Chapter 24 (part 1)

6.2K 208 1
                                    

Axel's POV

I hanged the phone and sighed. Geez, up until now, I still am not used to saying those words to him. I mean, it's only natural to say those words if you're in a relationship, right? Pero bakit parang daig ko pa ang babae kung kiligin ako sa pagsasabi ng mga yun.

I've been with him for almost 5 months now. Yes, it's almost 5 months, time truly passes by very fast. Sino ba naman ang mag-aakala na ganun na ako katagal sa puder niya. I mean, I was kidnapped then he saved me through buying my body.

Yes, we argued in the past, yet he didn't let me go. Ganun niya ba talaga ako kamahal? I mean, it's not like I am doubting his love (maybe lust) but I really don't know the reason on why he loves me this much.

Inilagay ko ang phone ko sa side table ng kama ko at tumayo. "I guess, I should start getting used to this." I said. Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko.

Paglabas ko, nandun pa din yung mga taong naka-suit at may mga baril na hawak-hawak. Well, hindi ko masisisi si Gideon I mentally said.

Nag-decide nalang ako na tumuloy sa kwarto nila Tamara at Isabel.

"Oh, Axel. Anong sa atin at pumunta ka pa dito?" Tanong ni Tamara matapos kong isara ang pinto ng kanilang kwarto. Isa iyong simpleng kwarto. May mga bakanteng double-deck na kama dahil medyo may kalakihan din iyon.

Konti lang ang mga gamit; mga cabinets, lalagyan ng shoes at tsinelas, at iba pang simpleng kagamitan ng mga maids. Pero dahil silang dalawa lang ang nandito, may mga gamit din na hindi nagagamit.

Gideon once told me na kaunti lang ang staff niya ay dahil gusto niya ng privacy. Actually, halos wala man yatang sampu ang mga tao niya sa bahay--mansion pala. Silang dalawa daw ay talagang para sa akin, dagdag nalang talaga ang trabaho nila bilang taga-luto ng pagkain at paglilinis.

Sa loob ng limang buwan na pamamalagi ko dito, halos ka-close ko na lahat, Si Manong Temio, ang hardinero, kasama niya din ang asawa at anak niya na sina Aling Beth at Elen. Yung driver ni Gideon na si Mang Uste, yung guards na sina Mang Boy at Aling Edith.

Dagdag din yung kambal na secretaries ni Gideon na sina Austine at Justine at syempre sina Tamara at Isabel.

"Wala, gusto ko lang ng ka-kwentuhan. Medyo nakakabagot kasi mag-isa sa kwarto ko." Sagot ko sa kanya at umupo sa ilalim ng double-deck na katapat ng sa kanila.

"Nakakabagot o miss mo lang si Sir?" biglang untag ni Isabel. I don't know what happened pero feeling ko bigla akong namula sa sinabi niya.

"O-Oy! Wala a-akong sinabi ha!" Nahihiyang sabi ko sa kanya at yumuko. Geez!

"Okay, pero bakit namumula ka?" dagdag naman ni Tamara at umupo sa tabi ko.

"Hindi ako namumula!" Sabi ko sa kanya na parang bata. Mabuti pang hindi nalang ako nagpunta dito. Pinagti-tripan ako ng dalawang 'to.

"Joke lang, Axel. Ikaw talaga." Sabi naman ni Isabel.

"Pero namumula ka talaga, promise." bigla namang sabat ni Tamara.

Tumingin ako sa kanya, kita ko ang tawa niya na parang nanalo ng lotto.

"Hindi nga?" tanong ko bigla sa kanya. Tumango siya bilang sagot.

"Miss mo ba talaga?" tanong ulit niya sa akin. Bigla akong hindi makasagot.

"Hala! Miss niya nga si Sir. Oh my gosh!" Biglang sigaw ni Tamara at napatayo. "Miss na niya si Sir, miss na niya si Sir, miss na niya si Sir." para siyang tanga at paulit-ulit na nagkanta. Sinabayan pa siya ni Isabel kaya mas lalo yata akong namula.

"at dahil dyan, tara sa kusina!" biglang sabi ni Isabel at hinatak ang kamay ko. Narinig ko nalang na sumigaw si Tamara ng "Oright! Let's go!"

Geez! I have two crazy friends.

Gideon's POV

"Okay, that's all for today gentlemen." Sabi ko sa kanila at unang tumayo. Kaagad akong dumeretso sa office ko para tapusin ang mga documents na dapat kong tapusin.

Niluwagan ko ang neck tie ko at umupo sa swivel chair ko. 'till now, hindi ako sanay na may isang Gustave Salvatore na gumagala sa opisina ko. I don't know the reason why his father, my father's best friend is sick but I have this feeling na dahil yon sa kanya.

Gustave and I used to be best buddies in the past until one day, nag-iba ang pakikitungo nito sa akin. I don't know the reason back then but as days pass by, unti-unting napapalayo ang loob ko sa kanya, and then one day may nangyari.

It was an accident--no, it was a tragic day that he planned. Yes, tuso siya at hindi mo alam ang kaya niyang gawin. He killed my pet and what's worse is, he killed his own mother. We were 18 years old that time.

Nasaksihan ko ang lahat, nasa bahay nila kami dahil nagkaroon ng emergency meeting non sina Papa at Tito tungkol sa business nila. Nasa may garden nila kami, I brought with me my pet and we were playing, dumating non ang Nanay niya at may dalang mirienda para sa amin.

Tita Myra, his mom, watched us as we play, pero hindi ko alam ang mga nangyari at bigla nalang akong nakarinig ng sigaw. It was Tita Myra who was screaming, sa harap niya ay si Gustave na may dalang kutsilyo, kita ko ang dugo na pumapatak doon.

Bigla nalang natahimik at nakita ko na nakahandusay na lang ang nanay niya sa damuhan, bigla siyang tumingin sa akin at sana'y sasaksakin na niya ko pero tumahol ang aso ko at yun ang pinuntirya niya, I screamed and screamed for help until Papa came.

Narinig ko pa siyang sumisigaw non bago siya tuluyang kunin ng Papa niya.

I suffered, nagkaroon ako ng trauma ng dahil sa nangyari and I isolated myself, nagkulong ako sa kwarto ng dahil sa takot, nagtagal iyong ng isang taon bago nawala. Paglabas ko sa kwarto ko ay nalaman ko nalang na wala na pala siya sa Pilipinas at idinala siya ng Papa niya abroad para ipagamot.

That's the reason why Papa had the whole control over the company and he gave it to me right after he's retired, but now, I am worried, worried na may gagawin ulit si Gustave laban sa akin para makuha ang kontrol ng kompanya and I will do everything para hindi iyon mangyari.

Bumalik ako sa realidad ng may biglang kumatok sa pinto ng office ko. "Come in," sabi ko at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. "Uhm, Sir. Mr. Salvatore wants to meet you." sabi sa akin ng secretary ko na kumuha ng atensyon ko. Damn it, what the hell is he doing here?

Sasagot na sana ako pero bigla ay nakita ko nalang ang isang Gustave na nasa loob ng office ko. "Hi," bati sa akin ni Gustave nang nakangisi. "Sir?" biglang sabi ng secretary ko, "it's okay, leave us" sabi ko sa secretary ko.

"What brought you here?" tanong ko sa kanya nang maisara na ng secretary ko ang pinto. "Wala man lang bang kamusta? Kaagad yan ang tanong mo? Come on, para namang hindi tayo naging buddies." maenganyong sabi niya sa akin.

"Spit it out, Gustave. Wala akong panahong makipag-kamustahan sa'yo" diretsong sabi ko sa kanya.

"Woah, why so cold?" natatawang tanong niya sa akin. Biglang tumahimik ang office at akala ko at aalis na siya pero nagulat ako nang bigla siyang umupo sa upuan na nasa harap ng table ko. He is impossible!

"Gustave, kung wala kang sasabihin, you can leave. I still have works to do." sabi ko sa kanya ng walang tingin.

HIS Master; HIS SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon