─── ⋆⋅✧⋅⋆ ───
[𝙳𝚒𝚊𝚛𝚢: 𝙹𝚞𝚗𝚎 𝟸𝟹, 𝟸𝟶𝟷𝟷]𝙾𝚔𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚔𝚒𝚗 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚒 𝙹𝚞𝚜𝚝𝚒𝚗 𝚊𝚝 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊 𝚐𝚛𝚞𝚙𝚘 𝚔𝚘, 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚙𝚊𝚝𝚒 𝚜𝚒 𝙺𝚎𝚗 𝚊𝚝 𝚜𝚒 𝙿𝚊𝚋𝚕𝚘 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚖𝚊? 𝙰𝚢𝚘𝚔𝚘 𝚜𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙺𝚎𝚗, 𝚗𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚊𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊! 𝚈𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚝𝚊 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚐𝚛𝚊𝚋𝚎 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊 𝚝𝚒𝚗𝚐𝚒𝚗. 𝙿𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚞𝚑𝚞𝚜𝚐𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚋𝚞𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚝𝚊𝚘 𝚔𝚘. ˙◠˙
𝚃𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚜𝚒 𝙿𝚊𝚋𝚕𝚘 𝚍𝚊𝚒𝚐 𝚙𝚊 𝚊𝚛𝚝𝚒𝚜𝚝𝚊 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊 𝚜𝚗𝚘𝚋! 𝙼𝚊𝚜 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚞𝚜𝚊𝚙𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚛𝚒𝚕𝚒 𝚔𝚊𝚢𝚜𝚊 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚙𝚊𝚐 𝚞𝚜𝚊𝚙 𝚜𝚊𝚖𝚒𝚗. 𝙽𝚊𝚙𝚊𝚙𝚊𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚝𝚞𝚕𝚘𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚐𝚊𝚠𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚛𝚘𝚞𝚙 𝚠𝚘𝚛𝚔 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘.
─── ⋆⋅✧⋅⋆ ───
Inutusan na kami ng teacher para puntahan ang mga kagrupo namin, meron kasi kaming group activity sa Music and arts at kailangan naming mag perform, it's either to sing or to dance. At kung sino mapili ni Sir, siya ang mag iintermission number sa acquaintance party namin.
Naalala ko hindi naging madali para sakin itong group activity. Si Justin lang kasi ang matino sa mga kagrupo ko, at siya lang din ang nakakausap ko.
Pumwesto kami sa pinaka likod na upuan sa room, at nag form kami ng circle gamit ang arm chair naming lima.
"Ano bang gusto niyong gawin natin, any suggestions?" Tanong ni Justin.
"What if bumuga tayo ng apoy? Gaya nung babae sa perya, diba ken?" Siniko pa nito ang katabi, sinamaan lang ito ng tingin kaya hindi niya na naituloy ang pag tawa.
Palihim akong natawa para kay Josh, kung dati hindi ko magawang matawa o mangiti manlang dahil sa takot ko kay Ken, pero ngayon jusko naman kasi Josh napaka random mo. Dapat pinush mo nalang maging komedyante siguro sa kasulukuyan isa ka na sa pinaka sikat na artista sa larangan ng comedy.
"Tinatawa tawa mo jan? Kung may suggestion ka sabihin mo hindi yung sinasarili mo." Matigas na sabi ni Ken nang mapansin ang palihim na pag tawa ko.
Hmp! Sungit naman nito, anong akala mo sakin hindi ko alam kung anong kasunod nito? Neknek mo, alam ko naman mabibilib ka sa talent ko, kaya ka nga naging Feeling Close sakin after our practice and performance.
"Banda.." Sabay naming sabi ni Pablo, kaya nag tinginan kami bigla.
As far as I remember, your honor hindi ko na po pala talaga maalala kung nag sabay din kami dati o parte lang ito ng alala ko sa nakaraan. Basta ang naalala ko bumuo kami ng group band. At madaming nabilib samin.
"Banda, eh may drum and lyre na tayo sa school diba? Member pa nga ako eh!" Inosenteng sabi ni Josh.
"Baliw, band, parang paramore o kaya parokya ni edgar." Nakangiti kong sabi.
Nakita ko namang napangiti ng palihim si Pablo, naalala ko kasi pareho naming gusto ang bandang paramore.
Napagkasunduan na naming lima na bumuo ng banda, ako ang naging main vocalist, si Pablo naman ang lead guitarist at sub vocal, si Justin as rhythm guitar, Ken bass guitar at since kasali si Josh sa drum and lyre siya ang naging drummer namin.
Pinag isipan nadin namin ang pangalan ng banda, sa totoo lang wala pa kaming naiisip na matinong pangalan, tapos hetong si Josh parang tanga, "Banda dito, banda doon" daw ipangalan namin para comedy, kaso laging binabara ni Ken, mag seryoso naman daw kahit minsan dahil grade ang nakasalalay dito at ayaw niyang mapagalitan ng nanay niya. O diba mama's boy!
"Why not Ionic band, tunog ionic bond which is the type of linkage formed from the electrostatic attraction between oppositely charged ions in a chemical compound." Suggest ni Justin.
Ay sus yan nanaman ang bestfriend ko na nerdy, hindi naman masyadong halata kung ano favorite subject niya no? Pero infairness witty naman ang pangalan na Ionic band. Kaya lahat kami nag agree na, since wala nadin choice kaysa naman sa suggestion ni Josh, baka imbis na palakpakan kami ng mga students and teachers, tawanan lang kami.
Time skip..
Meron kaming 2 weeks to practice para sa presentation kay Sir, at another 1 week if ever kami ang mapili, which is kami naman sa past, ewan ko nalang now if mababago pa.
Since wala pang group chat sa messanger ng taong 2011, madalas nag G-GM (group message) si Justin saming apat for updates.
Walang pasok ngayon, kaya nag simula na kaming mag practice, nasabihan nadin namin si Sir na kailangan namin ng instruments para sa performance, natuwa naman ito dahil ang iba naming classmates sayaw at acapela. Buti nalang talaga meron kaming music room sa school, at duon kami mag peperform para sa activity.
2:20 PM palang, gumayak na ako, para makapunta sa music studio na rerentahan namin, pag dating ko nakita ko si Pablo na naka salampak sa sahig, habang hawak hawak ang isang myx songbook, habang may mga naka lapag pang iba sa sahig.
Sobrang seryoso nito habang inililipat ang pahina ng libro, masyadong nakafocus kaya hindi ako napansin. Well ganito naman na siya nuon pa, at sa pag kaka alala ko, gustong gusto niya talagang buo ng isang banda, pangarap niya kasing kumanta, gaya ng tatay niya.
"Dami naman nito, pwede pahiram?" Tanong ko pagka salampak sa tabi nito, lumingon naman ito sa akin, bago tumango at ibalik ulit ang attensyon sa songbook na binabasa.
Napangiti ako ng magdikit ang mga braso namin, kung pwede ko lang sana siyang yakapin at sabihin sa kanya kung gaano ko siya na mimiss, at gustong gusto ko siyang tanungin, kung bakit niya nagawa sakin lahat ng iyon. Pero hindi pa oras, kailangan ko pa mag hintay ng ilang araw, buwan, o taon para malaman ang katanungang bumabagabag sakin.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomanceSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?