Chapter 4

12.4K 438 41
                                    

Third Person's POV

Biglang napabalikwas ang binatang si Axel mula sa pagkaka-higa niya, pero biglang may kumirot sa katawan niya, partikular sa tyan at mga binti...

Ano nga ba ang nangyari? Tanong niya sa sarili. Ayun, tama. Sinipa at nilatigo pala siya ng mga lalaki. Bigla niyang tinignan kung nasa loob pa ba ang mga lalaki kanina, pero wala na siyang makitang ibang tao.

Umikot ang paningin niya sa kwarto, sinuri ito. Iba na ang kwartong ito kumpara sa kwarto niya kanina. Tatayo na sana siya ng biglang may yumapos na malamig na bagay sa kanyang dibdib, bigla niya iyong tinignan upang makita na isa itong bakal at kadena.

Bigla niya itong inalog at sinubukang alisin, pero sadyang mahigpit ito at naka lock. Bigla siyang nataranta, ano ang gagawin nila? Ano ang binabalak nila sa kanya?

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang biglang magbukas ang pintuan. Pagbukas nito ay kaagad na bumungad sa kanya ang mga lalaki din kanina. Kapwa titig na titig sa kanya habang naka ngisi.

"Oh, gising ka na pala." Panimula ng lalaking may latigo sa baywang "a..ano ito, bakit a..ako na..naka ganito?" Gulong tanong niya sa mga ito habang hawak-hawak ang kadena sa kanyang leeg. Doon niya din lang napansin na ang tanging manipis at malinaw na tela lamang ang suot-suot niya. 

"Wag kang mag-alala, malalaman mo din maya-maya" sagot naman nung lalaking naka puti habang naka ngisi. Bigla siyang kinilabutan dahil doon. Sunod-sunod siyang napailing.

"Hi..hindi, alisin n..niyo sa ak..akin ito! Pa...pa..pakawalan ninyo ako!" Sigaw niya sa mga ito "hindi pwede, malalagot kami sa amo... at mawawalan ng pera." Putol sa kanya ng lalaking naka pula, bigla siyang naguluhan, anong amo? anong pera? Anong pera ang pinagsasabi nito?

"Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako." Muling naglandas ang mga luha niya, pilit niyang inaalis ang kadena sa kanyang leeg. "Hindi ako mayaman. Pakawalan niyo na ako, parang awa niyo na" pagmamaka-awa niya sa mga ito ngunit hindi sila sumagot.

Katahimikan.

Namutawi ang katahimikan sa loob ng kwarto ngunit naputol iyon dahil sa isang tawag.

RING!

Kinuha ng lalaking naka-puti ang cell phone niya sa kanang bulsa ng kanyang pantalon at pinindot ang answer button.

"Hello." Napatingin sa lalaking may hawak ng cell phone si Axel, tila pinakikiramdaman ang mga sinasabi nito kahit na medyo malayo ito "yes, okay. Dadalhin na namin siya dyan" pagkatapos sabihin ng lalaki iyon ay tinapos na niya ang tawag.

Tumingin muna ito sa kanya bago sa kasamahan. May ibinulong ito sa kasamahan at pagkatapos, pareho na silang tumingin sa kanya na naging dahilan ng pangingilabot ni Axel.

Dahan-dahang lumalakad patungo sa kaniya ang dalawa. Bigla siyang napa-atras, patuloy lang sila sa paglakad at pa-urong naman si Axel, bigla na lamang niyang naramdaman ang lamig ng pader sa kanyang likuran. Bigla siyang napatingin sa likuran niya, pader na iyon. Nang tumingin ulit siya sa direksyon ng dalawa... nagulat siya ng nasa harapan na niya ang mga ito.

"A..ano ang ginagawa niyo? Ba..ba..bakit kayo lumalapit sa akin?" Tila takot na tanong niya sa mga ito. "Tara na" sabi lang ng isa sa mga lalaki "sa..saan niyo ako da..dalhin?" Tanong niya dito, "wag ka ng magtanong, basta sumunod ka na lang" sagot naman ng isa at biglang hinila ang kadena.

"Wag!" Sabi ni Axel at hinila niya pabalik ang kadena, biglang nabitawan ng lalaki ang kadena. Tinignan niya lamang ito at hinila muli ang kadena. Pinilit ni Axel na wag magpa-tanghay sa kanya kaya pinigilan niya ang sarili gamit ang mga paa. Buong pwersa niyang hinila pabalik ang kadena sa kanya.

HIS Master; HIS SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon