BETRAYAL II:
Arcanus' VesselTinawag niya akong sa pangalang Mhira.
Sino si Mhira? Ano koneksyon niya sa human vessel ni Arcanus?
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang sinusubukan ko siyang patahanin sa balikat ko. Kung susumahin ay parang magkasing-edad lang kami pero kung umiyak siya daig pa ang isang batang inagawan ng kendi. Mabuti nalang at nakatulong ang pagtapik-tapik ko sa kanya at di kinalaona'y tumahan na din siya.
"Mabuti talaga nagising ka na. Pasensiya na kung hindi ako ang taong inaasahan mong makita." bati ko pagkatahan niya.
"Patawad din sa inasal ko. Gaano na ba ako katagal na ganito?" bigla naman niyang tinanong.
"Almost eight years. Alam kong hindi kapanipaniwala pero sabi nga ng mga doctor brain dead ka na pero hindi ka namin sinukuan, nakikita kasi namin na parang ayaw mo rin sumuko dahil sa mga madalas na reflexes na ginagawa mo. Kaya naman nung tinanggal ng mga doctor ang tubong nagdudugtong ng buhay mo, isang himala ang nangyaring kaya mong magsurvive sa kabila nito. Nagdecide kami na iuwi ka rito at alagaan. Umaasa kami na isang araw magigising ka at hindi nga kami nagkamali." Tugon kong sagot sa tanong niya.
Bigla namang sumagot ang binatilyo, "Grabeng abala pala ang nagawa ko sa inyo."
"Hindi mo kasalanan iyon. Si Arcanus ang may kagagawan nito sayo. Wala tayong ibang sisisihin kung hindi siya."
"Arcanus? Sino si Arcanus?"
Hindi niya matandaan si Arcanus? Baka dahil sa binura ito ni Arcana kung kaya naman di na nagkakapagtaka kung maski siya walang kaalam-alam sa mga naganap sa kanya.
"Ahh wala. Ano nga pala pangalan mo." Pag-iba ko na lamang.
"Laito...Laito Zulueta."
"Laito?" ulit ko upang linawin ang narinig ko't tumango siya upang sumang-ayon. Agad kong pinasigundahan ng panibagong tanong si Laito, "Sino pala si Mhira?" tanong ko. kanina pa ako nahihiwagahan kung sino nga ba ang Mhira na ito, kung kaya di na ako nakatiis pang itanong sa kanya.
Tinignan lamang ako ni Laito na para bang nagtataka siya sa aking tanong. Laking gulat ko nalang ng buksan niyang muli ang mga labi niya upang magsalita, "Si Mhira ay ikaw." Sabay duro niya sa akin.
"Anise...pangalan ko'y Anise at hindi Mhira." klaro ko naman agad sa kanya.
"Hindi! Ikaw si Mhira. Simula pa lang ikaw na si Mhira." At talagang ipinagpilitan niya sa akin na ako si Mhira. Ano nga bang pinagsasabi niya?
"Ano bang ibig mong sabihin na simula palang ako na si Mhira?" Ngayon ako naman na ang nangungulit sa kanya.
"Ikaw si Mhira...bago ka, bago ka maging si Arcana." At bigla nalang siyang nawalan ng malay sa mga braso ko. Mabilis naman akong tinulungan ni Zen upang ipahiga si Laito.
"Mukhang hindi pa siya tuluyang nakakabawi ng lakas." Saad ni Zen.
"Ganun ba?" tanging sagot ko lang. tinapik naman ni Zen ang balikat ko't sabay sabing, "'Wag mo masyadong isipin ang sinabi niya, Anise. Minsan pa rin siyang napasailalim ni Arcanus, hindi natin alam kung isa 'yan sa mga pakulo niya-"hindi ko na pinatapos pa si Zen at agad akong sumagot.
"Of course. Nag-aalala lang ako sa kanya. Baka kasi may mga pamilya siyang naghahanap sa kanya. Wala ka pa bang nakukuhang impormasyon?" ang sunod kong pag-iiba sa usapan.
"The last time I checked, wala pa ring lead ang mga pulisya pero ngayon siguro na alam na natin pangalan niya baka mas makatulong pa ito." Agaran namang sagot ni Zen.
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...