╭─────────╮
DATE
June 16, 2023
╰─────────╯STELL'S POV:
"Birthday ko na pala. Ilang taon naba ako?." Binuksan ko ang calculator ng cellphone ko at kinompute kung ilan taon na nga ba ako.
"28? Ganun nalang yun? Sobrang bilis naman ng araw, hmm bakit ang tanda ko na. Tapos single padin ako, halos lahat na ng katrabaho at kaibigan ko kasal na. Panano naman akooo!! " reklamo ko sa sarili.
"Well, to be honest hindi pa naman ako mukang matanda, halos ganun padin ang itsura ko. Fresh, pak! Baby Face! " Puri ko sa sarili ng mapatingin sa salamin.
Hindi pwedeng maging malungkot ako ngayong birthday ko. Subukan ko kayang tawagan si justin, sana sagutin niya.
Kinuha ko ang phone sa kama, at dinial ang number ni Justine.
"Ano ba yan, kainis! hindi manlang sinagot, ilang beses ko ng pinag ring, pero ayaw talaga!. Napaka busy naman ng taong to!" Reklamo ko ng hindi sagutin ni Justin ang mga tawag ko.
Ayoko sanang maging malungkot ngayon pero pakiramdam ko lagi nalang ako mag isa. Masyado ng busy si justin, hindi na katulad ng dati na lagi kaming magkasama.
Kinuha ko ang susi ng kotse at nag drive papunta sa paborito kong restaurant.
Kakain nalang siguro ako, para maitawid ko tong birthday ko.
Pag dating sa restaurant, dumaretsyo na ako papasok sa loob.
"Magandang hapon po sir, meron pong booking?" Tanong sakin sa reception area.
"Oo Stellvester Ajero" Sempre naman nagpa book na ako in advance. Hindi kasi pwedeng basta basta nalang pumunta dito. Masyadong kilala ang restaurant na ito kaya madaming tao ang gustong kumain dito.
Chineck nito sa computer ang pangalan ko.
"Meron nga po, pasensya na po medyo natagalan, iaasist nalang po kayo ng waiter kung saan ang table niyo. " Sumunod naman ako sa waiter, at itinuro sakin kung saan ang pwesto ko.
"Haha alam mo namang mahal na mahal kita." Narinig kong sabi ng lalaki sa katapat kong lamesa. Sobrang lakas kasi ng boses kaya nakuha ang atensyon ko.
Hindi ba sila aware na nasa loob sila ng restaurant at bulgar na bulgar ang kalandian?
"WALANG FOREVER!" bulong ko sa sarili bago tuluyang maupo.
Huwag naman na sana nilang sirain ang birthday ko, mag isa na ngalang ako nag cecelebrate dito, tapos may mga bagay pa akong maririnig? Pwe! Nakakasuka!
Well hindi naman talaga ako bitter sa mga may ka relasyon, pero masyadong mapait ang sinapit ko sa pag mamahal. Kaya siguro hangang ngayon wala padin akong boyfriend.
Well I'm happy naman to be single.
Pero Happy ngaba? Bakit parang hindi sang ayon ang puso ko, sa sinasabi ng utak ko.
"HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO YOU~" nagulat ako sa biglaang pag kanta ng mga waiter sa gilid ko. Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan birthday ko nga pala ngayon. Bakit ba kasi mas binibigyan ko ng pansin ang mga ibang bagay.
"HAPPY BIRTHDAY SIR STELLVESTER" Sabay sabay nilang bati, sabay abot ng isang slice ng cake na may kandila, tila ba pinapahipan sakin at humiling daw ako dahil birthday ko.
Ano nga ba ang wish ko?
hmmm..
Pwedeng mamaya nalang humiling?
Wala pa akong maisip eh...
"Sir hipan niyo na po ang kandila, malapit na pong matunaw. Saka ano po pala yung wish niyo?" Curious na tanong ng waiter.
"Secret hehe." Pilit na tawa kong sabi dito, kahit hindi pa talaga ako nakawish.
Wala pa kasi talaga akong maisip na pwedeng hilingin ngayon, kaya para hindi na sila mag tanong nag panggap nalang ako na meron na.
buti nalang umalis na din agad sila, at hindi na nag tanong pa. Sinunod nadin nila yung order ko at inayos ito sa lamesa.
Ready na sana akong kumain pero masyadong malakas ang boses sa table sa likodan ko.
"Babe? Kelan tayo magpapakasal? " dinig kong tanong ng babae.
Aba napaka tindi naman hindi na siya nakapag hintay sa proposal ng boyfriend niya at siya na ang kusang nagtanong.
Napa tawa tuloy ako ng mahina.
"Hmm~ bakit gusto mo nabang makasal? Kaso bata pa tayo eh." Sagot ng lalaki.
mukang redflag ang boyfriend ah~
Halatang ayaw pang magpakasal.Kwawa naman si Ate girl.
"Bata, are you kidding me? Babe you're turning 29 this year, sa tingin mo bata pa iyon? I knew it it's because of .." Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin, dahil bigla nalang may kumalabog, siguro nag dabog na ang boyfriend nito.
"If you don't believe na mahal kita well it's not my problem! You keep on bringing things na tapos na! Stop being immature! Do you think sa ugali mong yan, mag propropose ako?" Galit na galit na sabi nung lalaki. Nakarinig ako ng mabigat na yabag ng paa.
Mukang may nag walk out sa kanilang dalawa.
Oops~ mukang dalawa na sila..
Ano to habulan?
Natawa nanaman tuloy ako.
Tama nga ako walang forever! Ang sarap naman ng birthday ko, may regalong chismis. Kaso sayang tapos na ang drama.
Teka, ano kaya yung hindi naituloy ng babae kanina? Nacurious tuloy ako.
Nang maramdaman kong wala ng tao sa likuran ko, sinumalan ko ng kumain. Baka kasi lumamig pa to, kaka marites ko.
"Ang sarap talaga, happy birthday self thank you sa treat." Puri ko sa sarili, pagkatapos kumain, sabay tayo para makaalis na sana.
"Stell?" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Pag lingon ko napanganga nalang sa lalaking kaharap ko.
Akala ko ba wala siya dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomanceSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?