"Favorite band mo paramore?" Tanong ko kay pablo, ng mapansin na That's what you get by paramore ang kinakabisadong chords nito.
Hehe mapagpangap for todays video, sabi ko nga alam ko ng paborito niya ang Paramore, parehas kasi kami.
"Yup, Ikaw din ba? Nabanggit mo kasi nung nag suggest ka." Napangiti naman ako, medyo mahaba haba na siyang sumagot sakin.
"Yes, sa bakasyon nga gusto ko mag pacolor ng hair parang si hayley." Nakangiti kong sabi, napangiti naman siya ng bahagya.
"Anong favorite song mo?"
"Hmmm.. The only exception." Nagulat naman ako ng biglang halukayin ni Pablo ang mga songbook sa sahig.
"Nice, favorite ko din to." Itinaas ang songbook na hinahanap sa sahig, inilipat ang pahina at iniabot sakin, bago ilabas ang gitara sa loob ng bag sa gilid nito.
Nang ma ilabas na ang gitara, sinimulan na nitong patugtugin ang intro ng kanta. Nang matapos na nito ang intro, lumingon ito sakin, hudyat para simulan ko ng kumanta.
"When I was younger,
I saw my daddy cry.
And curse at the wind
He broke his own heart and I watched.
As he tried to reassemble it" 🎶Napansin ko ang mga palihim na pag ngiti ni Pablo habang kinakanta ko ang unang verse ng kanta.
"But darling,
You are the only exception
You are the only exception" 🎶Hindi mapigilang kumabog ng dibdib ko nang sumabay si Pablo sa chorus para mag second voice. Halos pinipigilan ko na ang pag patak ng mga luha ko, pakiramdam ko sasabog na ako. Namiss ko kasi yung ganito, yung mga oras na magkasama kaming dalawa. Yung panahong ako lang ang mundo niya, yung panahong nagmamahalan kaming dalawa. Pero alam ko din sa sarili ko na, hindi nag tagal yung ganitong moment namin naming dalawa, dahil hindi naman talaga kami ang nagkatuluyan sa huli.
Hindi na napigilang kumawala ng luha sa mata ko, napa iwas ako bigla ng tingin.
"Wow! Galing mo pala Stell! Ikaw din Pablo, grabe nakaka bilib kayong dalawa, swak na swak mga boses niyo." Bilib na sabi ni Josh, habang pumapalakpak.
Mas lalo naman ako nakaramdam ng hiya, nakita ba nila na naiyak ako? Nakita ba nila na tumulo ang mga luha ko? Paano kapag tinanong nila ako, anong sasabihin ko?
"Stell, galing mo, kaya pala nag insist ka na banda ang gawin natin, hindi ako inform singer ka pala." Puri ni Justin, napangiti naman ako, buti nalang talaga napunasan ko agad luha ko kanina.
"Sayang oras, tara na, may pupuntahan pa ako mamaya." Malamig na sabi ni Ken, naks feeling strong yern? Utot mo ken, kita ko yung pag pula ng mga tenga mo dito sa kinauupuan ko, bilib ka sa talent ko no. See, sungit sungitan ka pa, ilang days lang bigla ka nalang mag chachat sa messanger ko o kaya mag tetext ea keypad phone ko.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomanceSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?