PART III: WISH

259 15 0
                                    

STELL'S POV

Buti nakauwi pa ako, ganito ba talaga ang regalo sa kaarawan ko? mugtong mata at kalungkutan? Bakit ba kasi nakita ko pa si pablo.

Uniti unti nanamang sumagi sa isip ko, lahat ng alala na magkasama kaming dalawa. Naluha nanaman tuloy ako.

Sobrang sakit padin pala...

Akala ko naka move on na ako sa kanya..

Sobrang tagal nadin kasi..

Pero kung hindi sana ako nag punta nung araw na iyon, wala sana akong makikita.

Wala sana...

Sinubukan naman niya akong kausapin, pero mas pinili kong hindi siya pakinggan.

Natatakot kasi akong malaman ang katotohanan.

Haggang sa nalaman ko nalang na, umalis na siya. At tuluyan na akong iniwan.

Ipipikit kona sana ang aking mga mata, pero bigla kong naalala ang sinabi ng waiter sa restaurant kanina.

Ano nga ba ang wish ko sa birthday ko?

Pumikit ako at bumulong.

"Sana, bumalik ako sa nakaraan. Para malaman ko kung ano ba talaga ang totoong nangyari. At para maitama ko lahat ng maling desisyon na nagawa ko."

 Pagdilat ko, napatanong ako sa sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdilat ko, napatanong ako sa sarili. Tama ba na hilingin ko ito? Sobrang imposible kasing mangyari.

Pero kung mabibigyan ako ng isa pang pag kakataaon. Bakit hindi diba?

Gusto ko lang malaman..

kung pinakinggan ko ba siya at hindi siya hinayaang umalis.

Kami pa kaya, at masaya kaya ako ngayon, kasama niya?

Rewriting destiny  [SB19 - STELLJUN AU] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon