Mas naging close kaming lima dahil sa bandang binuo namin, ang dating isang oras na practice nagiging dalawa at minsan hindi na namin na papansin na mas napapatagal na pala kami sa loob ng studio. Buti nalang talaga may dalang extra cash si Josh since siya ang RK saming lima, kaya may pambayad kami sa renta ng studio. Pero hindi naman libre iyon dahil binabayaran din namin sa kanya kinabukasan.
Madalas nadin kami sabaysabay na kumaing lima tuwing break time at lunch. Dinadala din kasi ni Pablo ang kanyang gitara, pati si Josh, nagpabili pa ng cajon beat box sa tatay niya, para makapag practice kami kapag walang klase.
Mas napapadalas nadin ang pag ngiti ni Pablo, hindi katulad noong unang beses ko siyang makilala na sobrang ilap sa tao.
Tuwing uwian, sabay nadin kaming umuwing dalawa since parehas naman ang direksyon ng bahay namin. Nung una nag kakahiyaan pa, pero ngayon mas napapadalas na ang kwentuhan naming dalawa at sempre paramore ang topic o kaya minsan local artist katulad ng parokya ni edgar, eraserheads at iba pa.
Mas gumaan nadin ang loob niya sakin, madalas na siyang ngumingiti, tumatawa o kaya mas napapadalas na ang physical contact namin, kumbaga umaakbay na ito o kaya nakikipag apir basta ganon gets niyo namam diba? Hindi tuloy mapigilan ng puso kong kumabog, sempre ngayon nalang to, dati kasi patay malisya pa ako, kaibigan lang kasi talaga trato ko sa kanya, walang ibang meaning at malisya. Tapos idagdag mo pa yung umalis siya papuntang america ng walang sabi, nawalan kami ng contact sa isa't isa kaya napalayo ang mga loob naming dalawa. At nung araw ng birthday ko, bago ako mapunta sa nakaraan, iyon lang ang araw na muli kaming nag kitang dalawa, after ng ilang taon na wala akong ni isang balita sa kanya.
Sempre hindi lang naman si Pablo lagi ang kasama ko ngayon, gusto ko din talaga sulitin tong oras na buo kaming lima, kaya nga kapag wala kaming budget para mag practice sa studio, sa bahay kami nila Josh lagi nakatambay. Pero sa totoo lang hindi naman kami nag prapractice kapag nakila Josh kami, dahil madalas nag lalaro lang kaming lima, lahat kasi ng latest gaming console year 2011 meron siya, kaya sempre naiigno kami sa mga laruan na minsan lang namin makita at malaro. Grabe din pala itong si Josh no, ngayon ko lang napansin, bata palang pala kami mahilig ng mangolekta ng mga bagay na related sa games.
Napangiti tuloy ako, ang sarap talagang balikan ng mga oras na ganito, yung hindi namin iniintindi gumising para mag trabaho, o kaya paano namin babayaran ang mga bills na malapit na mag due date. Alam ko namang nasulit ko na ito dati, pero hindi naman sigurong masam na i enjoy ko ulit since nandito nadin naman ako sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomanceSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?