BETRAYAL VII:
Two Arcana PrincessIsang matinding pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko ang gumising sa akin. Nakagapos ako ngayon habang sunod-sunod nilang pinapadaloy ang nakakanginig na kuryente sa buong katawa ko.
Hindi ko na mabilang pang-ilan na ito pero magmula ng hindi ko nagawang makatakas kasabay nila Carlisle at Axel, ikinubli nila ako sa laboratoryong ito at paulit-ulit na akong sumasailalim sa ganitong proseso hanggang sa manghina ang buong katawan ko.
Natapos ang huling shockwave na binigay nila sa akin at tuluyan na nagulay ang buong katawan ko.
"That's it Anise for today. See you the day after tomorrow." Saad ng familiar na boses ng isang lalaki.
Nanggagalaiti ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Gusto ko siyang sakalin at pagsasampalin pero wala akong magawa dahil hinang-hina ang buong katawan ko at hirap akong kumilos.
Sa tuwing matatapos ang session ng pageeksamina nila sa katawan ko ay si Saichi ang kumukuha sa akin sa laboratoryo at binubuhat ako patungo sa silid.
Hindi ko na alam kung papano ako nakakaraos sa bawat araw. May mga kung anong likido silang tinuturok sa akin, na sa tingin ko ay dahilan upang di ko maramdaman ang gutom. Pero sa kabila nito, alam kong unti-unti pa rin nanghihina ang katawan ko.
Isang araw pagkatapos ng muling pageeksamina nila sa katawan ko ay dinala muli ako ni Saichi pabalik ng silid.
"Saichi sandali." Pinilit kong sabihin kahit pa hinang-hina na ako at nanlalambot pa sa katatapos na sesyon sa laboratoryo.
Napahinto naman si Saichi sa kinatatayuan niya at napalingon sa akin.
"Salamat. Alam kong ayaw mong ginagawa ito para sa akin pero salamat pa rin." Pilit kong sinabi.
Saglit na lumapit si Saichi sa akin, "wala ka dapat ipagpasalamat dahil walang araw na di ako nasusuklam kapag nakikita kita." Walang pagaalinlangan niyang sinabi sa harapan ko.
Masakit man itong marinig mula sa dating malambing at clingy na Saichi, alam kong dapat ko siyang unawain dahil hindi ito ang totoong siya. Nababalot lamang siya ng kung anong expirementong kagagawan ng code of arc na asosasyon.
Kailangan ko pa rin tatagan ang sarili ko upang masagip ko sina Saichi at Sky.
Huli kong nakita si Sky nung dapat na tatakas na kami nila nila Axel at Carlisle ngunit matapos noon ay hindi ko nanaman siya mahagilap.Isang araw, narinig ko nalang na balak nilang ilipat na kami ng ibang kampo upang maiwasan na maitakas ako nila Carlisle at Axel.
Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko at pumasok muli ang lalaking kinasusuklaman ko.
"Magandang araw, arcana princess." Bati niya.
Nanghihina pa rin ako pero gustong-gusto ko iubos ang natitira kong lakas para gantihan siya sa ginawa niya sa aming lahat.
"Nais ko lang ibalita na may bago ka ng tutuluyan simula ngayon. Hayaan mong si Saichi kasama ng ibang tauhan ko ang magdala sayo sa bagong kampo ng code of Arc." Saad niya at nagsimula na siyang maglakad papalabas.
"Ano ba kailangan mo sa akin? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?" Pilit kong tinanong kahit pa hinanghina na ako.
Napalingon muli siya sa akin at bahagyang nangiti, "magandang tanong. Wag kang mag-alala Anise, matutugunan din ang mga tanong mo pagdating natin doon." Sagot niya at tuluyan na siyang lumabas.
Mayroong kaba akong nadama sa huling mga salitang binitawan niya. Para bang may hindi magandang mangyayari sa akin pagdating ko sa bagong kampo nila.
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...