Axel's POV
"RING!"
Nag-ring na ang bell, it means, tapos na ang klase. I stood up and gather all my things, dapat sa mga oras na ito ay umuuwi na ako, just like the other high school students. Pero, hindi pa ako uuwi, may trabaho pa kasi ako sa isang shop... isang Local Ice cream shop to be specific.
By the way, I'm Ace Axel Rodriguez, 18 years old, and a senior high school student. Nagtataka siguro kayo kung bakit nagtatrabaho pa ako? Well, magco-college na kasi ako next year, kaya kailangan eh, mag-ipon na ako, ayaw ko kasi na pati yung allowance and other gastos ay ibigay pa ng parents ko.
After kong mailagay sa bag ko ang mga gamit ko, ay lumabas na ako sa class room namin. As usual, madami na namang students because labasan na nga, may kanya-kanyang sundo... perks of being rich. Nasa isang private school kasi kami, and I am very fortunate na naging scholar ako. Di naman sa pagmamayabang, may ibubuga naman ako kung talino ang pag-uusapan.
Palabas na sana ako ng gate nang biglang may tumawag sa akin...
"Axel!" Napalingon ako, nakita ko ang mate ko na si Carl, kasama ang barkada niyang papunta sa akin. Nang makadating sila sa pwesto ko ay, "Want to join us?" Tanong niya sa akin, "Hmm, saan?" Inosenteng tanong ko "Clubbing?, I'm sure it's going to be fun!" Masayang sagot niya sa akin, "Eh? Di ako mahilig dyan, iba na lang ang isama mo" pagtanggi ko sa alok niya, clubbing? Hindi ko nga alam yun, tyaka buong buhay ko ay hindi pa ako gumigimik. "Oh, come on Axel! Once in a life time lang to! Look, VIP!" Palatak niya sa akin at ipinakita niya ang mga tickets sa akin na may "VIP" na nakalagay.
"Hmm, sorry. Pero ayaw ko, haha" awkward na sabi ko sa kanya, in my whole life, hindi pa ako pumunta dun. "Tsk, you sure?" Huling alok niya, simpleng tango na lang ang ibinigay ko sa kanya, "okay, I guess I'll just ask for James to join us." I nodded, "okay, sorry." Sagot ko na lang sa kanya at tinalikuran ko na sila para lumabas.
---
After few minutes of walking, nasa harapan na ako ng shop. Kaagad akong pumasok doon at dumeretso sa locker room, may locker kasi kami dito para doon ilagay ang mga gamit namin.
Pagpasok ko, nakita ko kaagad ang mga ka-trabaho ko, sina Ryan and Adam, probably taking their leave, nagbibihis na kasi ang mga ito.
"Oh, hi guys" bati ko sa kanila "hello" "hi" ganting bati naman nila, "galing school?" Tanong ni Adam "Oo, kapagod nga eh" sabi ko naman sa kanya "dapat mas priority mo pag-aaral mo" sabi naman ni Ryan "oo, di ko naman napapabayaan eh" sabi ko habang nagkakamot ako ng batok ko. "Okay, aalis na ako" sabi ni Adam, "wait! Sabay na ako" pahabol naman ni Ryan. Nagpaalam na sila sa akin at lumabas na sa locker room.
Kaagad akong nagpalit ng damit at lumabas na sa room, Here we go again... a lot of work!
...
I wiped the sweat on my forehead as I finished cleaning the last table on the shop. Napatingin ako sa munting relo ko na bigay pa sa akin ni Nana, magse-seven na pala, I am too busy na hindi ko na malayan na gabi na pala.
After kong magpalit ng damit, nagpaalam na ako sa mga co-workers ko and sa boss ko then lumabas na ako sa shop.
Habang nasa daan ako, bigla kong naisip na, bukas ay friday, so, makakapagpahinga ako the next day, it means, I'm free. Siguro, I'll cook for my Nana and Dada, sounds great.
Nang nasa paradahan na ako ng bus, may mga nakasabayan akong mga grupo ng babae at lalake, may pinag-uusapan sila.
"Guys, let's go clubbing. Masaya daw yun!" Sabi ng babaeng naka-puti. "Oo nga, masaya nga daw" pag-sang-ayon naman ng mga kasama niya.
Nang dumating na ang bus, ay sunod-sunod kaming umakyat sa bus. Bigla kong naalala yung alok sa akin ni Carl about dun sa club. Clubbing? I'm sure it's fun!
Well, wala namang masama kung susubukan ko, in fact, first time ko palang naman na susubukan iyon. And lastly, friday na bukas so walang masama kung mag club man kami. Pero paano yung pagluluto ko para kina Dada and Nana? I let out a exhausted sigh. "Bahala na."
...
The next day came fast, kakapasok ko palang sa school ko. As usual, students, cars, services, teachers and many more. Pagka pasok ko sa room, kaagad kong hinanap si Carl, and luckily, nakita ko siya, kausap ang mga barkada niya.
Nilapitan ko siya at kinalabit. "Oh, anong sa atin, Axel?" Parang gulat na tanong niya, "ah, eh, just asking if may kasama ka na sa club?" Awkward na tanong ko sa kaniya, kaagad na lumawak ang ngiti niya, "Sasama ka na?" Naka ngiting tanong niya "hmm, yes, I guess" sagot ko naman, "Great! Buti nalang di ko pa naalok kay James yung ticket" masayang sagot niya "wait lang!" Pigil ko sa kaniya "hmm, bakit?" Tanong niya, habang naka ngiti "ah, eh, wala ba akong babayaran?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya "wala, libre lahat 'to, don't worry" masayang sagot niya "okay" sagot ko na lang.
Nag-ring na ang bell, which means, the class is about to start. Bumalik na ako sa seat ko, at nakita kong bumabalik na din ang iba sa upuan nila, "after class, punta ka sa parking lot, Axel!" Pahabol ni Carl sa akin bago siya umupo. Napatango na lang ako...
this is it! Wala ng atrasan 'to! Bulong ko sa sarili ko bago ako umupo. Babawi na lang ako kina Dada and Nana next time.
...
Classes went good, as usual, wala kaming assignments, policy kasi iyon ng school na bawal magbigay ng assignments sa mga estudyante kapag weekends na. For the students to relax on their weekends as well as the teachers.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag ko. After kong matapos, lumabas na ako ng room at dumeretso na sa sinabi ni Carl sa aking puntahan ko. Sa parking lot.
Malaki ang parking lot ng school, di na nakakapagtaka, private kasi ito, at napaka laking school. Kaagad kong nakita sina Carl at ang mga barkada niya na siguro ay kasama naming magka-club.
"Oh, yan na pala si Axel" sabi nung isa pagdating ko sa lugar. "Ahm, hello, pasensya na sa paghihintay" magalang at nahihiyang sabi ko sa kanila "nah, it's okay." Sabi naman ni Carl sa akin. "Let's go, then?" Tanong naman nung babae. Tumango ang lahat at wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Carl.
Yung iba ay may kotse din gaya ni Carl while the others, naka motor naman. Unang umalis yung mga naka motor at sumunod ang kotse ni Carl na siyang sinasakyan ko at pati na din ang iba.
I settled myself as the car moved. I'M SURE, IT'S GOING TO BE A LONG NIGHT.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
HIS Master; HIS Slave
General FictionAce Axel Rodriguez is just an ordinary senior highschool student, living a simple yet blissful life with his Nana (mom) and Dada (dad) but his simple yet blissful life will suddenly change as he got kidnapped by some unknown people and sold to a mul...