BETRAYAL IV:
Cursed Village of ArcaedaGising na ako bago pa man tumilaok ang manok.
Kahapon pa ako hindi makapaghintay na makapunta sa museum kaya naman bago pa nga tumilaok ang tandang ay gising na ako. Matapos kong kainin ang masasarap na agahang inihanda para sa akin ni Manang Rosita'y di na ako nag-atubiling umalis papunta sa Museum.
Pagdating ko'y inasikaso ko na ang pagkuha ng appointment sa tagapangasiwa ng Geo Farm at di nagtagal ay isang English-speaking guide ang ibinigay nila sa akin. Mukhang mapapasubo pa ata ako rito pero kinakailangan ko paring kayanin.
Nakakapagtaka lang kung bakit naging museum ito gayong hindi naman ito bukas para sa publiko. Dahil dito'y iyon ang unang naisip ko sa babaeng guide, "Why has this been closed for public? I'd always thought the owner had kept bars of gold from the late colonization here?" napangiti nalang ako sa palpak kong joke.
Mabuti't may sense of humor ang guide kaya naman sinakyan niya ang mumunting joke ko, "Certainly Madame, if that is so, then all of their servants would be rich by now and still the gold bars aren't wipe out." Sagot niya. Hanggang sa dinugtongan pa niya ito, "But to tell you the truth Madame, we're keeping the museum off from public as we wish that all the details here to be held confidential. We only allow researchers as we know, what we keep here are but still bits that may either complete or add to their study and that's for sure is the reason why you're here of course. There are no hidden treasures or whatsoever in this museum, only few artifacts and remnants of the culture and tradition that was practiced in Arcaeda, or better known in the old tales as the cursed village." Saad niya habang sinisimulan ang kwento tungkol sa lumang nayon na konektado sa kwento ni Arcana.
Napangiti akong inihanda ang recorder, bolpen at papel ko para sa pagkwento niya. "Could you tell me some more facts about Arcaeda?" tanong kong bigla.
Inaya naman ako no'ng guide papunta sa isang silid na puno ng mga preserved na damit ng dating sibilisasyon ng Arcaeda, mga klase ng telang hindi ko pa nakikita sa kahit saang tindahan maski sa ibang museo pero dito lang. sayang bawal kasi ang kumuha ng larawan. Ngunit, ito lang masasabi ko, parang hinabi ang lahat sa maninipis na telang napapalamutian ng pilak at ilang pirasong tanso. Meron ding mga ilang kagamitang pandigma, mga alahas, at mga iba't-ibang kagamitan na kakaiba sa ibang sibilisasyon, nakakatuwa, saang kamalayan kaya nila nakuha ang ganitong kakaibang pamumuhay? Nakakamangha lamang talaga kahit pagmasdan lang.
Matapos ay inaya naman ako ng guide papasok pa sa isang chamber na kung saan ay masusurpresa ka na palibutan ng kakaibang canvass. Ito'y inukit sa isang paikot na kahoy at ang nakakamangha rito'y ang obra'y animong nagmistulang isang sinaunang libro na nagpapakita ng isang kwento ng pamumuhay noon.
Nang ngitian ko ang guide ay nagsimula muli siyang magsalita, "It's the story itself crafted by the people of Arcaeda. Want to hear it from the beginning?" tanong niya at sumang-ayon naman ako.
Itinuro niya sa may kanan ang mga nakaukit na tila mga tao ng Arcaeda, mukha silang hirap na hirap at tila nagkakagulo. "It began when people from Arcaeda were suffering with so much famine, hunger and illnesses. Others tend to kill one another to steal food and medicine because of scarce. Until that grateful moonlight, a beautiful man descended from the sky with a basket of bounteous bread and medicine for the people of Arcaeda to use. It was when the people of Arcaeda rejoiced and praised the mysterious man which later became their patron God Arcanus and in honor of him, they named their village Arcaeda." Paliwanag niya. Iyon pala ang paliwanag no'n. Nagpatuloy ang guide sa pagkwento habang isa-isa niyang tinuturo ang mga nakaukit na larawan, "From then on, people of Arcaeda tried praising their God through their sacrifices, with which they offer through their harvest and livestock. If you can see these illustrations, above them are reachable staircase of clouds directing to a golden-like place." Sabay turo niya nakaukit na hagdanan patungo sa mga nakaukit na hugis ulap, "they call that place, Vedas or the low kingdom of Gods and Goddess. It is said that those staircase lead to the golden palace where the Gods and Goddess stay." Dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...