"Apo gising na!!
Apo kong mahal, gumising kana jan anong oras na malalate ka sa unang araw ng iskwela. Handa nadin ang paborito mong almusal, pritong hotdog at itlog. Kaya gumising ka diyan." Malambing na sabi ng matandang babae, habang hinahalik halikan ang batang naka higa sa kama.
"Hay gusko!! Bumangon na, ang tigas talaga ng ulo mo. Stellvester, ayaw mo bang pumasok?"
Nagising ako, nang dahil sa sunod sunod na mahihinang pag palo sa puwetan ko, at pag yugyog nito sa katawan ko.
Pag mulat ko ng mata, nagulat ako sa matandang kaharap ko.
"Lola? Bakit nandito ka? Diba patay kana?" Nag halong pag tataka at takot kong tanong.
Imposible kasing buhay pa si lola, eh ako ang nag eulogy sa burol nito.
Ibig bang sabihin patay nadin ako?
Napahawak ako sa bawat parte ng katawan ko, sinisigurado kong hindi tatagos ang mga kamay.
"Aba naman Stell apo, pinapatay mo na agad ako. Aypo gusko, sumasakit ang ulo ko sayo.
Hindi porke't ayaw mong pumasok gusto mo na agad akong mawala! Aba hindi magandang biro yan apo." Malambing pero pagalit nitong sabi.
Gulong gulo na ako, kung hindi pa patay si Lola, pero imposible talaga eh..
Ako nag bantay sa lamay simula umpisa hanggang sa huling gabi.
At sigurado akong patay na siya, pero bakit nandito siya? At bakit, mukang bumata siya?
Teka, may Bello ba sa heaven? Nagpa botox ba ito? Ang fresh eh.
Ano kayang secret niya? Parang need ko itanong, medyo nag kaka wrinkles na ako sa nuo eh.
"Stell, apo!" Nagbalik ako sa ulirat ng marinig ang sigaw ng lola ko.
"Pero kasi lola...." Naguguluhan ko pading sabi.
"Anong pero pero? wala ng satsat mag umagahan kana, at maligo na, ngayon ang unang araw mo sa iskwela. Gusto mo bang malate ka? At unang araw palang, patayuin kana sa ilalim ng araw." Inalalayan na ako nito para makatayo, at pinalo ulit ng mahina ang pwet ko, para siguro kumilos na ako.
"Teka la, ano pong date ngayon?" Sabi ko ng mapahinto sa pag lalakad, at nilingon ito.
"June 06, 2011 bakit ba tinatanong mo kung anong petsa na, eh alam mo namang ito ang unang araw mo sa iskwela"
June 06, 2011 Unang araw ko sa bagong school na lilipatan ko, ito din ang unang entry sa dairy ko. Ibig bang sabihin bumalik ako sa nakaraan? Kaya buhay si lola, at nasa aking harapan?
Pero napaka imposible? Panong nangyaring nakabalik ako sa nakaraan.
Eh nag babasa lang naman ako ng diary ko kanina..
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomanceSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?