Stell's POV
Tumayo ako at nag lakad papunta sa kabilang table.
"Hi, Pablo right?" Nilingon ako nito, at tumango lang bago ulit ipag patuloy ang pag babasa ng libro.
"Pwedeng maki tabi?" Tanong ko dito, pero hindi niya ako pinansin, patuloy lang ito sa pag babasa.
Hindi ko na ito hinintay mag salita o sumagot sa tanong ko, dahil naupo na agad ako sa harapan nito.
"Grabe sobrang cold talaga ng tao na to, huwag kaya kitang sagutin kapag niligawan mo na ako." Bulong ko sa sarili.
Ibinaba naman nito ang librong binabasa at kumagat sa sandwich.
Hindi ako nito pinapansin, naka focus lang ito sa pagkain at pag babasa.
"Transferi kadin diba?" Tanong ko dito, kahit alam ko naman na ang isasagot nito. Gusto ko lang talaga mag usap kami. Kaso parang wala talagang pakealam sakin. Bakit ba medyo nasad ako. Mali bang gumawa ako ng first move, dahil hindi naman ito nakasulat sa diary?
Napabuntong hininga ako bago tumayo at mag lakad. Medyo nawalan kasi ako ng gana, akala ko kung gagawa ako ng paraan, mas mapapabilis ang lahat, pero mali pala...
Nag lakad ako papalabas ng canteen, at napadpad sa garden. Nakakita ako ng bench sa ilalim ng puno at naupo.
Hmmm.. So ibig sabihin, hindi pwedeng madaliaan ang lahat. Ano bang dapat kong gawin, gusto ko lang naman malaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari ng mga panahon na iyon.
Kung hihintayin kong mangyari ang lahat, ibig sabihin tatagal ako dito. Ibig sabihin kailangan padin mangyari ang lahat ng nakasulat sa diary araw araw.
Napahiga ako sa bench, at napatingin sa sinag ng araw na tumatagos sa pagitan ng mga dahon sa puno.
Itinaas ko ang kamay ko, para takpan ito.
"Mababago ko ba talaga ang nakaraan?" Bulong ko sa sarili.
Pablo's POV
Nagulat ako ng bigla nalang may kumausap sakin, habang nag babasa ng libro. Pag angat ko ng ulo ko, nakita ko si Stell. Yung kaparehas ko ding transferi. Hindi ko alam kung paano ito kakausapin. Kaya hindi ko nalang ito pinansin, para umalis na siya.
Kaso mali ako, umupo pa ito at kinausap pa ako.
"Bakit ba nandito ito?" Bulong ko sa sarili.
Sa totoo lang ang goal ko lang ngayon maka graduate, hindi ko kailangan ng kaibigan o kahit sino sa buhay ko ngayon. Ayoko ng distraction, ang focus ko ngayon pag aaral.
Baka sakali kasing...
Hays~ napabuntong hininga nalang ako. Sabi ko sa sarili ayoko ng distraction, pero bakit bigla ko nalang naiisip. Mali naman siguro yung nakita ko diba? Hindi niya magagawa iyon samin..
"Transferi kadin diba?" Bigla akong nagbalik sa realidad ng tanungin ako ni Stell.
kinalma ko muna ang sarili ko, bago sana sagutin ito. Kaso nagulat ako ng bigla nalang tumayo at umalis sa kinauupuan nito.
"Galit ba?" Bulong ko sa sarili.
Hinayaan ko na, sayang din naman ang oras ko kung pag tutuunan ko pa iyon ng pansin. Kaya binalik ko nalang ang focus ko sa librong binabasa ko.
BINABASA MO ANG
Rewriting destiny [SB19 - STELLJUN AU]
RomantikSome people say that you cannot undo your past, but if given the chance to rewrite your destiny, are you willing to do it?