BETRAYAL III:
Unfulfilled dream"Nakakapanibago lang ang mga naging konstraksyon sa lugar na ito, tignan mo maski daan nagkaroon na rin pala ng road widening." Masayang panimula ni Zen habang tinatahak naming kahabaan ng kalsada patungo sa luma't sinumpang nayon.
"Sigurado kang makakarating tayo doon bago maghapon at hindi mag-uumaga?" asar ko naman sa kanya.
"Baka nga dahil sa bagong kalsada'y baka mas mapabilis pa't dumating tayo ng tanghali doon eh." Tawang-tawa namang sagot sa akin ni Zen. Medyo hindi nga lang nakakatawa kaya pinili kong manahimik nalang. Hindi ko rin pwedeng pagurin si Zen, mahaba-haba pa ang byabyahiin namin. Oo iisang probinsiya lang naman ngunit malayo sa ciudad ang lumang nayon. Kung susumahin aabot talaga ng mahigit apat na oras bago makarating doon, pero noon 'yon. Gaya nga ng sabi ni Zen, dahil ayos naman na ang mga kalsada rito'y baka nga mas mapaaga kami ng dating.
Habang nakadungaw ako sa bintana ng kotse'y naalala ko kung papaano ako nagkaroon ng matinding interes sa museong iyon. Noong huling field trip ko ng high school sa Geo farm, isang parte ng lokasyon na 'yon ay may nakatayong medyo lumang museo. Nakakalungkot lang dahil bukod sa sarado ito sa publiko, hindi rin magawang makapasok dito si Carlisle kahit pa gamitin na niya connection niya. Hanggang sa napag-alaman naming sa guide namin noon na tanging mga researchers lang ang pwepwedeng magkaroon ng pahintulot na makapasok sa museo. Kaya naman ngayon na may alas na ako para makapasok, susulitin ko talaga ang lahat ng impormasyon na makukuha ko. Isa pa, baka may makuha rin akong impormasyon para sa mga ilang misteryong bumabagabag pa sa akin hanggang ngayon.
"Nakikita kong excited ka na para sa research na 'yan. Pero bakit nga ba iyan ang napili mong topic?" biglang tanong ni Zen habang nakatingin pa rin sa daan.
Napahinga ako ng malalim bago sumagot, "Zen, kahit na pinakita sa akin ni Arcana ang lahat, pinaliwanag niya, isinalaysay pa niya pero pakiramdam ko kulang ito. Pakiramdam ko, kailangan ko pang maghanap ng mga nawawalang piraso ng pagkatao ko. Sa tingin ko sa pag-aaral ng tungkol sa lumang nayon, sa luma't sinumpang nayon na iyon, makakatulong ito sa pagbuo kung ano o sino nga ba ako." Sagot ko.
Agad itong sinundan pa ni Zen, "And if by any chance, you proved yourself wrong, well, hindi naman sa negative ako pero papano lang naman kung sakaling-"
Pero hindi ko na siya pinatapos pa't agad akong sumagot, "I would stop and change title, that's just it Zen. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon kung wala rin akong mapapala pero kung sakali mang makita ko tong makakatulong, I'd be more curious on how to use them in discovering the mysteries of those signs I noticed after the battle with Arcanus. I wanted to know everything, mula sa pamilyar na choker ni Sol, hanggang sa paglitaw muli ng painting ni Arcana at muling pagliwanag nito gaya ng una ko itong makita, and of course, ang sunod-sunod na paglaho nila Axel, Saichi, Sky at Carlisle. Kailangan kong makahanap ng sagot Zen, at naniniwala akong may makukuha ako rito sa research na ito."
Napatahimik nalang si Zen at hindi nagtagal ay nakarating rin kami sa old ancestral house ni Papa. Ito nalang ang natira sa amin, matapos i-auction lahat ng natitirang properties ni Mama para ipambayad sa naging utang ni Papa.
Pagkalapag ko ng ilang bagahe ko sa harap ng katangkad na pinto ay bigla nalang itong bumukas at sa loob ay sinalubong kami ng katiwalang si Manang Rosita.
Mabilis na kinuha ni Zen mula sa kamay ko ang mga bagaheng bitbit ko't agaran itong dinala sa silid ko. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil naalala kong kinakailangan ko palang tawagan si Meena na nakarating na kami. Kaso hindi ko naman siya makontact, baka masyado siyang abala sa pagbabantay kay Laito kaya naman ipapagpamamaya ko nalang ulit siyang tawagan.
"Akala ko hindi ko na kayo makikita pa senyorita. Iniisip ko na mamamatay na ata ako ng di man lang nasisilayan ang unica hija nila senyor at senyora." Bati sa akin ni Manang Rosita sa may sala.
Napangiti naman ako sa pagkasabik sa akin ng matanda, "Maraming salamat po sa paglilingkod niyo kina Mama at Papa ng matagal. Nasisigurado ko pong natutuwa siya nasaan man siya ngayon. Nakakatuwa lang po na hindi isinuko ni Papa ang ancestral house na ito kahit na lubog na lubog na kami sa utang." Saad ko.
"Tandang-tanda ko pa ang pangako niyang hinding-hindi niya ipagbibili ang bahay na ito pagkat dito siya ipinangak at lumaki. Lagi niya rin sinasabi noong bata pa siya na kapag nagka-asawa siya'y dito niya gustong tumira kasama ang mga magiging anak niya. Dito rin niya gustong makapiling ang kanyang magiging asawa hanggang sa pagtanda niya." Kwento pa ni Manang Rosita.
"But fate never granted them that, maaga namatay si mama kaya siguro naging ganun si papa." Bulong ko sa sarili. Nanghinayang lang ako sa pangarap ng aking ama na di naisakatuparan. Sayang hindi man lang sila napagbigyan.
"Kumain na po ba kayo Senyorita?" Mabuti't iniba ni Manang Rosita ang topic.
"Hindi pa ho." Nahihiya ko pang sagot sa kanya.
Inalalayan ako ni Rosita sa direksyon patungo sa may hapag, "halikayo, ipaghahain ko kayo ng kasama niyo." Saad pa niya matapos.
"Thank you po." Sagot ko naman na sumaglit sandali para tawagin si Zen.
Kinahapunan ay bumyahe na si Zen pabalik sa ciudad. Matapos kong ayusin ang ilang gamit ko'y nagsimula na ako sa pageencode ng research ko at sinabihan ko si Manang Rosita na huwag akong istorbohin kung hindi naman ito gano'n kaimportante.
Bukod sa ala-ala ng high school field trip ko'y isa pang nag-udyok sa akin ang nabasa kong article sa college paper namin, fineature kasi ng The Breezian newspaper, ang kwento tungkol sa lumang nayon. Hanggang sa umabot sa puntong, maski mga archive files sa library ay sinasaliksik ko na, hindi ko nga magawang magfocus dito dahil sa kakulangan ko ng pondo, kailangan ko kasing tipirin ang time deposit account na iniwan sa akin ni Mama. Sakto lang ito hanggang sa grumaduate ako.
Kaya naman ngayon na aprobado na ang pagpondo ng university sa research ko'y susulitin ko na ang bawat sentimong pagkakagastusan ko nito.
◎◎◎◎◎
BINABASA MO ANG
Arcana's Betrayal (Curse Of Arcana Second Act)
FantasyWalong taon makalipas ang laban sa paggitan ni Arcanus at ng Arcana Princess na si Anise, ay nagsimula ang kanyag panibagong buhay. Ngunit kung inaakala niyang magiging normal ito, doon siya nagkamali, dahil nagsisimula palang ang matinding laban n...