Naglalakad sa madilim na eskinita ang binatang si Gideon ng may makabungguan siya. Tinignan niya ito at nakitang isang lasing na may kasama pang kapwa nitong mga lasing din.
Tsk, mga walang pakinabang sa lipunan bulong niya sa sarili niya at aabante na sana nang biglang harangan siya ng mga ito.
"Bata, ibigay mo sa amin ang wallet at alahas mo" utos sa kanya ng isa dito na base sa itsura ay -- ano nga ba?
Leader? Hindi niya din masagot ang tanong niya dahil siya rin mismo ay nalilito dahil magkakamukha ang mga ito, PANGIT. Natawa siya sa kanyang naisip. Ngunit hindi ipinahalata iyon.
"Wala akong wallet, at hindi ko ibibigay sa inyo ang mga ito." Matigas na sagot niya
"Aba, aba, aba. Matapang ka ah?" Sabi naman nung isa na nasa gilid niya.
"Ibigay mo na lang ang hinihingi namin kung ayaw mong masaktan."
May banta sa tono ng nagsalita ngunit di gumana ito sa binata at sumagot ng "wala akong ibibigay, kaya padaanin niyo na ako, wala akong panahon sa mga kagaya niyong walang kwenta"...Aalis na sana siya nang biglang hablutin siya ng dalawa sa mga ito, nagpumiglas siya ngunit sadyang mas malakas sila dahil dalawa sila, "wag ka ng pumalag. Ibigay mo nalang para di kana masaktan" sabi ng kaninang kausap niya,
"ang kulit mo din eh no? Sabi kong AYAW KO, di kaba maka-intindi?" Sagot naman ni Gideon. "Aba, matapang ka ah? Tignan natin kung saan ka dadalhin niyang tapang mo" sabi sa kanya ng kausap niya at hindi inaasahan ng binata ang sunod na nangyari...
--------
Naglalakad noon si Axel galing sa kanyang eskwela, first year high school pa lang siya. Palagpas na sana siya sa madilim na kanto ng biglang may marinig siya...
"Ugh!"
Kaagad na natakot siya sa narinig at parang naitulos sa kinatatayuan.
"Yan ang napapala ng mga batang ayaw sumunod" sabi ng boses na sa tingin niya ay lasing.
Biglang umulan at yun ang dahilan para bumalik sa kanyang sarili si Axel...
Kinuha niya ang kanyang munting payong para hindi siya mabasa. Narinig niya ang mga yabag na papunta sa kanyang direksyon, kaya kaagad siyang nagtago sa likod ng mga basurahan.
Nang sure na siya na wala na ang mga iyon ay kaagad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng mga iyon. Nagdalawang isip pa siya noong una, pero bahala na lang ang tanging nasabi niya.
Papalapit siya ng papalapit at habang papalapit siya ay may naririnig din siyang mabagal na paghinga habang dumadaing sa sakit.
At nang tuluyang makalapit siya doon ay nakita niya ang isang binata, matangkad sa kanya na basang-basa dahil sa ulan na inaalalayan ang sarili upang maka upo.
Kaagad siyang lumapit dito kahit na kinakabahan. Tumigil siya sa harapan ng binata at pinayungan niya ito.
Kaagad namang napatingin ang binata sa kanya, at nakita niya ang mga abong mata nito na parang tumatagos sa kanyang kaloob-looban.
"Excuse me, but are you alright?" Tanong ni Axel sa binatang nasa harapan niya.
---------
Tila naman parang may kung anong nabuhay kay Gideon nang makita niya ang batang nasa harapan niya.
Hindi niya alam kung ano ito pero hinayaan na niya lamang iyon.
"If you want to, how about it?" Tanong ng bata na nasa harapan niya at bigla na lamang naramdaman ni Gideon ang malambot at mainit na palad ng batang humaplos sa kanyang mukha, bago siya mawalan ng malay.
Itutuloy...
HIS Master; HIS Slave
Story of yourbitterman
(BoyxBoy)
BINABASA MO ANG
HIS Master; HIS Slave
General FictionAce Axel Rodriguez is just an ordinary senior highschool student, living a simple yet blissful life with his Nana (mom) and Dada (dad) but his simple yet blissful life will suddenly change as he got kidnapped by some unknown people and sold to a mul...