ng pagkain kahit pa galawin ko ito o hindi.

Sa ikatlong pagkakataong balik niya ay hindi na kinaya ng tiyan ko ang gutom, kung kaya't bigla nalang akong natumba nang subukan kong tumayo para kumain.

Bago pa man din ako humandusay sa sahig ay nasalo ako ni Axel. Sa sobrang pagkasabik kong mahagkan si Axel ay inipon ko natitirang lakas ko at inakap ko siya. Di ko narin napigilan pang tumulo ang mga luha ko.

"Miss ko na yung dating Axel. Ibalik mo na siya sa akin, please." Pakiusap ko. Inilapit ko ang pisngi ko sa kanya at mabilis na dinampi ang labi ko. Sumunod noo'y tuluyan na akong nagblangko.

*****

"Anise? Anise? Gumising ka anise?" Makailang beses ko din narinig na tinatawag pangalan ko kung kaya nama'y naalimpungatan na ako at nagising.

Si Axel ang tumatawag sa pangalan ko. Tinatawag na niya akong muli sa pangalan ko?

Napaupo ako at pinagmasdan siya.

Hinaplos ng palad ni Axel ang kanang pisngi ko sabay sabing, "walang gabing pinagdasal ko na makitang muli ang mukhang ito. Pero kasuklam-suklam ang nagawa ko ngayong narito ka na sa harap ko." Napayuko sa harap ko si Axel at halos ayaw na niyang tumingin pa sa akin.

Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon