BETRAYAL X:
Rebirth of FoeKinabukasan ay parang wala na akong ganang kumain. Madalas pakong tulog kaysa gising. Nagmistula akong gulay na nakamukmok sa kwarto.
Narito pa rin kami sa kalapit na islang pagmamay-ari ni Sky. Kung iisipin napakagandang bakasyonan itong lugar nila. Malayo sa gulo, malayo sa ingay ng ciudad. Pero higit sa lahat, malayo siya sa mga taong humahabol sa amin.
Bigla tuloy sumagi sa isipan ko sina Sol at Laito na naiwan sa kamay ni Felix. Ano na kaya ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon?
Napapaisip ako kung ano nga ba ang nangyari sa kanila ngayon. Pinapahirapan pa kaya sila ng walanghiyang si Felix?
Mataas na rin ang sikat ng araw. Nasisilawan na ng liwanag ang buong silid. Hindi magtatagal ay magsisimula ng kumabog ang pintuan.
Isa. Dalawa.Tatlo. Isa ngang malakas na pagkatok ang narinig ko sa pintuan.
"Miss, lumabas ka na diyan. kanina pa malamig ang sopas dito. Sige na, kumain ka na. Kagabi pa walang laman ang tiyan mo." ani ni Belinda. Kagabi pa nga siya sumusubok na pakainin ako matapos naming makabalik ni Sky, ngunit hindi man lang ako sumubok na sumubo ni isa.
Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nasaksihan kong flashback ng mga eksenang Gila be mula pa noong sinaunang panahon. Kung kanino mang memorya iyon, nakakagimbal dahil kamukha naming lahat ang naroon. Higit sa lahat, si Carlisle na nabuhay muli sa flashback na 'yon ngunit sa katawan ng nilalang na tinawag nilang Simatu.
Maya pa ay nabuksan ang pintuan. Walang kalatoy-latoy kong tinignan si Sky habang parasol siya sa silid ko, habang si Belinda naman ay hawak ang tray ng sopas at nakatago sa likuran niya.
kinuha niya ang tray kay Belinda at tila sinenyasan ito na umalis. Ilang sandali pa ay kami nalang ni Sky ang naiwan sa loob. lumapit naman siya agad sa tabi ko at inilapag ang tray sa mesa malapit sa kama.
Nang akala kong uupo siya sa silyang katabi ko'y, lumihis siya at naglakad sa halip patungo sa may bintana at mas binuksan pa itong lubos. Tanaw na tanaw ko mula sa kinahihigaan ko ang nakakaengganyong alon ng dagat.
Umupo si Sky sa may tabing bintana at tinitigan ako matapos sumaglit ng tingin sa may dagat.
"Are you okay?" bigla niyang tanong.
Like what the heck?! Ano kayang klaseng tanong 'yon?
Hindi ko siya kinibo. Wala naman kasalanan si Sky pero dahil sa sinabi niya tila ba gusto ko siyang pag-initan ng ulo. Nakikita naman siguro niyang matamlay ako't walang ganang kumain, natural siguro na hindi ako okay?
Lumapit agad si Sky at naupo sa may dulo ng kama.
"Sorry for letting you witness that brutal scenario. Malamang ay hindi ka pa handa na makita ang lahat ng iyon, ngunit nais kong malaman mo na isa 'yan sa mga paulit-ulit na pinaalala sa amin ng code of arc."
Mabilis na dumaloy ang kilabot sa katawan ko matapos ang mga binitawang salita ni Sky. Nakakakilabot na nga ito sa unang beses ko palang na nakita, papano pa kaya ang naramdaman nila Sky dahil madalas itong ipinaalala ng code of arc sa kanila?
laking pagtataka ko lamang ay bakit nga ba kailangan ipakita ito ng paulit-ulit ng code of arc? anong meron sa pangyayaring 'yon na konektado sa mga sentries? Higit sa pinagtatakahan ko ay kahawig nila ang mga nilalang na nahagip kong makita.
Hindi kaya bukod sa kagustuhan nilang makuha lahat ng mga artifacts ay tama ang hinala ko na kaugnay din kami sa mga kaganapang nahagip ko? Hindi kaya konektado ang lahat ng iyon sa kung papano ba matatapos ang lahat ng mysteryong umuugnay kay arcana? O hindi kaya noon pa man ay nais na akong saktan ng mga tinuturing kong sentries? Kaya ganun nalang kung tratuhin ako nung simatu na akala kong si Carlisle?
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...